Prologue

15K 303 13
                                    


Pasaway



Bully



Mayabang



Walang kaibigan



'Yan ang pagkakakilala ko kay Karma Isaac Galvez.


Kilala siya bilang gago at sakit sa ulo ng detention officer ng school namin. Bukod kasi sa madalas siyang napapaaway at nag cu-cutting, nahuhuli din siyang natutulog sa klase. Kaya naman mas marami pa siyang ginigugol na oras sa loob ng detention office kaysa sa pag-aaral.


Tatlong taon na kaming magkaklase pero kahit isang beses wala pa akong nakikitang pinakikisamahan niya ng maayos. 'Yong mga barkada na kasa-kasama niya naman ay parang ginagawa niya lang palamuti. Inisip ko, siguro wala talaga siyang magawa sa buhay kaya kung ano-anong pagbubulakbol na lang ang ginagawa niya.



Pero sa kabilang banda naman,



Ako na ata ang matatawag na kabaliktaran ni Karma. Napapalibutan ako lagi ng mga tao dahil sa dali kong pakisamahan. Kumpara kay Karma, wala pa akong kahit na anong record sa detention. Hindi ako kagaya niyang ginagawang palamuti ang mga kaibigan para hindi masabing nag-iisa ako. Malaki ang respeto ko sa mas nakakatanda at higit sa lahat, hindi ako mayabang.


Ako si Migo Lazaro

Iisa man ang mundo na ginagalawan namin pero parang hindi kami pinagtatagpo.



Hanggang isang araw, nagkaroon ng isang reunion ang batch namin noong elementary. Doon ko nalaman na noon pa pala kami naging magkaklase ni Karma. At buhat nga ng malaman nila na iisang school lang ang pinapasukan namin ni Karma, nagkaisa ang dati naming mga kaklase na ikulong kami sa isang kwarto para daw maging 'close' kami.




At sa gabing 'yon, sino ba namang mag aakala na doon na pala magtatagpo at mag-iisa ang mga mundo namin?


















Seryoso, literal kaming nag-isa.



××××

His Obsession [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon