IJHF: 37 (POV)

2.1K 37 2
                                    

Third person's POV

*******************

"Hon, wala pa bang balita sa kanya?" halos maiyak iyak na tanong ng isang babae sa kanyang asawa.


It's been five years. Five years ng nawawala ang anak nila. Pero hindi sumuko ang mag-asawa na hanapin ito. Nawala ito nang may kumidnap sa kanya at hinulog sa bangin.



Sobrang ang hinanakit na naramdaman ng mag-asawa nang malaman nila ang nangyari sa kanilang anak.



Halos hindi makakain ng maayos ang babae. Palagi lang siyang nakakulong sa kwarto ng kanyang anak. Araw araw, gabi gabi, palaging siyang umiiyak. Walang araw na hindi sumagi sa kanyang isipan ang kanyang anak. Hanggang ngayon, nananatili pa rin siyang matatag mahanap lang ang kanyang anak. Naniniwala siyang buhay pa ito kaya hindi sila sumuko sa paghahanap.



Kasalukuyang nakaupo ang mag-asawa sa sofa. Nasa mansyon sila ngayon at hinihintay ang balita mula sa kanilang mga tauhan na humahanap ngayon sa kanilang anak.
Tanging kasambahay lang nila ang kanilang kasama.


"Huwag ka na umiyak. Alam kong mahahanap nila ang anak natin" pagpapalakas ng loob ng kanyang asawa sa babae. Pinipigilan lang niya ang sarili niyang umiyak dahil ayaw niyang makita ito ng kanyang asawa. Masakit... Masakit rin sa kanya na mawala ang kanilang nag-iisang anak. May tumulong luha sa kanyang mga mata pero agad niya itong pinunasan. Nakansandal ang babae sa dibdib ng kanyang asawa. Tuwing hating gabi, palagi siyang nagigising at pumupunta sa kwarto ng kanyang nawawalang anak. Doon niya inaalala lahat ng kanilang masasayang alaala kasama ang kanilang anak. Inaalala niya ito kung paano tumawa ang kanyang anak. Ang kanyang mga ngiti, boses, mukha, tawa.... Lahat inaalala niya. Kasabay ng kanyang pag-alala sa anak niya ay siyang pagbuhos ng kanyang pinipigilang luha. Boys have feelings too. Nasasaktan rin sila. Pero hindi nila masyadong pinapahalata kasi ayaw nilang magmukhang kawawa.




"She's still alive right? Alam kong buhay pa siya" sabi nang babae at tumulo na naman ang kanyang mga luha.



"Buhay siya, hon... Alam kong buhay siya.... Basta't huwag lang tayong mawalan ng pag-asa kasi nandito lang Panginoon na solusyon sa kahat ng problema. Hintayin na lang natin ang balita ng mga tauhan nating naghahanap sa kanya. Kilala ang kanilang pamilya. Isa sila sa mga sikat na pamilya. Marami silang napatayong mga resorts, hotels, condominiums at marami pa. Pinalabas lang nilang nag i-stay ang kanilang anak sa Singapore para wala na masyadong issue. Ayaw nilang ipaalam na nawawala ang kanilang anak kasi alam nilang magiging malaking issue ito lalo na't kilala sa showbiz ang mag-asawa.



Patuloy lang sa paghagulgol ang babae at pinapatahan naman ito ng kanyang asawa. Kanina pa pinipigilan ng lalaki na tumulo ang kanyang mga luha.


Para sa kanila, yun ang pinakamasakit na nangyari sa kanila...... ang mawala ang kanilang nag-iisang prinsesa. Simula nung pinanganak ang kanilang anak, saya ang naidudulot nito sa kanilang pamilya. Palaging nakangiti at tumatawa ang mag-asawa tuwing kasama ang kanilang anak. Pero simula ng mawala ito sa kanilang piling, tanging hinanakit at lungkot na lang ang kanilang nararamdaman. Hindi nila alam kung sino ang nasa likod ng pangyayaring ito.



Sino naman kasi ang matutuwa kapag nawawala ang iyong anak... Kung sino pa yung mahalaga sayo, sila pa ang napapalayo.



Unti unti ng napapikit ang babae. Nakaramdam na ito ng antok dahil sa pagod. Nang maramdaman ito ng lalaki, binuhat na niya ito at dinala sa kanilang kwarto.



Nilapag na niya ito sa kama at kinumutan. Hinalikan niya ang noo nito at umupo sa kanyang tabi. Hinawakan niya ang kamay ng kanyang asawa at bigla na lang tumulo ang luhang kanina pa niya pinipigilan.



Ang sakit..... Ang sakit kapag nakikita mong umiiyak ang mga magulang mo. Kahit na minsan, inaaway mo sila hindi pa rin maalis ang pagmamahal mo sa kanila. Sinasagot sagot mo man sila, nasasaktan ka pa rin kapag nakikita silang umiiyak kasi alam mong sila ang dahilan kung ba't ka nandito sa mundong ito. Tandaan mo, mahal na mahal ka ng iyong mga magulang kahit hindi mo man masabi ang salitang "i love you" sa kanila. Kahit na pinapagalitan ka minsan, tandaan mo, mahal na mahal ka pa rin nila kahit ano man ang mangyari.


Napatitig ang lalaki sa kanyang asawang mahimbing na natutulog.



"I know it's hard.... Mahirap mawalan ng isang anak. Ang sakit... Ang sakit sakit.. Kasalanan ko ang lahat kung bakit nawala ang anak natin. Sana hindi ako nagtiwala sa taong yon. Sorry hon... Sorry kung hindi ko sinabi sayo... Sorry... Sorry.... Gagawin ko ang lahat para maibalik ang ating anak.... Magpakatatag ka hon..... I love you" umiiyak na sabi niya habang nakahawak sa kamay ng babae. May tumulong luha sa pisngi ng babae kaya agad nitong pinunasan ng lalaki. At saka hinalikan ang labi ng kanyang asawa.



Inalis ng lalaki ang kanyang pagkakahawak sa kamay ng kanyang asawa. Tumayo ang lalaki at tumungo sa kwarto ng kanyang anak.



Unti-unti niyang binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Umupo siya sa kama at hindi pa rin natitigil ang pagdaloy ng kanyang mga luha.



"I miss you, my princess....." sabi niya habang nililibot ang kanyang tingin sa kabuuan ng kwarto.



Napatingin siya sa picture na nakapatong sa study table. Kinuha niya ito at tinitigan. At doon na siya napahagulhol at napaupo sa sahig. Isnag picture ng batang babae at ang kanyang ama. Nakapatong sa balikat nito ang batang babae na halatang masayang masaya sa picture. Nasa likod ang kanilang ina na nakangiting tumitingin sa kanyang mag ama. Halos hindi na siya makahinga dahil sa pag-iyak.



"I'm sorry, my princess.... I will do all my best to find you... I know you're still alive.... Always, remember I love you.... Ikaw ang pinakamagandang biyayang binigay ng Panginoon sa amin.... At gagawin ko ang lahat para mahanap ka namin anak..... I love you so much....." sabi ng lalaki at niyakap ng mahigpit ang frame.



"I really really miss you....." huling sambit nito at pumatak ang kanyang luha sa picture na hawak niya




















I'm just his Fan (COMPLETED)Where stories live. Discover now