Chapter 11

4.2K 175 1
                                    

Migo Lazaro

Sa huli, si Lance na ang nag punta dito sa bahay para dalhin yung mga damit na sinabi ko.

"Bakit puro bago ata 'tong mga damit, Lance?" puna ko agad.

"It’s my Mom. When I told her that a super model will wear the clothes, she immediately offered her clothing line.” napabuntong hininga si Lance na ikinatawa ko naman.

"Pakisabi salamat." biglang sambit ni Karma sa gilid ko. Buti naman marunong na siyang mag pasalamat ngayon.

"It's no big deal. We're friends now." tugon pabalik ni Lance.

Pero sa totoo lang, hindi ko inasahan na si Lance pa ang pupunta para mag hatid ng mga damit. May biglaan daw kasing nangyari sa bahay nila kaya siya na ang nag magandang loob na dalhin yung mga hiningi kong damit para kay Karma. Hindi naman siya nag tagal at umuwi din sa kanila.

At ngayon, naiwan na kaming dalawa ni Karma dito sa bahay para mag-usap tungkol sa magiging batas dito sa bahay.

"So, nagkakaintindihan ba tayo sa house rules?"

Sumandal ako sa upuan para panoorin si Karma habang binabasa yung mga nilista kong batas sa bahay. Unang-una na doon ang hindi siya pwede pumasok sa kwarto at pakialamanan ang mga personal na gamit ko.

"Naiintindihan ko." tinupi niya ang papel at binulsa. "Asan nga pala si Tita?"

Isa pa palang wrong timing yan. Bakit sa lahat ng araw na pwedeng umuwi ng probinsya si Nanay, ngayon niya pa ginawa?

"Nag punta siya ng probinsya. Dalawang linggo siya doon." tumango-tango siya habang nililibot ang paningin sa paligid. Pero wala pang ilang segundo ay nanlaki ang mata niya at muling napaharap sakin.

"Dalawang linggo?" bingi ba siya? kakasabi ko lang diba?

"Oo, kaya asahan mo ng mas mag hihigpit ako sa mga batas ko. Idagdag mo na din dyan na ayoko ng makalat dito sa bahay at matagal gumamit ng banyo."

"Naiintindihan ko." umiwas bigla ang tingin niya.

"Marunong ka ba magluto, Karma?"

"Hindi." patay, hindi rin ako marunong. 'Yon ba ang dahilan kung bakit nag bago bigla ang mood niya? dahil alam niyang gugutumin lang siya ng isang linggo dito?

"Pano tayo kakain? hindi rin ako marunong magluto." malapit pa naman na mag hapunan. Siguro tatawagan ko na lang si Alex para magpaluto.

Nang akma kong ilalabas ang cellphone ko, biglang tumayo si Karma at sumilip sa kusina kaya nabitin sa ere ang plano ko.

"Anong ginagawa mo?"

"Marunong akong magluto ng sopas."

Totoo ba 'to? Ang batugan na si Karma, may alam gawin sa kusina?

"Kailangan mo ba ng tulong?" tumayo na din ako at lumapit sa kanya.

"Hindi na, umupo ka lang doon. Gusto kong pag silbihan ang taong gusto ko." natigilan ako at napangiwi. Idagdag ko na din ba sa batas na bawal ako landiin sa loob ng pamamahay namin?

Ayokong makasanayan na ginagawa niya yan hanggang sa bumalik si Nanay.

"Karma, mag-usap nga tayo tungkol sa-"

Natutop ang sasabihin ko ng biglang tumunog ang cellphone niya. Tinignan niya muna ako ng ilang sandali bago sagutin 'yong tawag.

"What do you want, Kim?" sumenyas siyang kakausapin niya muna yung tumawag kaya tumango ako.

Totoo pala yung usap-usapang naging sila ni Kim. Sila pa rin kaya hanggang ngayon...?

Ginulo ko ang buhok ko at minura ang sarili. Ano namang pake ko kung sila nga?

-

Nag daan ang ilang araw na magkasama kami ni Karma sa iisang bubong. Hindi siya mahirap pakisamahan gaya ng iniisip ko. Siya lagi ang sumasagot ng pagkain namin kaya hindi ako nagugutom. Hindi rin pala siya batugan gaya ng inaakala ko. Malinis palagi 'yong kwarto niya tuwing nadadaanan ka. Hanggang ngayon, nakakagulat na wala pa siyang house rules na nilalabag.

"Migo, gising ka na?"

Isa din yan sa mga nakasanayan niya simula noong tumira siya dito sa bahay namin. Siya na yung gumigising sa'kin tuwing umaga para sabay kaming papasok. Wala naman akong problema kung malalaman ng iba na samin siya tumutuloy. Normal lang naman siguro 'yon sa dalawang magkaibigan.

"Gising na ko, salamat!" nag unat ako ng katawan bago pumasok sa banyo para maligo.

Pag tapos noong gabing kinausap niya si Kim, hindi na namin natuloy ang pag-uusap tungkol sa bagay na yon. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang 'to pero parang siya na din ang umiiwas na 'wag mapag-usapan ang tungkol doon kaya hinayaan ko na lang. Basta wala siyang gagawing ikagagalit ko ulit, magkakasundo kaming dalawa.

"Migo, good morning." bati niya sakin pagkababa ko sa hapagkainan. He's energetic as usual.

"May nangyari ba? Ang ganda ng mood mo." umupo ako sa tapat niya at nag simulang kumain ng pandesal na pinalamanan ng scrambled egg. Ewan ko ba, simula nung tumira siya dito, lahat ng pagkain parang mas sumarap sa panlasa ko.

"Wala naman. Kamusta tulog mo? Masakit pa ba?" what the actual- nabulunan ako bigla sa kinakain ko kaya agad niyang inabot yung isang baso ng tubig para inumin ko.

King ina, hindi ko maiwasang iba ang isipin sa tanong niya.

"That's what you get for stuffing too much in your mouth." binato ko sa kanya yung pandesal na kinagatan ko pero mabilis niya yon naiwasan. Tsk.

Ayan ang isang bagay na hindi mawala-wala sa sistema ni Karma. He's a total flirt. Kahit nasa harapan na kami ng pagkain, hindi niya palalampasin hanggat hindi niya ako nababadtrip.

"Oo, masakit pa rin! Kaya subukan mo lang ulit ako gulatin ng ganon, ikaw naman ang itutulak ko sa hagdan!" kasalanan niya kung bakit masakit ang likod ko ngayon. Kagabi, habang pababa ako ng hagdan bigla niya akong ginulat kaya nahulog ako sa hagdan. Buti na lang hindi mataas yung binagsakan ko kaya minor injuries lang yung nakuha ko.

"You're still mad about that? I was just messing up with you." ngumiti siya ng nakakaloko kaya umiwas ako ng tingin. Alam ko yung mga ganyang ngitian eh.

"How about I give you a piggy back ride to school?" ang gagong 'to!

"How about I trade you with a pig, asshole?!" asik ko pabalik. Napipikon na ako sa kanya. Habang tumatagal, mas mahirap na kontrolin yung mga biro niya.

"Hahahahaha!" nagawa pa niyang tumawa.

Bumuntong hininga ako at seryosong sinalubong ang tingin niya. "Kailan mo balak umuwi sa inyo? Humingi ng sorry sa parents mo?" ito lang ang isa kong paraan para asarin siya pabalik.

"Wala na akong balak umuwi samin. Dito na lang ako sa inyo- sayo."

Shit... why am I the one who can't think of anything to say now?

"Hah. Paano kung sabihin kong umuwi ka na? na wala kang lugar dito? na nakakaabala ka na?" ngumisi ako sa kanya samantalang siya naman ang sumeryoso ngayon.

Tinitigan niya ako ng ilang minuto. Hindi siya kumurap hanggang sa sumilay ang isang ngiti sa labi niya kaya natigilan na naman ako.

"Migo, I know you like me being here."

"You're being full of yourself now?"

"You like me." hindi ko na alam kung sino ang kinu-kombinsi niya sa mga oras na 'to. Ako o ang sarili niya.

Ngumisi ako at tinaas ang kamao ko para makipag-fistbump sa kanya. "Ikaw na panalo. Ikaw na magaling sa paninira ng araw." ngumisi siya bago kinuha ang kamay ko at hinawakan ng mahigpit yon.

"I like you." halos pabulong niyang sambit pero nadinig ko pa rin naman. Sa pagkakataon na 'to, hindi na ako nagulat. Wala na akong naramdamang inis hindi gaya nung una niyang sabihin ang mga salitang yan.

"Salamat." sagot ko na ikinaangat ng tingin niya. "Sabay na tayo pumasok?" dagdag ko pa.

Napangiti siya at tumango sabay sabi ng, "Tara."

××××

His Obsession [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon