Chapter 20

2.6K 133 10
                                    

A/N: To those who patiently wait for my updates, this chapter is dedicated to you.

P.S

Please don’t hate me on this chapter. And as always, enjoy reading!

Migo Lazaro

Aaaah, absent na naman si Karma!” hindi ako nakaimik agad sa sinabi ni Andrei. Tatlong araw na ang nakalipas nung huli kaming magkasama ni Karma. Hindi rin siya umuuwi sa bahay. Hindi ko na tuloy alam kung anong dapat isipin ko.

“Migo, about the party...” napunta kay Lance ang atensyon ko nang lumapit siya samin. “Can you come with me after school?” dumako rin ang tingin niya kay Andrei na nakatingin ng masama sa kanya. “You too, Andrei.”

“Bakit ako sasama? Hindi na ako pupunta sa party niyo! Kalimutan mo ng may kaibigan kang Andrei Chua!” Andrei exclaimed.

Nakita ko kung paano nag igting ang panga ni Lance pero hindi niya masyadong pinahalata. “Do whatever you want.” malamig na tugon ni Lance bago siya lumabas ng classroom.

Bumuntong hininga ako at agad na kinompronta si Andrei. “Ano bang nangyari sainyo ni Lance?” ang loko, hindi makasagot. “Mag usap nga kayo ng maayos. Ayaw niyo rin naman sabihin kung anong problema, paano ko kayo matutulungan?”

“Wag mo na kami isipin. Ang isipin mo ngayon kung paano makokontak si Karma. Sabihin mo sa kanya magkagrupo kami sa research, kailangan niya na pumasok bukas.” pag-iiba niya ng usapan habang nag aayos ng gamit. “Sige, may practice pa ko. Una na ako.” tinanguan ko lang siya.

Nang makaalis na si Andrei, tinawagan ko ulit ang numero ni Karma. Isa na lang, pag hindi niya pa rin sinagot ‘to... titigil na ako.

Naisip ko lang na bakit pag tapos ng lahat, paulit-ulit niya pa rin na ginagawa ‘to sakin? Paano ko paniniwalaan yung mga sinasabi niya kung palagi na lang ganito ang nangyayari? Isang araw, ipaparamdam niya na espesyal ako sa kanya pero kinabukasan mawawala na naman siya na parang bula.

Nakakapagod na.

“Sana hindi na lang kita nakilala...” mga salitang lumabas na lang bigla sa bibig ko.

“...Migo?” agad na sumikip ang dibdib ko nang marinig ko ang boses niya sa kabilang linya. Ang gago talaga ni tadhana, no? Pinigilan ko na lang yung sarili ko na maibuhos sa kanya ang inis ko.

“P...pinapasabi ni Andrei na pumasok ka bukas dahil gagawin niyo yung research niyo. Yun lang, bye.” papatayin ko na sana yung tawag pero mabilis niyang pinigilan ang balak ko.

“I miss you, Migo.” those words came out like a whisper.

Muntik ko ng hindi marinig.

Muntik na akong maniwala ulit.

“Ha... tigilan mo na nga ko, Karma. What you just said is not convincing at all.” doon ko na pinatay yung tawag kasabay ng pag bigay ng tuhod ko. Napaupo ako sa sahig. Buti na lang nakauwi na lahat ng kaklase ko kundi... kundi makikita nila kung gaano ako kamiserable ngayon.

Over someone who I just met recently... this is so pathetic.

“You look really handsome, Migz!” nag thumbs up si Alex sakin habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa. “I like your taste, Lance!” baling naman niya kay Lance na nakaupo sa waiting area dito sa fitting room.

“Do you want me to pick something for you to try on?” tumayo na rin si Lance at lumapit samin.

“Uh, well. Actually...” pinagdikit ni Alex yung palad niya at yumuko samin. “Sorry! Hindi ako makakasama! You see, biglaan kaming nagkaroon ng family gathering sa araw na ‘yon. Ayoko naman ma-disappoint si Mommy, so...” nagkatinginan kami ni Lance at bumuntong hininga.

His Obsession [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon