20

14.3K 247 68
                                    

CHAPTER TWENTY: Celebration

Ciara's pov 

"Waah! Wait lang, masakit!!" Pagpigil ko kay Tita na nakapwesto na.

"Hoy! Wala pa nga, ang oa mo ah!" Sigaw sa akin ni espren, habang hawak-hawak nila ako sa magkabilang kamay, para daw hindi na ako makatakas pa.

'Aish! Kung minamalas ka nga naman!'

"Hawakan niyong mabuti 'yan si Ciara, nakakapagod habulin ang batang 'yan." Sabi pa ni tita, habang sapo-sapo ang noo niya.

"Hays, anong oras na, 1:05 na." Saad ni Tyron.

"Ayan, wala na tayong oras! Kasi naman, takbo-takbo pa! Aahitan lang eh!" Sermon la ni jennifer, kaya napasimangot ako.

"Kung tanggalin ko kaya 'yang kilay mo, ha?" Pananakot ko kay espren, pero hindi talaga siya nagpapatalo.

"Subukan mo, lahat ng buhok mo aahitin ko!" Napairap na lang ako.

"Oh, huwag nang magulo, Ciara. Aahitan na kita, wala ng oras!" Sambit ni tita.

'Paalam kilay ko.'

My eyes got automatically widened nang makita kong inilabas ni Tita ang blade.

N-no way.. ayoko niyan!!

"Tita!!" Naramdaman ko na lang na may tumulong luha sa pisngi ko.

"Ano ba 'yan, espren! Aahitan ka lang naman, naiyak ka na?" Natatawang tanong ni Jennifer.

Anong magagawa ko? Takot ako sa mga matulis na bagay, huhu!

"Huwag kang magalaw, baka buong kilay mo ang maahit ko." Suway ni tita, nang umpisahan niya ng ahitin ang kilay ko.

'Hanggang sa muli mong pag-tubo, munting kilay.'

"H'wag kang pumikit ng madiin, hindi ko maahit."

"Pumikit ka lang ng parang tulog."

"Huwag ka magulo!"

"Ayan, ganyan nga."

"Sandali, 'yong isa pa."

"Malapit na, sandali na lang."

"Oh, ayan! Tapos na! Masakit ba?" Tanong ni tita nang matapos siya sa ginagawa niya, napamulat naman ako.

"Ano? Masakit?!" Tanong ni espren, hehe hindi! Wala nga 'kong naramdaman eh.

"O-oo!" Pagsisinungaling ko.

"Ay nako, Tita! Kilayan mo na nga 'yan nang matapos na!" Saad ni espren.

Nilagyan naman na ako ni Tita ng kung ano anong kolorete sa mukha. Ilang minuto pa ay natapos na din ang kabaliwan na 'to.

"Ayan, perfect! You're so gorgeous, Ciara!" Natutuwang saad ni Tita, habang pumapalakpak pa.

Napatingin naman ako sa salamin, pero agad nanlaki ang mga mata ko, dahil iba ang bumungad sa akin.

"Aaaaah! Multo!" Natataranta kong sigaw at agad-agad na nagtago sa ibaba.

"What? Multo?" Narinig kong tanong ni Tyron.

"Where is she?" Tanong ni Tyron kay tita.

"Ayan o, nagtatago! Sabihan ba namang multo ang sarili niya!" Natatawang sabi ni tita.

Ha? Ako ba 'yon? Hindi e! Multo talaga ang nakita ko.

"Espren, lumabas ka nga diyan!" Sigaw ni espren, kaya naman tumayo ako ng dahan-dahan, to assure kung multo ba talaga 'yong nakita ko sa salamin kanina.

What if I die? Where stories live. Discover now