IJHF: 20 (POV)

2.4K 44 1
                                    

Faulen's POV

******************

Unti unti kong minulat ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang puting ceiling. Nilibot ko ang paningin ko sa buong silid. At saka ko lang napagtanto na nasa clinic pala ako. Nasa sofa sina Keniah at Amby. Agad silang lumapit sa akin nang makitang gising na ako. Uupo sana ako nang biglang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako dito. Agad naman akong inalalayan nina Keniah at Amby.

"Huwag ka munang umupo. Magpahinga ka muna" sabi ni Keniah habang inaalalayan nila akong humiga.


"What happened?" Takang tanong ko sa kanila.

"Nahimatay ka kanina matapos kang tamaan ng bola" sagot sa akin ni Keniah.

At nagsink in lahat sa utak ko ang nangyari kanina. Tinamaan ako ng bola at dumugo pa ang ilong ko.


"Saan galing kanina yung bola?" Tanong ko sa kanila. Nasa tabi ko si Keniah at nagbabalat naman ng apple si Amby.


"Other sections. Yung section nila Keisha, you know her?" Sabi niya sa akin. Tumango lang ako.


"Here. Eat this" sabi naman ni Amby at binigay sa akin ang na slice na apple. Inabot ko naman ito at kinain.


"Ilang oras na ako dito?" Tanong ko sa kanila.

"Five hours. 12:30 na" sagot ni Keniah.

"As in?! Hala paano yung class natin?" Kinakabahang tanong ko. Hindi ako pwedeng umabsent. Dito nakasalalay ang grades ko. Scholar pa naman ako.

"Don't worry, nag excuse na kami" sagot naman ni Amby. Nagpakawala ako ng buntong hininga. Hayyss buti na lang.


"Amby" mahinang tawag ko sa kanya.

"Why?" Tanong naman niya. May gusto lang akong tanungin sa kanya.

"Ano talaga yung real name mo? Sabi mo kasi sa amin noon na ayaw mong gamitin yung first name mo" tanong ko sa kanya. Bigla naman siyang natahimik. Nakatingin lang kami ni Keniah sa kanya. Bumuntong hininga siya. Did I just say something wrong?

"S-sorry just nevermin-" di ko na natuloy ang sasabihin ko nang sumingit siya.

"No it's okay. My real name is Zheryn Amby Y. Onio. Yus ang middle name ko. Actually, ayaw ko talagang tinatawag ako sa first name ko. Because everytime they call me Zheryn, he's the first one who comes up to my mind. Aighet. Siya lang ang tumatawag sa akin na Zheryn noon. So ayun" paliwanag niya. Kami naman ngayon ang natahimik.

"Can I ask something?" Si Keniah naman ang nagsalita.

"Sure. What's that?" Sambit naman ni Amby at saka umupo sa sofa. Nakaupo si Keniah dito sa kama sa tabi ko.

"Hmm bakit kapag sa school, di kayo masyadong nagpapansinan ni Zher" takang tanong niya. Kaya nga, madalang lang silang magpansinan at di rin sila masyadong nagsasama.

"We're not even classmates. And besides, kayo palagi ang kasama ko. Ayaw ko rin na makakuha ng mga atensyon ng iba. I hate that feeling when they all look at you. All eyes. At isa pa, you know he's always with his barkada so just expect na kasama rin niya si Aighet. Ang awkward kasi" sabi niya at saka umayos ng upo.

"Sabagay. It's ok. Nandito naman kaming mga kasama mo. Mabait na, dyosa pa" masiglang sabi ni Keniah at saka nagflip pa ng hair. Kaya nagtawanan kaming tatlo.

Sana palaging ganito no? Yung palaging nakangiti. Yung walang tinatagong sakit at hapdi. Yung palaging masaya, hindi yung pilit na tumatawa para lang ipakitang masaya kahit nasasaktan naman na talaga.......

I'm just his Fan (COMPLETED)Where stories live. Discover now