IJHF: 50 (POV)

2.2K 38 0
                                    

Faulen's POV

******************

Limang buwan na rin ang lumipas mula nang maaksidente ako. Nandito ako ngayon sa mansion namin sa Laoag. Iba ang mansion namin sa Manila. Napagpasyahan muna ni mom na dito muna kami magbakasyon. Sembreak namin ngayon.


Mahigit limang buwan na ring hindi ko nakausap si Zher. Everytime na makikita ko siya school, ako ang umiiwas sa kanya.


Palagi na rin siyang nagchachat sa akin. Palagi niya akong tinatanong at kinakamusta pero hindi ko siya sinasagot. Masakit pa rin kasi.......


At ang Royal Ball namin, hindi ako sumipot. Wala rin naman akong gagawin dun. Wala nga rin akong ka date. Sinabi pa nga noon ni Awwiel na hindi na rin siya pupunta para samahan na lang daw ako. Pero pinigilan ko siya. Sinabi ko sa kanya na kailangan niyang pumunta. Na may naghihintay sa kanya doon. Kawawa naman ang date niya kapag hindi siya pumunta so ayun napilitan rin siya. And you know what? Hindi ko akalain na si Hendy pala ang ka date niya.


About love life? So ayun, wala pa.. Focus muna ako sa studies. Kahit palagi akong kinukulit ni Zher, isinasantabi ko muna ito. Nagmo-move on na rin ako sa kanya. Palagi siyang nagso sorry sa akin. Si Hendy, sinabi sa akin ni Awwiel na nanliligaw siya. At si Amby at Aighet, ayun sila na ulit. Ang sweet nga nila eh. Bagay na bagay. Tapos si Keniah at Saeyo, sila na rin. Ang cute nga nila. Inis na inis sa isa't isa pero alam mong mahal na mahal rin nila ang isa't isa. Si Laggy? Ewan ko pero ang balita ko is may girlfriend na daw siya. Kasasagot lang ng girl sa kanya last week. Hindi ko kilala ang babae pero ang alam ko, secretary ng Supreme Student Government sa school. Si Zher? Ayun palagi akong kinukulit sa chat.


About sa family? Masaya naman kami. Magkakasama na ulit kami nina mom and dad. Kasama rin namin si Awwiel at mama. Ang saya ko... Ang saya ko kasi magkakasama na naman ulit kami.



And about sa look ko, nagbago na. Pinatanggal ko na ang brace ko. Nagpaahit rin ako ng kilay at may konting make over. May kakilala si mom na bakla na tumulong sa akin noon. Hindi na rin ako nag susuot ng eyeglasses. Tinuruan rin nila akong magsuot ng mga dresses at heels. Oo, nagbago man ako sa panlabas na anyo.. Ako pa rin ito...  Faulen Phoryo.


About sa name ko, sinabi ko kina mom and dad na Faulen na lang ang itawag sa akin kasi yun na ang nakasanayan ko. Hindi naman na sila nagreklamo pa. Ngumiti pa nga sila eh. I really missed them so bad.



Si Awwiel ang palaging nasa tabi ko para pagaanin ang loob ko. Palagi niya rin akong tinutulungan. Siya pa nga ang nag aayos ng hairstyle ko.


Nasa kwarto ako ngayon habang nakatitig sa kisame. Hayys I miss this room.


Tinignan ko ang oras, 6:21 pa lang ng umaga. Bumangon na ako sa kama ko and I did my morning routine.



Saturday ngayon. May pupuntahan raw kami. Magpapasyal daw kami. Hindi na ako umangal pa kasi na miss ko ang Ilocos Norte especially Laoag :)



Naligo na ako. Pagkatapos ko, nagsuot lang ako ng short at black off shoulder at saka nag flat shoes na kulay black rin. Ayaw ko namang magheels noh. Magpapasyal kaya kami. So just expect na, maglalakad lakad rin kami.



I decided na bumaba na. I walked towards the dining area and there I saw my family. My mom, my dad, mama and Awwiel. Nakabihis na rin sila.



"Good morning!" masiglang bati ko sa kanila. Niyakap ko si Awwiel at kiniss ko naman sa cheeks sina mom, dad at mama. Sabay sabay rin nila akong binati.


[Para sa mga nalilito. Mom- yung tunay na ina ni Faulen. Tapos yung mama- yung kumupkop kay Faulen]


Nagsimula na kaming kumain.


Pagkatapos namin, nag ayos na kami at pumunta na sa sasakyan (Ford). Sa harap sina mom and dad. At katabi ko naman sa likod si Awwiel at mama.



"Saan tayo mom, dad?" pagbabasag ko sa katahimikan.



"Sa Sinking Bell Tower muna tayo" sagot naman ni Dad. Napatango na lang ako.


Nagsimula ng magdrive si Dad. Nagparking na si Dad at bumaba na rin kami.


Pumunta kami sa Sinking Bell Tower and took many pictures.

Hinila ko si Awwiel at nagselfie naman kaming dalawa. Niregaluhan ako ni mom ng Iphone. Binigyan rin nila si Awwiel. Alam ng mga magulang ni Awwiel na kasama namin siya ngayon. Hindi naman sila nagreklamo.



Smile lang kami ng smile ni Awwiel. Marami na kaming mga pictures. Tawa pa nga kami nang tawa.


Hanggang sa napagpasyahan namin na sa Lapaz Sand Dunes naman kami pumunta.



Ganun rin, marami ulit kaming mga pictures. Sumakay rin kami sa 4×4. Grabe! Ang saya!


Tapos sunod naman kaming pumunta sa Apayao Road. Ganun rin ang nangyari, mapupuno na ata storgae ng mga phones namin.



Tapos pumunta rin kami sa Light House. Pumunta rin kami sa Kapurpurawan rock formation. Pumunta rin kami sa Bangui Wind Mills. Pati na rin sa Hannahs Beach and Resort pero nag picture kami lang. Hindi kami nag swimming. Wala kaming talagang pamalit. Pumunta rin kami sa Patapat Bridge. Grabe ang haba talaga. Ang ganda ng view.


****************

Hapon na nang makarating kami ulit sa Laoag. Tumigil muna kami sa La Preciosa para mag early dinner. 5:15 pa lang ng hapon. Pero gutom na gutom na rin kami dahil sa pagod.

Pagkatapos namin, bumalik na ulit kami sa sasakyan. Sabi ni dad, may isa pa daw kaming pupuntahan. Beach daw. Sa Fort Ilocandia.



Titignan raw namin yung sunset. Favorite kasing titigan ni Dad ang sunset.


Pagdating namin dito sa Fort Ilocandia, papalubog na rin ang araw. Nagtake ulit kami ng maraming pictures. Halatang masayang masaya kaming lahat. May pictures rin kami nina mom and dad. Tatlo kami. May picture rin kami ni mama at syempre ni Awwiel. May mga solo pictures rin kami.



Umupo muna ako sa buhangin. Kinuha ko ang stick na nasa tabi ko at nagsulat sulat sa buhangin.


Nagulat ako ng biglang tapikin ni Awwiel ang balikat ko.


"Tulala ka naman" sabi niya sa akin.


"At ano yang sinusulat mo? Z... Z..H... ZHER" biglang sambit niya. Napatingin ako sa sinulat ko, agad ko itong binura gamit ang stick. Lutang na naman ako kaya hindi ko namalayan.



"You know Faulen... Ba't di mo kasi kausapin si Zher. Siya na yung pumapansin sayo, ayaw mo pa rin?" sabi niya sa akin. Umupo naman siya sa tabi ko.




"Gusto ko siyang kausapin pero natatakot ako, Awwiel. Natatakot ako na baka mahulog na naman ako ng tuluyan sa kanya. Mas gugustuhin ko na lang bumalik sa dati, yung dating magkaibigan. Kasi alam kong doon kami mas tatagal. Ayaw ko naman na hindi kami komportable sa isa't isa kapag dumating na yung araw na magkikita ulit kaming dalawa. And hello, nagmo move on na po ako dito" sagot ko sa kanya.



"Heh! Halata naman gusto niyo ang isa't isa. Pinapatagal niyo pa" sabi naman niya at saka napairap pa.


"Duhhh" nasagot ko na lang sa kanya.


Napatingin ako kina mom, dad and mama. Halata ang saya sa kanilang mga mukha. Napangiti rin ako....




Masaya na rin ako, makita ko lang na masaya ang pamilya ko.













I'm just his Fan (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora