Chapter 21

2.5K 116 9
                                    

Migo Lazaro

“I’m home.” nag simula na akong mag hubad ng sapatos. Hindi nakabukas ang ilaw sa sala. Hindi  ba sinabi ni Karma na mauuna siyang umuwi?

Binuksan ko ang switch ng ilaw at napaatras ako sa gulat nang madatnan ko siyang tahimik na nakaupo sa sofa. Nakatalumbaba siya habang nakatingin sa kawalan. He looks so restless.

“Karma nandyan ka pala, bakit hinayaan mong hindi nakasindi yung ilaw?” nilapitan ko siya at umastang normal. Pakiramdam ko wala siya sa mood na pag-usapan ngayon yung tungkol sa sinabi ko sa kanya kahapon. 

“Anong pinag-usapan niyo ni Lance?”

“Tungkol sa research.”

“Yon lang pero inabot ka ng gabi?” ganon pa rin yung tono ng pananalita niya, malamig at nagmamataas.

“Bakit para yatang ikaw yung maraming tanong dito? Bakit parang baliktad? Hindi ba ikaw yung ilang araw ng walang paramdam?” I blurted out. Pero hindi nag bago ang expression niya– isang bagay na pinakaayaw ko sa kanya.

Tumayo siya at binanga ang braso ko. Nilampasan niya ako at nag lakad patungo sa pintuan. “Let’s better cut off this conversation. Walang patutunguhan to. Mag pahinga ka na lang muna. Uuwi ako sa amin ngayong gabi.” bago pa ako makasagot ay padabog niya ng sinara ang pintuan.

Napakuyom na lang ako ng kamay sa pinaghalong galit at inis. Hindi ko talaga maintindihan ang ugali ni Karma!

Kinabukasan, bumungad sa umaga ko ang mukha ni Andrei at Lance. Mamayang alas singko pa daw ng hapon magsisimula yung party na dadaluhan naming tatlo pero ngayon pa lang ay nandito na ang dalawang tukmol na ‘to. Tinanghali rin kasi ako ng gising.

“Migo sabi ko matulog ka ng maaga diba? nakita mo na ba yung sarili mo sa salamin?” sermon agad ni Andrei. Nag takip agad ako ng tenga at tinaboy siya.

“Kumain ka na muna sa baba. Maliligo lang ako.” hindi naman siya nag reklamo at dali-daling pumunta sa kusina para guluhin si Nanay na nagluluto doon. Samantalang naiwan naman si Lance sa harap ko. Amoy ko hanggang dito yung matapang at amoy mamahalin niyang pabango.

“Did you made up with Karma?”

“Hindi eh. Pero hindi ko na muna iisipin yon.” sumandal ako sa pintuan at tumikhim. “Lance, pwedeng mag tanong? nauusisa talaga ako sa taong tinutukoy mong kasama mo nung araw na yon eh. Kilala ko ba siya?”

Lance lets out a manly chuckle. “What’s the point of threatening you if I told you who it was?” sasagutin ko na sana ang tanong niya pero bigla namang sumingit si Andrei at inayang kumain si Lance sa baba. Tsk, ang daya.

“Sige, kumain na muna kayo.” ginulo ni Lance ang buhok ko bago sumunod kay Andrei.

Bumalik ako sa loob ng kwarto para maligo at mag bihis. Sinuot ko ang gray na suit and tie na binili sakin ni Lance noong nakaraang araw. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Inayos ko ng konti ang buhok ko bago bumaba.

Pagbaba ko, nadatnan ko yung dalawa na tinuturuan si Nanay na maglaro ng mobile games. Agad akong sumingit sa kanila at inagaw yung phone ni Lance. “Wag niyo ngang turuan si Nanay ng kalokohan niyo. Oh!” binalik ko sa kanya yung phone niya bago dumiretso sa hapagkainan.

“Napakakilljoy talaga nitong si Migo eh.” nakangusong komento ni Andrei pero sinamaan ko lang siya ng tingin. Pag tapos kong mag tanghalian, nag paalam na kami kay Nanay.

“Ingat kayo, mga gwapo kong anak!” sabay halik niya sa pisngi ko. Narinig kong tumawa si Andrei kaya nasuntok ko siya sa tagiliran. Epal talaga ‘to eh.

His Obsession [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon