22

10.5K 211 7
                                    

CHAPTER TWENTY TWO: Death Note

TW: gunshot, death warning

Ciara's pov

Habang prenteng nakaupo at pinagmamasdan ang mga sumasayaw sa gitna, ay hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga nang maalala ko na naman ang pag-sayaw namin kanina ni Tyron.

'Hindi naman sa gwapo siya kaya ko iniisip 'yun, ang iniisip ko ay 'yung mga sinabi niya sa'kin kanina habang sumasayaw kami.

He wanted me to come back to him even just for tonight?

Bakit kaya hindi niya naisip 'yung ilang taon akong nasa kanya, pero wala naman siyang ibang ginawa kung hindi ang saktan ako?

Hindi ako pwedeng magpadala sa mga galawan niya, kaya nga ako nagpanggangap na may amnesia, dahil gusto ko siyang kalimutan para makaganti, hindi 'yung ganito na ipamumukha niya sa aking nagsisisi na siya kung kailan huli na at nangyari na ang lahat?

Kung sana, noon pa siya bumawi noong mga panahong tanga pa ako at mahal ko siya, edi nagpa-uto ako sa kanya? Hindi ko na siya  ahal dahil natauhan na ako, pero hindi matatanggal sa akin 'yung pagiging marupok.

Nakakatanga pala talaga maging marupok, 'no? Ako dapat 'yung gumagawa sa kanya nito eh, pero ako ngayon 'yung naguguluhan.

Napabuntong-hininga na lang ako sa hangin.

"Bakit ba kasi ang rupok ko pagdating sa'yo." Nasusuya kong bulong sa sarili. Naiinis ako sa sarili ko, dahil hindi ko maiwasang makaramdam ng kaonting saya nang makita ko kanina sa mga mata niya kung gaano siya katotoo sa lahat ng sinasabi at ikinikilos niya. Pero hindi nga ako pwedeng magpadala, dahil ang trabaho ko rito ay gumanti sa kanya, wala nang iba.

Binalingan ko naman ng tingin si Hannah na hanggang ngayon ay kumakain pa rin.

Teka, hindi ko pa nga pala natatanong sa kanya kung ano 'yung pinakadahilan kung bakit siya biglang aalis? Biglaan naman kasi, kahapon lang sila nag-usap at tinapos ang meron sa kanila ni Tyron, pero aalis na agad siya?

Sabihin ko na rin kaya ngayon sa kanya 'yung totoo na wala talaga akong amnesia? Tutal, aalis naman siya, hindi ba?

Bumuntong hininga muna ako bago siya tawagin. Agad naman itong tumingin sa akin.

"Yes, why?" Tugon niya.

"Bakit pala biglaan 'yung pag-alis mo? Sure ka na ba diyan?"

"Tungkol diyan, oo. Matagal ko na talagang plano ang umalis, naghahanap lang ako ng tyempo kung paano ko sasabihin." Alam kong kay Tyron niya gustong magpaalam. Napatango naman ako, hindi ko na kailangang tanungin kung bakit dahil mukhang alam ko na ang sagot.

Gusto niyang mag-paubaya.

"May aaminin pala ako."

"Hmm?"

"Nadisgrasya ako, hindi ba?" Tanong ko sa kanya, tumango naman ito.

"Ang alam nila ay may amnesia ako." Kumunot naman ang noo nito.

"Ang totoo kase niyan, wala-"

'bang!'

Agad akong napatayo mula sa kinauupuan ko dahil sa gulat nang makarinig ako nang putok ng baril.

What if I die? Where stories live. Discover now