Chapter 26

1.4K 48 1
                                    

Migo Lazaro

“Did you made up with Karma?”

Binaba ko muna yung bag ko sa upuan bago ko nilingon si Lance na biglang nag salita sa likuran ko. “Oo, nag punta siya noong isang araw sa bahay namin.” simpleng sagot ko.

“No wonder. You came to school together today.” nakita kong ngumisi siya na parang alam niya na agad na may namamagitan na samin ni Karma ngayon.

“Oy, tropa! Good morning!!!” mabuti na lang at tama ang timing ng pag sulpot ni Andrei na kakagaling lang sa paglalaro ng basketball kaya hindi na ulit nakapagtanong si Lance.

“Good morning.” sagot naming dalawa pabalik sa kanya.

“Hays! Napakainit na talaga ng panahon ngayon.” reklamo ni Andrei habang palapit sa pwesto namin. “Pero maaalala ko lang. Magkakaroon daw tayo ng three days vacation next week ah.” biglang pag-iiba niya ng usapan.

“Saan mo narinig yan, Drei? Wala pang sinadabi si Banri. Baka naman gawang kwento mo lang yan?” sagot ko sa kanya.

“Hoy totoo yung sinasabi ko! Hindi pa ata niya nasasabi sa inyo pero narinig ko sila coach na nag-uusap nung isang araw sa faculty. Ang sabi nila bibigyan daw nila tayong mga graduating students ng libreng araw para mag bakasyon.” patuloy na pagkukumbinsi niya sakin. 

Uh. Maniniwala ba ‘ko?

“Let’s just say that it’s legit. But why did you bring this up to us? Are you thinking of having a vacation?” imik bigla ni Lance nang maramdaman niyang ‘di pa rin ako naniniwala sa sinasabi ng tukmol na ‘to.

“Oo! Pero dapat kasama kayo!” biglang lumiwanag ang mukha ni Andrei na parang naka-ready na ang magiging bakasyon naming mag to-tropa.

“Where do you plan to go?” tanong ulit ni Lance.

“Beach resort sana. Saktong-sakto mainit ang panahon ngayon. Pero ‘yon ay kung ayos lang sa inyo.” sambit ni Andrei habang hinihintay ang magiging sagot namin.

“I’m cool with the idea. I’ll also try to ask Mom if we can use one of our villas so we won’t think too much about the expenses.” suggestion agad ni Lance.

Sana all rich kid.

“Sana all rich kid!” bulalas ni Andrei na naging dahilan para matawa ako. Siya lang kasi ang may lakas ng loob para barahin ng ganyan si Lance.

“No, I’m not.” sumagot naman pabalik si Lance.

“Humble pa nga.” lintanya ni Andrei habang napapailing na lang sa sinabi ni Lance. “O, ikaw Migo? Anong sagot mo?” bumaling ulit si Andrei sakin para hintayin yung magiging sagot ko.

Ayos lang din naman sakin yung plano nila. Pag nalaman ni Nanay na sila ang kasama ko, papayag din naman agad ‘yon.

Pero...

“May tanong muna ako.” sambit ko kaya sabay na umangat ang tingin nilang dalawa habang hinihintay ang sasabihin ko. “Ano kasi... pwede bang magsama ako ng isang tao sa bakasyon natin?” dagdag ko.

“Si Karma/Is it Karma?” nagulat ako nang pareho nilang banggitin ang pangalan ni Karma.

“Seeing your reaction, I guess we’re right.” natatawang sambit ni Lance.

Narinig ko namang napabuntong hininga si Andrei at napasalampak sa upuan niya. “Ah!!! Di ko pa rin matanggap!” biglang sigaw niya habang ginugulo ang sariling buhok.

His Obsession [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon