Chapter 28

2K 62 14
                                    

Migo Lazaro

“Ayos lang ba talaga na ma-solo natin ‘to?” tanong ko pagkababa ng mga gamit namin sa sala.

“Oo naman! Dati nga sila Karma at Kudos lang ang nakakasama ko magbakasyon dito.”

“Kudos? Yung kapatid ni Karma?” biglang singit ni Andrei sa usapan.

Nagkatinginan kami ni Karma bago niya sinagot yung tanong ni Drei, “Yes, my older brother.” sagot niya sabay kindat sakin. Di ko napigilang matawa sa ginawa niya. Para saan yung kindat niya?

“Anyway, guys! Lima lang ang room na avalaible ngayon. Yung ibang room kasi under renovation. So for now, it's best to do rock-papers-scrissors to decide on your roommates.” pagbabago ni Alex sa usapan sabay baling ng tingin samin ni Karma.

“Isn’t that obvious already?” pang-asar na sagot ni Lance.

“Ano pa nga ba? Tara na, Lance! Akyat na natin yung mga gamit natin para makapagtampisaw na ko!” aya naman ni Andrei kay Lance na napili niyang makasama sa kwarto.

“Ayaw niyo ba ‘ko makasama?” nagtatampong bulong ni Banri bago siya sumunod doon sa dalawa.

“I guess, ako at si Banri ang solo.” sambit ni Alex, “Have fun, Migz and Karma!” ani niya bago siya tumakbo sa sarili niyang kwarto.

Napalunok na lang ako bago ko nilingon si Karma. “Tara?” aya ko sa kanya.

Napangisi siya, “Let’s go.” sabay akbay niya sakin papunta sa magiging kwarto naming dalawa.

Pag tapos naming mai-ayos ang mga gamit namin, nagkanya-kanya na kaming tampisaw sa dagat. May kanya-kanya kaming inaatupag, si Lance sinabayan yung trip ni Andrei gumawa ng sand castle. Si Banri tinatanaw lang kami habang nakaupo sa lilim. Ayaw niya daw kasing maarawan. Alien talaga si Ban. San ba siya nakakita ng pumupunta ng resort pero ayaw maarawan? siya lang ata ang bukod tangi.

Si Alex naman, busy sa pagkukuha ng mga pictures namin. Isa din kasi yon sa hilig niya. Tapos kami ni Karma, kami lang ata ang nag tagal mag tampisaw sa dagat.

Nang sumapit na ang alas tres ng hapon, nag simula na kaming umahon ni Karma para lapitan sila Andrei na nag-aaya ng bumalik.

“Guys! We ordered foods to the nearest resto. Bukas na lang siguro tayo mag ihaw, wala na din kasing bukas na grocery store ngayon eh.” anunsyo ni Alex samin pagkababa niya ng telepono.

Kakabalik lang namin ngayon sa villa dahil nag reklamo na si Andrei na nagugutom.

“Sino yung kausap mo, Alex?” tanong ni Andrei.

“Yung manager ng resort.”

“Ha? bakit mo naman kinausap yung manager?”

“Kuya ni Alex yung general manager ng resort na 'to. Did I forgot to tell you?” biglang sagot ni Karma.

Nagkatinginan kami ni Andrei at sabay na napailing. Nakalimutan naming puro rich kid nga pala ang kasama namin dito.

“Okay, change the topic! what do you think about playing a game while we wait for the food to arrive?” muling nag suggest si Alex.

“Anong laro naman?” tanong ko.

“Video games?” si Lance yan.

“Hindi na tayo bata para maglaro–” biglang singit ni Banri pero agad na pinutol ni Alex yung sasabihin niya.

His Obsession [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon