36

5.7K 110 11
                                    

Chapter 36: Pregnant?!

Ciara's pov

"SA AMIN MAPUPUNTA ANG REWARD NA 100,000! YES! WOOOH! YEAH! YUHOO!! 100,000 FOR ME! YEAH! YEAH! YEAH! WOOH!!" Masayang sigaw nito at nagtatatalon pa.

*Poink*

"Aray naman, ano ba?!"

"Manahimik ka, nakakahiya ka! Kita mong seryoso ang mga tao dito, tapos isisingit mo 'yang kaabnoyan mo!" Sermon sa kanya ni Jennifer at mabilis na humingi ng paumanhin.

"Haha it's okay! Don't worry, sa inyo mapupunta 'yon," saad nito na ikinalaki ng mga mata namin. Woah, hindi nga?

"Yes! Sabi sa'yo, eh! We deserve it!" Tuwang-tuwa na sambit ni Tyler.

"How are you? Kumusta ang naging buhay mo? Within 21 years, right?" Tanong nito sa malungkot na tono.

"I.. I want to see those people who stole and keep you away from me." Alam kong galit siya kay mommy at daddy na pekeng parents ko, pero napamahal rin ako sa kanila, kahit ganoon.

"You don't need to worry about them Mrs. Cortel, nasa kulungan na po sila." Ani Raiza at ngumiti ito.

"Thank you, Raiza. Sobrang laki ng pasasalamat ko sa'yo, dahil dinala niyo ang anak ko sa akin."

"It's my pleasure to do it, Madame."

"Mawalang galang lang ho? Eh, hehe." Agad na sinamaan ni Jennifer ng tingin si Tyler nang magsalita na naman ito.

"May sasabihin lang ako!" Sabi nito.

"Eh, saan ho ba kami pwedeng tumuloy?" Nakangiting tanong ni Tyler.

Ngumiti si Mrs. Cortel.. I mean Mommy at tumingin sa amin isa isa.

_________

"Here, dito muna kayo mag-stay."

"Sweety, who are they?" Napalingon ako sa lalaking matikas ang katawan na naglalakad ngayon patungo sa direksyon namin.

May katandaan na ito, pero hindi pa rin kumukupas ang kagwapuhan niya.

"Sweety!" Patakbong yumakap si Mrs. Cortel- Argh! Mommy sa lalaki.

"G-guess what?" Nauutal na naman na sambit nito, habang pinipigilan ang pagpatak ng luha habang nakangiti.

"What is it?"

"She's back." Tuluyan nang bumagsak ang mga luha nito na nagpakirot sa puso ko.

"Our daughter.. she's finally back." Nanlaki ang mga mata ng lalaki na halatang nagulat sa sinambit nito.

"Really? W-where is she?" Pareho silang tumingin sa direksyon namin, at dahan-dahang umalis ang mga kaibigan ko sa harapan ko upang tuluyan nila akong makita.

I'm the apple of the eye now.

"Ciara?" He asked, hindi ako makagalaw dahil sa kaba nang banggitin nito ang pangalan ko. It gaves me so much chill and a fulfilment na parang sa buong buhay kong nabuhay ay ngayon lang ako natuwa at naiyak na tinawag ang pangalan ko ng tunay kong ama.

N-ngayon ko lang siya na-meet, aaminin kong nakakatakot ang awra niya kaya ako kinakabahan. Ngunit agad iyong nawala nang maramdaman ko ang mainit nitong yakap sa akin.

"My princess." Naluluhang sambit nito, habang nakayakap sa akin matapos niyang tumakbo patungo sa puwesto ko. Saglit akong nanigas sa kinatatayuan ko dahil hindi pa agad na-proseso iyun ng utak ko, pero nang maramdaman kong mas humigpit ang yakap nito at nabasa ang kwelyo ng damit ko, senyales na tumulo ang luha nito ay mabilis na gumalaw ang mga kamay ko papayakap pabalik sa kanya.

What if I die? Where stories live. Discover now