Chapter 22

2.6K 115 15
                                    

Migo Lazaro

“Let go of him, Kudos. Dad’s watching you.”

Hindi ko alam kung saan nangaling si Karma at bigla na lang siyang sumulpot sa pagitan namin ng Kuya niya. “Tsk! Tangina naman Kudos, bitiwan mo sabi si Migo!” asik niya. Para siyang nauubusan ng pasensya sa hindi mapangalanan na dahilan.

Nag salubong ang kilay ni Kudos bago niya binitiwan ang pagkakahawak niya sakin. “We need to talk later, Karma.” seryosong pahayag niya sa nakababatang kapatid bago siya tumalikod at muling humarap sa mga bisita.

Wala akong nagawa kundi ang mag padala sa hatak ni Karma palabas ng silid na ‘yon. Ang daming bagay na umiikot sa isipan ko. Bakit kilala ako ng kuya ni Karma? anong koneksyon ko sa kanya? anong tinatago ni Karma sakin?

“Anong ginagawa mo dito?” seryoso pa rin ang tono ni Karma at mas humigpit pa lalo ang pagkakahawak niya sakin. Ang sakit...

Ano bang tinatago mo para umasta ka ng ganito?

“Bakit hindi mo sakin sabihin ang totoo? bakit kilala ako ng kuya mo?” I tried to mirror his expression to inspirit my statement.

“Let’s make a deal. I will tell you everything you want to know except about Kudos.”

Tinangal ko ang pagkakahawak niya sa akin at ngumiti ako. “I want to know everything– about my connection with you and your brother. I think I deserve to know all of that.” napasabunot na lang siya sa buhok at hindi niya napigilang magpakawala ng ungol dulot ng pagkasiphayo.

Dumaan ang ilang saglit na katahimikan sa pagitan naming dalawa. Naririnig ko ang ingay at palakpakan ng mga tao sa loob na mas lalo lang nakadagdag ng bigat sa isipan ko.

Umangat ang tingin sa akin ni Karma suot ang isang malungkot na ekspresyon. “You have to promise me one thing. No matter what you’ll know about your past... you will stay with me.” he reach out for my hand and slightly squeezed it. Dahan-dahan akong tumango at huminga ng malalim para ihanda ang sarili ko sa mga maaari niyang sabihin.

“Migo... remember when you got into that car accident? Before it happened, you told me how you were in love with Kudos.” nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

Ano? Ako? In love sa kuya niya?

Paanong nangayari yun? Bakit wala akong maalala?

Hinihintay kong sabihin niyang nagbibiro lang siya pero nananatiling seryoso ang ekspresyon niya.

Karma Isaac Galvez

Flashback

6 years ago...

“Pasaway ka talagang bata ka! Lagi mo na lang akong binibigyan ng sakit sa ulo! I don’t know what to do with you anymore!”

I clicked my tongue while ignoring my old man’s complains. Today, we had our PE and I accidentally hit my classmate on his face with a ball. It wasn’t intentional but this old man made it sound like it’s entirely my fault.

“You should take your brother’s example! Hindi nagbubulakbol at mas inuuna ang pag-aaral! Hindi katulad ng ginagawa mo! Bata ka pa lang, pinapakitaan mo na agad ako ng ugali ng Mommy mo! Tsk, that good for nothing woman.” napakuyom ako ng kamay at padabog na tumayo sa harapan niya.

“Puro mo binibida si Kudos! Maging Ama ka naman sa‘kin!” hindi ko na maiwasang sumabog sa galit.

“Ha! Hahahahaha! Kung hindi lang kinuha ng Mommy mo yung Kuya mo, tingin mo pagtatiyagaan kitang makasama sa isang bubong? Kung ako lang ang masusunod, matagal na kitang pinabayaan na mapariwara! Bastardo!”

His Obsession [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon