27

7.7K 155 18
                                    

CHAPTER TWENTY SEVEN: Fight scene

TW: manipulation, gunshots, bloods and death

Ciara's pov

"Wala kang amnesia?" Tila ba hindi siya makapaniwala sa narinig. Mukha siya ngayong pinagsakluban ng langit at lupa. Kitang-kita sa mukha niya na para siyang pinagtulungan ng mundo.

Nakaramdam naman ako ng kaonting-kaonting guilt dahil naalala ko na sa ngayong araw din na ito ay nalaman niyang tinraydor at ginamit lang siya ng dating mahal niya. Habang ako naman dito ay pinalabas sa kanyang hindi ko siya kilala habang pilit siyang bumabawi sa akin at pinapakita na totoo na ang ikinikilos niya at malinis talaga ang intensyon niya.

Naiiwas ko ang paningin ko dahil hindi ko alam kung anong nararamdaman niya ngayon, pero ang mukha niya ay talagang nakakaawa. Bagsak na bagsak ang balikat niya matapos niyang ngumiti ng pilit. Nahuli ko pa na parang may namuong luha sa gilid ng mata niya, ngunit agad siyang umiwas ng tingin kaya hindi ko na nakita.

Nasasaktan siya? Bakit? Dahil nagsinungaling ako sa kanya? Nasasaktan siya dahil sa kagustuhan kong kalimutan siya ay pinalabas kong hindi na siya kilala?

"Wala.." parang hindi makapaniwalang sambit niya pa at saglit pang tumingala.

"Oo, wala. Bakit? Quits lang tayo, huwag kang mag-alala. Tignan mo nga, oh? Sa sobrang bait mo, ikaw pa ang bumili ng kadena para sa akin. Dapat ba akong magpasalamat sayo?" Sarkastikong sambit ko, bakas ang pait sa tono ng pananalita.

"Naniwala ka naman sa kanya?" Kinunutan ko siya ng noo.

"Tss, sa tingin mo ay kakasya sayo 'yan? Para naman talaga sa aso 'yan. Ang laki laki ng bilog na tali niyan kaya imposibleng kumasya sa maliit mong kamay 'yan. Kahit pa i-try mo sa paa mo 'yan, matatanggal lang din 'yan, tss. Uto-uto," seryosong sambit niya. Hindi ko naman siya sinagot at masama lang ang tingin na binalingan ng tingin ang mga kamay ko at pinagkumpara ang tali nung kadena.

Walang adjust-an 'yung kadena at talagang malaki nga ang puwang no'n sa kamay ko kung sa akin niya nga gagamitin. Pero hindi no'n natanggal ang sama ng loob ko, dahil hindi no'n mababago ang lahat ng pananakit niya sa akin. Kahit pa sa aso 'to, tinuring niya rin naman ako na parang aso noon, ah? Sunod-sunuran sa utos niya. Tss.

"Aish. Pwede ba, ha? Mamaya na nga kayo magsisihan? Ang problemahin natin dito ay kung paano tayo makaalis dahil inip na inip na ako!" Pagrereklamo ni Jennifer na ikinabuntong hininga ko naman. Saglit ko pang sinamaan ng tingin si Tyron, dahilan para taasan niya ako ng kilay na ikaawang ng labi ko.

Wow.

"Oh! Oh! Oh! Mamaya na sabi-"

"Wala kaming sinasabi." Kunot ang noo na sabay kaming nagkatinginan sa isa't-isa nang sabay naming sambitin 'yun. Inis naman akong napasinghal sa kawalan dahil naiirita akong nagtama ang tingin namin.

"Naku! Tigil-tigilan niyo ang pagsasamaan ng tingin, diyan nag-umpisa ang mommy at daddy ko. Asan na ba kasi 'yung lighter, ha!" Bulyaw ni Jen.

"Sige, isigaw mo pa!" Inis na sabi ko sa kanya, ngumuso naman ito.

"Ito, ito. Kunin niyo dali!" Utos ko, habang inaabot sa kanila 'yung bag ko.

"Come here, lumapit ka pa!" Kunot noong utos nito, kaya naman ginalaw ko ang upuan ko kung saan ako nakagapos. Kaya naman gano'n din ang ginawa nila, umurong kami nang umurong papalapit sa isa't-isa, hanggang sa magkumpulan na kami.

"Open it," utos ni Tyron.

"Mukha bang mahahawakan ko 'yung zipper niyan?"

"Kumalma nga kayo, tatalikod ako. Ilapit mo sa akin 'yung zipper ng bag mo," suhestiyon ni Jen na agad namang tumalikod. Medyo napapapikit pa ako dahil nag c-cause ng maliit na ingay ang ngitngit ng upuan sa tuwing gagalaw kami.

What if I die? Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin