26

7.6K 164 16
                                    

CHAPTER TWENTY SIX: Traitor

Ciara's pov

Kapatid niya si Shaira Soriano?

Bakit ba napaka-tanga ko, malamang kapatid niya ang babaeng 'yan, dahil pareho sila ng apelyido!

Ano bang pumasok sa isip ko at pinaniwalaan ko si Hannah na hindi niya kilala ang babaeng 'to.

All this time, sobrang halata na ng sagot. Sadyang ang kitid lang ng utak ko, dahil naniwala ako sa mga palabas ni Hannah.

Nakakainis!

"Muli tayong nagkita, My dear." Nakangising baling nito sa akin.

"Ngayon, nasagot na ba ang katanungan mo, kung sino ako?" Tanong pa nito, pero sinamaan ko lang siya ng tingin, dahilan para umalingawngaw ang tawa nitong nakakabingi sa tainga.

"Sige, itali niyo 'yan!" Pag-uutos ni Hannah sa mga tauhan nila na akala ko ay kalaban namin pareho, but turns out na pati pala siya ay kalahi ng mga ito. Binigyan muna ako nito ng isang ngisi bago lumisan sa harapan namin.

Traydor ka.

Hanep sa pagpapanggap ah, paniwalang-paniwala kami. Mas napaniwala niya nga lang si Tyron, psh. Sila ang mas matagal na magkasama at hindi ko alam kung paanong pagpapanggap ang ginawa noon ni Hannah sa harap ni Tyron.

Ano 'yun, binalikan niya si Tyron para lang gantihan ako? Haha, lakas ah. Sana pala hinayaan ko na lang silang magsama. Damay-damay pa tuloy kami rito, pati ang best friend ko na nananahimik, dito na nag-iingay.

Naipikit ko na lang ang mata ko nang halos marindi na ako sa tindi ng tinis ng boses ni Jennifer na panay ang hiyaw. Open ang lugar na 'to, kaya naman kada sigaw niya ay nag e-echo sa buong lugar.

Naramdaman ko namang hinawakan ako nung dalawang lalaki sa braso ko at inalalayan akong makatayo para lang itali.

"Ano ba! Bitawan niyo nga ako!" Kunot noong pagpupumiglas ko mula sa mga hawak nila. Nagsisimula nang mag-init ang dugo ko, dahil sa tuwing mas hihigpitan nila ang hawak sa akin ay galit ang nararamdaman ko dahil sa mga alaalang sumasagi sa isipan ko, ang mga sakit, takot at paghihirap na sinapit ko noon kay Tyron.

Tila bumabalik lahat nang tinakasan ko, kaya parang nawawala ako sa sariling pinagtatadyakan sila. Naiinis ako dahil nauulit na naman ang mga naranasan ko at pakiramdam ko ay wala na naman akong lakas lumaban.

"Tss, tss, tss!" Napalingon naman ako kay Shaira nang umiling uling ito dahil nakita niya kung paano kong sinipa ang dalawang tauhan niya palayo sa akin. Nagawa niya pang suyudin ang buong katawan ko.

"Kawawang Ciara. Walang kaalam-alam na mamamatay tao ang magulang niya," sabi pa nito, ang reaksyon sa mukha niya na para bang sinasabi niyang nakaka-disappoint na nabuhay ako sa mundong ibabaw. Saglit siyang humakbang papalapit sa akin, at saka ako nito hinawakan sa panga.

Pwersa ko namang hinampas ang kamay niya para maalis iyun sa mukha ko, saka siya masamang pinukulan ng tingin.

"Ha!" Inismiran niya ako matapos bumagsak ng kamay niya. Kasunod niyon ay ang paghawak na naman sa akin ng dalawang lalaki at pwersahan akong pinigilang makakilos. Hindi na rin ako nanlaban dahil alam ko namang mauubos lang ang lakas ko kung ipagsasapilitan ko pang magpumiglas kahit wala naman na talaga akong laban, mabuti na rin 'to dahil baka igapos lang nila ako kung nanlaban pa ako. Iipunin ko na lang ang lakas ko para mamaya.

What if I die? Where stories live. Discover now