IJHF: 26 (POV)

2.2K 42 0
                                    

Zher's POV

****************

Pumasok na lang ako sa loob. Napapailing na lang ako sa inasta ni Amby. Basta food, ang bilis niya. Shhh sikreto lang natin to. Hahahaha



Pumasok na rin ako sa loob. Naabutan ko si Amby na kumakain ng pizza while watching. Napatingin siya sa akin.




"Hi kuya!" nakangiting sambit niya sa akin at saka kumagat ulit ng pizza.




Lumapit ako sa kanya. Nilapag ko muna ang bag ko sa sofa at saka umupo.




"Zher, kumain ka na iho, may ulam doon. Nauna ng kumain si Amby kanina, hindi ka na naantay eh" sabi ni manang Lucy sa akin. Katulong namin siya pero tinuturing ko rin na second mother. Siya kasi ang umaasikaso sa amin every time na wala si mom and dad.




"Opo manang" sagot ko sa kanya. Umalis na si manang at dumiretso sa taas. May dala dalang basket. Magtutupi ata ng mga bedsheets at blankets.




"Ba't umalis sina mom and dad?" tanong ko kay Amby. Napatingin naman siya sa akin. Uminom muna siya bago nagsalita.




"May aasikasuhin daw. Kaninang tanghali sila umalis. Manang Lucy just told me awhile ago" sagot niya sa akin.




"Saan daw?" tanong ko ulit sa kanya.




"Ilocos" maikling sagot niya sa akin.



"Saan sa ilocos?" tanong ko ulit kaya napatingin na naman siya.


"Ano na nga ba yung sinabi ni manang kanina? Hmm.. La.. La.. Laoag.. Ah tama sa Laoag nga pala" sagot naman niya sa akin at binalik ulit ang tingin sa tv.



Napatango na lang ako. Tumayo na ako at dumiretso muna sa room ko. Napahiga ako sa kama. Yung likod ko nasa kama pero ang mga paa ko nakaapak sa floor. Nakatitig lang ako sa ceiling.



Ilang minuto rin before I decided to take a bath.



Pagkatapos ko, nagpalit na ako at dumiretso ulit sa baba. Pumunta ako sa kusina and ate my dinner.




"Kuya!" tawag sa akin Amby. Uminom ako ng tubig before I speak. I cleared my throat.




"Why?" tanong ko sa kanya. Medyo nilakasan ko kasi nasa sala siya.




"May tanong ako" medyo lumalakas yung boses niya kasi papunta na siya palapit sa akin. At nasa harapan ko na siya. Nakasandal ang dakawang kamay siya sa mesa.



"What is it?" tanong ko sa kanya at saka kumain ulit.



"What if ma-fall ka sa taong di mo pa nakikita?" tanong niya sa akin. Nabulunan pa ako sa tanong niya I immediately drink a water. Napahawak pa siya sa baba niya na para bang nag iisip.



"May ganun ba?" takang tanong ko rin sa kanya.



"I don't know. Kaya nga tinatanong ko diba?" sarcastic na sagot niya sa akin.



"Ewan ko sayo" napapailing na sabi ko sa kanya.




"Duhh" maikling sambit niya at saka napairap pa.




"Tsk" sabi ko naman sa kanya at saka kumain ulit.




"By the way, pupunta pala ako sa club niyo bukas, magpe-perform oala ang band niyo. Groove Brigade Band" sabi niya sa akin at napatingin. Alam na niya pala.




"Yeah. Sasabay ka ba sa akin bukas?" tanong ko naman sa kanya.




"Ahhm nope. I'm with my friends" sagot naman niya.




"May tanong rin ako" sambit ko kaya napatingin rin siya sa akin. Nagdalawang isip pa ako kung tatanungin ko siya. Tsk! Bahala na.



"May kilala ka bang Shan Cruz?" tanong ko sa kanya. Nagulat pa siya sa tanong ko. Why? Kilala ba niya?




"Hmm-" hindi natuloy ang sasabihin niya nang biglang nagring ang phone niya kaya napatingin siya sa phone niya.




"Bye. Gotta need to answer this" ngiting sabi niya at saka tinaas pa ang phone. Tumango na lang ako at saka naglakad na siya palayo.




Argh.. Shan Cruz... Sino ba siya? I'm really curious to that girl.....



I'm just his Fan (COMPLETED)Where stories live. Discover now