IJHF: 40 (POV)

2K 36 2
                                    

Faulen's POV

******************

Unti unti ng nagsialisan ang nga tao dito sa Green Club. Hanggang sa kami na lang ang natira (Zher, Saeyo, Aighet, Laggy, Hendy, Awwiel, Keniah, Amby at ako)



Umakbay si Aighet kay Amby. Pinisil nito ang pisngi niya at saka naman sila tumawa.



"I miss you..." sambit ni Aighet kay Amby.


"I miss you more.." nakangiting sagot naman ni Amby.



"Ehem ehem parang wala kami dito ah ehem" pagpaparinig ni Keniah. At sabay naman silang napatingin sa amin sabay tawa.



Bumaba na rin ang mga kasama ni Aighet at tinapik tapik si Aighet.



"Hey ingatan mo siya ah. Don't hurt her again kundi malilintikan ka talaga sa akin" pagbabanta naman ni Zher.



"Yeah iingatan ko siya. I don't want to let go of her again. I can't" sagot naman ni Aighet.



"Huwag mong papaiyakin kaibigan namin" this time ako naman ang nagsalita. Pakapalan na lang ng mukha. Feeling close na kung feeling close. Kaya napatingin silang lahat sa akin.



"I won't" sagot lang ni Aighet at ngumiti.



"By the way, what's your name?" tanong ni Saeyo sa akin.


"She's Faulen" si Keniah na ang sumagot sa tanong ni Saeyo.


"Guyss let's eat somewhere, my treat" si Aighet naman ngayon ang nagsalita.



"Naks! Let's go!" masiglang sabi ni Hendy. Natawa na lang kami sa reaction niya.



Hawak hawak ni Aighet yung human size panda habang naglalakad. Magkakasama kaming mga babae sa kotse at sa pick-up naman sina Zher.



Sa isang restaurant kami pumunta. Pumasok na kami at hinanap ang pwesto ng mga boys. Wala sila sa baba kaya tinignan namin sa taas. At ayun nga sila.



Pumunta na kami sa pwesto nila at umupo. Katapat ko si Awwiel. Katabi ko naman si Keniah na katapat Saeyo. Katabi naman ni Keniah si Amby na katapat ni Aighet. Katabi naman ni Amby si Laggy na katapat ni Hendy at sa gitna naman si Zher.



Si Aighet ang tumingin sa menu at sinabi nag order sa isang waiter.



Habang hinihintay namin ang inorder ni Aighet, nag usap usap muna kami.



"Sino yang katapat ni Faulen, she's not familiar on me" takang sabi ni Hendy.




"By the way, I'm Awwiel" si Awwiel na ang nagsalita.



"Oh sa Fortin Academy ka rin ba nag-aaral?" tanong ulit ni Hendy.



"Hmm sa Monday pa lang ako papasok sa Fortin. Nagtransfer kasi ako" sagot ni Awwiel.



"Oh I see" nasabi na lang ni Hendy.



"Yahh" maikling sambit ni Awwiel.



"Hmm excuse me, comfort room lang ako" paalam ko sa kanila.



"Samahan na kita" sabi ni Awwiel. Tumayo na kaming dalawa. Sa baba kami pumunta.




Dumaan kami sa hallway at pumasok sa comfort room.



Pagkatapos ko gawin ang dapat na gawin ko, dumiretso naman ako sa salamin at naghugas sa lababo.



"Like ohmygad.. Seriously? Kinakausap ko na ang Groove Brigade Band.. Shemmmss" paimpit na tili ni Awwiel.



"Yeah.. Di ko rin inexpect na makakasama natin sila ngayon. Nakakakaba" sagot ko rin sa kanya at kumuha ng tissue para punasan ang basa kong kamay.



Inayos ko muna ang salamin ko bago lumabas. Nasa hallway na kami nang magsalita si Awwiel kaya napatigil ako.



"Wait lang Shan, iaayos ko lang sintas ko" sabi niya kaya lumingon ako sa kanya.



Pero paglingon ko, bigla akong naestatwa sa nakita ko. Nasa likod siya ni Awwiel. Sh*t! This can't be. Huwag muna please.



Takang napatingin sa akin si Awwiel.


"Let's g-" hindi natuloy ang sasabihin niya ng sumingit si Zher. Nakatingin pa rin ako sa kanya.



"Ikaw si Shan?" naiiling na sabi niya na parang hindi makapaniwala.



Nanatili akong hindi nagsasalita. Tahimik rin si Awwiel na nanonood sa amin.



"Yung Shan Cruz na palaging nagcha-chat, yung Shan Cruz na ang nakakasira ng araw.. Nasa harapan ko lang pala" naiiling pa ring sabi niya. Nag iinit yung sulok ng mga mata ko. Lumapit ako sa kanya at akmang hahawakan ang kamay niya nang bigla siyang lumayo.



"Don't ever dare to touch me. At please lang tigil tigilan mo na ako sa kacha-chat. Wala kang mapapala sa akin. Umaasa ka lang sa wala so just stop" walang emosyong sabi niya.








I'm just his Fan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon