IJHF: 51 (POV)

2.1K 39 0
                                    

Faulen's POV

******************

Gabi na nang makauwi kami dito sa mansion. Nasa kwarto na si mom and dad. Napagod rin kasi pati na rin si mama.



Nandito naman kami ngayon ni Awwiel sa garden habang nakahiga sa grass. Nakatitig kami ngayon sa mga stars.



"Wala ka ba talagang balak kausapin si Zher? Kanina pa tumutunog ang notif ng messenger mo" pagbabasag ni Awwiel sa katahimikan.



"Hindi muna sa ngayon" sagot ko sa kanya. Kinuha ko ang phone ko at titignan lang sana kung anong oras na pero nabitawan ko ito at tumama sa mukha ko. Napa aray pa ako. Eto namang si Awwiel, humagalpak ng tawa. Heh!



"Aray" sambit ko habang hinahaplos haplos ang noo ko. Tawa pa rin ng tawa si Awwiel.



"But seriously Faulen, kailan mo siya kakausapin? Kapag may mahal na siyang iba? Sige ka, magsisisi ka na lang" seryosong tanong niya. Natahimik ako sa sinabi niya.



"Naka move on na ako Awwiel" sagot ko sa kanya.



"Duhhh... Hindi mo ako maloloko Faulen" sagot ni Awwiel at saka napairap pa.



"It's been five months Awwiel. Sa tingin mo hindi pa ako nakaka move on?" sabi ko ulit sa kanya.



"Hindi ganun kadaling kalimutan ang taong naging parte ng buhay mo Faulen" sagot niya sa akin. Natahimik ulit ako sa sinabi niya.



"Kaya habang maaga pa, kausapin mo na Faulen habang mahal ka pa niya, baka tuluyan na siyang magbago.. Ikaw lang rin naman ang masasaktan" pagpapatuloy niya.



"Eh nagmo move on na nga ako eh" sabi ko sa kanya.



Hindi siya sumagot. Tinignan niya ang phone niya dahil tumunog ang notif ng messenger niya.



Hindi niya nahalata na nakikibasa rin ako. Nanlaki ang mata ko sa nabasa ko.

------------------------------

HENDY BABY😍
Active now

Hendy:
By! 💋 (Shortcut ng baby)

Awwiel:
Yes by?


Hendy:
May sasabihin ako


Awwiel:
Ano?


Hendy:
Always remember na
HENDYng HENDY kita
lolokohin.
HENDYng HENDY kita
iiwan.
HENDYng HENDY kita
pababayaan
Kasi mahal na mahal
kita, palagi mong
tandaan yan😍😍💓


Awwiel:
Yieehh ang sweet ng
baby ko😍


Hendy:
Ang cute mo by😍

Awwiel:
May sasabihin rin ako

Hendy:
What is it?

Awwiel:
AWWIEL always there
for you
AWWIEL always care
for you
AWWIEL always love
you no matter what💘


Hendy:
I love you by❤

Awwiel:
I love you too👅

-------------------------------------

"Hoy baklang froggy!" sabi ko sa kanya. Halos mabitawan niya pa ang phone niya.


"Grabe ka namang manggulat" sabi niya at napahawak pa siya sa dibdib niya.


"Kayo na?! May pa baby baby pa kayo. May Hendyng hendy kita iiwan at may Awwiel always love you pa kayo. May pa i love you pa kayo. Kaya huwag na huwag mong sasabihin na hindi pa kayo kasi talagang babatukan kita" sabi ko sa kanya at nanlaki naman ang mga mata niya.


"N-nabasa mo?!" hindi makapaniwalang tanong niya.



"Of course! So ano kayo na nga?" tanong ko sa kanya. Namula pa ang mukha niya at unti unting siyang tumango.


"Waaahhhh!!!!!" sigaw ko at hinampas hampas pa siya.



"Aray! Anyare sayo?!" tanong niya sa akin.


"Congrats! Kinikilig ako sa inyo. Ang sweet niyoooo" sabi ko sa kanya na halatang kinikilig. Pramis ang sweet nila.



"Kahapon ko lang sinagot" sabi niya sa akin. Hinampas ko ulit siya. Taena kinikilig talaga ako sa kanila.




"Good choice! Bet na bet ko si Hendy para sayo" sabi ko sa kanya at natawa na lang siya sa mga pinagsasabi ko.




I'm just his Fan (COMPLETED)Where stories live. Discover now