IJHF: 25 (POV)

2.2K 43 0
                                    

Zher's POV

***************


"Mga tol" sabi ko sa kanila. Napatingin naman silang lahat sa akin.



"Bakit?" tanong ni Saeyo.




"Una na ako. Nagchat si Amby sa akin" sagot ko sa kanya.




"Ah ganun ba.. Sige ingat" sabi naman ni Laggy. Tumango lang ako sa kanila. Inayos ko lang ang mga gamit ko at saka pumunta sa kotse.




Binuksan ko ang pinto at pumasok na ako. Nilapag ko ang mga gamit ko sa passenger seat at saka ko binuhay ang makina.




Habang nagda-drive ako, kanina pa tumutunog ang notification ng messenger ko, as always. Andaming nagcha-chat na hindi ko kilala especially to that girl, Shan Cruz. She's so annoying and creepy at the same time. Halos alam niya lahat ang tungkol sa akin. Hindi ko naman pina-public ang personal infos ko.




She said she's also studying at Fortin Academy. I wonder if I already saw her,.... Maybe. Di ko lang alam na yung mga nakakaharap ko eh siya pala yon. She's a misterious girl. And she said fan ko daw siya... Seriously? May fan pala ako?? Unknown fan.... Hindi naman ako sikat na sikat, hindi naman ako artista, hindi naman ako author. As far as I know, kapag ang isang fan ay makita lang nila yung idols nila, lalapit agad sila tapos makikipag picture, fan sign, autograph, anything basta may remembrance sila. But that girl.... she's really misterious. Palagi niya daw akong nakikita sa school pero ni minsan hindi niya ako nilapitan o kinausap. Kung gaano siya kadaldal sa chat, ganun naman ang kinatahimik niya sa personal.




Bago ako umuwi, tumigil muna ako sa isang pizza parlor. Hindi pwedeng wala akong pasalubong kay Amby. Baka isumbong ako kina mom and dad.




Nag take out lang ako ng isang hawaiian pizza at saka agad na bumalik ulit sa kotse.




Papaandarin ko na sana ang kotse nang biglang nagring ang phone ko.



***Amby is calling***


Agad kong sinagot nang makitang si Amby pala ang tumatawag. Ang kulit talaga ng kambal kong ito.



"Yes?" agad na tanong ko.





"Where are you??! Kanina mo pa sinabing uuwi ka na! Ba't ang tagal mo!" nalayo ko na lang ang phone ko nang marinig ang sigaw niya.





"Don't shout, okay?" sabi ko naman sa kanya.





"Asan ka na? Ba't nagagamit mo ang phone mo kung pauwi ka na.. Ay ay ay huwag mo kong lokohin kuya. Where are you?" tanong niya sa akin. Narinig ko pa ang pag tsk tsk tsk niya.





"I just bought you your favorite pizza, so don't get mad okay?" sabi ko sa kanya.




"Really. Omg. Sige na umuwi ka na. Bilisan mo. Bye" excited na sabi niya. With her, food is life.




"Oka-"



**toot toot toot**



Di ko na natuloy ang sasabihin ko nang binabaan na niya ako. Napailing na lang ako. Her childish act.




Nagdrive na lang ako pauwi.




Pagdating ko, nakasarado ang gate kaya bumaba ako para buksan ito. Agad rin akong bumalik sa kotse pagkatapos kong ibukas ang gate.




Nagparking ako sa garage. I get all my things and the pizza before I stepped outside. Pero paglabas na paglabas ko, biglang may humablot sa box ng pizza.




"Thank you!" sabi ni Amby habang patakbong pumunta sa loob.

I'm just his Fan (COMPLETED)Where stories live. Discover now