38

6.1K 114 24
                                    

Chapter 38: Alive

TW: fake death (always put to your mind that this is pure fiction)

Ciara's pov

"T-tyron.."

Naramdaman ko ang tuloy-tuloy na pag-agos ng mga luha ko mula sa aking mga mata. But instead of answering me ay nginitian niya lang ako. Ngiti na lalong nagpahinga sa mga tuhod ko, dahil ang ngiti niyang inakala kong hinding-hindi ko na makikita pa habang buhay o kahit isang beses manlang sa buhay ko ay hindi ko inaasahan na ngayon mismo, sa araw na ito ay masisilayan iyun ng dalawang mata ko.

Parang pinitik ang puso ko nang humakbang ito papalapit sa akin.

Tyron..

"Can I take the hand of your daughter, sir?" Magalang na paalam nito kay daddy, habang hindi naman maalis-alis sa kanya ang paningin ko.

"Here, she's all yours now. Take care of her, pinagkakatiwala ko siya sa'yo," dad gave my hand to him.

"Thank you." Nakangiting saad nito at marahang tinanggap ang kamay ko. And the moment he hold my hand and I felt his warm skin on me, that's when the reality hits me.

H-he's alive.

"Y-you're dead.. h-how----" umiiyak na sambit ko sa kanya, pero pinutol niya ang sasabihin ko.

"Shh." Nagulat pa ako nang hawakan niya ang kanang kamay ko at ilapat 'yun sa mukha niya.

"Warm or cold?" Nakangiting tanong niya.

"W-warm," sagot ko.

"Then, I'm still alive." Sabi nito, dahilan para mas mapahagulgol pa ako ng iyak.

"P-pero.. paano? B-bakit- A-anong---" hindi ko na maituloy tuloy ang sasabihin ko dahil sa mga nag-uunahang luha sa mata ko.

"I'm sorry." Dalawang salita, pitong letra na sobrang nagpahagugol sa' akin nang hindi ko alam ang dahilan, pero alam ko sa sarili ko na gustong gusto konh marinig 'yon.

"Inisip ko kasi na masiyado ka nang nasasaktan kapag lagi mo akong nasa tabi, lagi ka na lang napapahamak kapag kasama mo ako." Ngumiti siya ng mapait.

"Kaya napagdesisyunan ko na, bago ka magising, ibibilin ko sa mga kaibigan mo na sabihing wala na ako. Iniwan kita sa kanila, dahil kailangan kong magpakalayo layo sa'yo, para maging maayos ang buhay mo. Pumunta ako ng thailand even sa japan at nagpaka-busy para makalimutan ka."

"Pero, nagkamali ako, nang dahil sa ginagawa ko, lalo pang lumala ang sitwasyon. Mas lalo kitang naalala, nalaman ko rin sa kanila na mas lalong gumulo ang buhay mo, simula noong iniwan kita. Hindi ko napigilan at hinanap kita sa social media at doon ako bumawi sa'yo." Napakunot ang noo ko nang sabihin niya 'yun.

Ang ibig niyang sabihin..

"I-ikaw si.."

"Yes. I am Axel Cipriano at nandito ako para tuparin ang sinabi kong liligawan kita at makakasama mo ako sa araw na masuot mo ang gown na 'yan." Napatingin ako sa gown na suot ko na lalo sa aking nagpahagulgol.

"Bwisit ka!" Sabi ko dito at hinampas siya sa dibdib.

"Ah!" Daing niya, pero hindi ko 'yun binigyang pansin. Bagkus, niyakap ko na lang siya ng napakahigpit.

I'm gonna marry your daughter,

And make her my wife.

I want her to be the only girl that I'll love for the rest of my life.

What if I die? Kde žijí příběhy. Začni objevovat