Chapter 1

9.9K 337 18
                                    

Migo Lazaro

I can feel something ticklish on my neck. May naaamoy din akong alak pero hindi ko alam kung saan nangagaling. Ayaw ko pa idilat ang mata ko dahil tinatantsa ko pa ang sakit ng ulo ko at sa may ibabang bahagi ng katawan ko.




Hindi ko malaman kung bakit may naramdaman akong kakaibang kirot pag tapos kong humikab, siguro mali na naman ang pwesto ng tulog ko kagabi.



Napakamot na lang ako sa ulo at muling napahikab.



"Hmm..." dahan-dahan kong naimulat ang mata ko ng makarinig ako ng ungol at mainit na hangin sa bandang leeg ko.


Huh?



Ano yon?



Mabilis akong napaupo sa kama at isang pigil na sigaw ang ginawa ko pag tapos ko maramdaman ang sakit sa pwetan ko!



"Tangina ang sakit!" hinigpitan ko ang kapit sa kumot at doon na ko tuluyang dinaluyan ng matinding nerbyos ng biglang maalala ko lahat ng nangyari kagabi.




Tila parang nasa pelikula na nag flashback lahat ng nangyari.




Natatandaan kong nag punta ako sa reunion ng batch namin noong Grade 6. Doon ko nalaman na matagal na kaming magkaklase ni Karma. Nalaman ng mga dati naming kaklase ang tungkol doon kaya bigla silang nag kasundong ikulong kaming dalawa sa isang kwarto. Doon namin tinuloy ang pag iinuman at pagkatapos...



Para akong nakakita ng multo at binuhusan ng malamig na tubig.




"I like how you moan, it’s sexy." boses ni Karma 'yon na paulit-ulit na nag pla-play sa utak ko.




Tangina naman! Hindi pwede 'tong naiisip ko! Baka naman nananaginip pa ko? oo tama! masamang panaginip lang 'to!



"Bend forward. I will thrust inside you from here." ramdam kong tumaas ang balahibo ko sa buong katawan, kasama na ang pubic hair ko sa ibaba sa sobrang kilabot dahil sa mga pumapasok na ala-ala sa isip ko.




Muli na namang nanumbalik sa isip ko lahat ng nangyari kagabi. Walang pinatawad. Walang censor. Pati kung gaano kalaki ang kargada niya ay sobrang linaw na naalala ng memorya ko.



"Taksil ka!" sabay sabunot ko sa buhok ko.



"Hmm..."



Bigla akong na-statwa ng makarinig ulit ako ng ungol. Pag lingon ko sa tabi ko, nakita kong nakahiga doon si Karma at walang suot na pang-itaas na damit. Lumantad ang pinagmamalaki niyang katawan lalo na yung walong pack niyang abs. Ngayon ko lang din nakita ng malapitan yung naririnig kong usap-usapan tungkol sa peklat niya sa may v-line niya sa bandang lower abdomen. Kahit ‘yon hindi masagwang tignan sa kanya.




Kung nagtataka kayo kung bakit ko alam ‘yon, itanong niyo doon sa ex niyang ang pangalan ay Kim. Siya ang nag pakalat sa buong campus noong nakaraang taon.




Teka bakit ko ba inuunang isipin yung mga chismis? Tignan mo nga kung nasaang sitwasyon ka ngayon Migo! Wag lutang!




"Hoy Karma! Kingina gumising ka d’yan!" kahit sumigaw lang ako ramdam ko pa rin yung pamamanhid at kirot sa likuran ko. Totoo ba talagang malaki ang kargada ng kumag na ‘to para makaramdam ako ng ganitong sakit?





"Gising ka na?" narinig ko na ang malalim niyang boses kaya mabilis kong hinigpitan ang pagkakapulupot ng kumot sa katawan ko. Bakit kung umasta ang kumag na ‘to, parang wala lang sa kanya?




Masama ko siyang tinignan. Pinanood ko siyang kusutin ang sariling mata habang walang hirap na humikab.



"Anong ginawa mong kahayupan sa’kin hambog?" pero hindi ko na napigilan na manahimik lang at hintayin siyang matapos mag tanggal ng muta sa mata.




Pero alam niyo ang ginawa niya? ang gago tinignan lang ako!




"Nag enjoy ka ba kagabi kaya hindi ka makasagot ha? tangina mo!" akma na sana akong tatayo at aalis pero naalala kong natira nga pala ako kagabi kaya nanghihina akong napabalik sa pwesto ko kanina.



"Mag dahan-dahan ka." naramdaman ko ang pag galaw ng kama at pag lapit niya sa’kin. Hindi ako makagalaw kaya kinuha niya ang pagkakataon na ‘yon para mahawakan ako. Parang isang boltahe ng kuryente ang dumaloy sa’kin ng maramdaman ko yung lamig ng kamay niya sa balat ko.




"Patay naman yung aircon, bat nanlalamig yung kamay mo?" tanong ko.



"I'm sorry, mabilis akong lamigin." nag angat siya ng tingin na mas lalong ikinailang ko. Tipid siyang ngumiti sa’kin bago lumayo pag tapos niyang masigurong hindi na ako mahuhulog sa kama.



Naiirita ako sa kanya. Hindi ganitong Karma ang nakikita ko. Hindi siya yung tipo na ngingiti at makikipag-usap sa kung sino. Lalo na sa mga tulad ko.



Natigilan ulit kami pareho ng biglang tumunog ng malakas yung sikmura ko. Naalala kong hindi pa pala ako kumakain simula pa kagabi. Isa't kalahating mga gago din kasi yung mga kaklase namin eh. Kung hindi nila kami kinulong dito hindi mangyayari lahat ng ‘to.




"Pag kaya mo ng tumayo maligo ka na doon," sabay turo niya sa banyo. "Bibili lang ako ng pagkain." bigla akong nahiya pero ng napansin kong nakangisi yung gago, di ko na siya napigilang batuhin ng unan.





"Lumabas ka na bago pa kita mapatay." banta ko sa kanya pero inaasahan ko ng walang magiging epekto sa kanya 'yon.




Pag tapos niyang pihutin ang doorknob, nag katinginan kami at kapwang napangiwi ng walang hirap na bumukas ‘yon. Kailan pa nila inalis ang pagkaka-lock ng pinto?




"Oi, Karma! Good morning! kamusta makasama si Migo sa isang kwarto? dream come-" bago ko pa man marinig ang kasunod na sasabihin ni Calix na isa din sa dati naming kaklase na nagmamay-ari nitong bar na ginanapan ng reunion namin kagabi, bigla na lang sumara ang pintuan.



Pinabayaan ko na lang ‘yon at pinilit na tumayo para makapag-linis na ng katawan. Buti na lang may banyo sa kwartong ‘to.



Sinimulan ko ng maligo at magkuskos ng katawan. Kinuskusan ko ‘yon na para bang ngayon lang makakatikim ng ligo pag tapos ng isang taong kadugyutan. Wala na akong pakialam kung mamula ‘yon mamaya, basta masiguro ko lang na mawawala lahat ng pangbababoy ni Karma sa katawan ko. At habang ginagawa ko ‘yon, bigla akong nakaramdam ng kung anong mainit na bagay na tumulo sa hita ko pababa sa tuhod hanggang talampakan.






Libo-libong kilabot ang naramdaman ko ng mapagtanto kung ano ang likido na yon. "Karma! Gago ka mapapatay talaga kita!"

××××

His Obsession [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon