Chapter 14

3.3K 151 1
                                    

Migo Lazaro

"Please, Norman. May tiwala naman ako sa‘yo.”

“Nahihibang ka na, Mikaela. Akala mo ba madali para sa akin ‘to?”

“Hindi rin naman madali sa akin ito pero isipin mo naman ‘yong bata! Naging kaibigan ko din naman si Katherine. Pumayag ka ng tulungan natin sila Norman, nakikiusap ako.”

Umigting ang panga ni Tatay bago tumugon sa sinabi ni Nanay, “Huwag mo ‘kong sisisihin sa naging desisyon mo.”

Simula ng araw na ‘yon, tinangap namin sila ng buong puso sa pamilya namin. Tinuring namin silang tunay na pamilya pero habang tumatagal, napapansin ko ang unti-unting panlalamig samin ni Tatay. Gabi-gabi siyang hindi umuuwi hanggang sa tuluyan na siyang hindi bumalik sa amin ni Nanay.

“Migo... makinig ka kay Nanay. Simula ngayon, ikaw at ako na lang ang nakatira sa bahay na ‘to. Ikaw na lang ang pamilya ni Nanay, naintindihan mo?”

“Pero paano po si Tatay–”

“Huwag mo ng iisipin si Tatay. Nandun na siya ngayon sa pinakamamahal niya. Masaya na siya sa kanila kaya ‘wag na natin siyang guguluhin ha? Basta ang tandaan mo lang, mahal na mahal ka ni Nanay at ginagawa niya lahat ng ‘to para sa‘yo."

Agad akong napabalikwas sa kama at napasapo sa sariling sintido. I thought I’ve already fully lost my memories about my past. Ang biglang pagkawala ni Tatay samin. Ang pagkamatay niya.

Matagal ko ng kinalimutan ‘yon pero bumabalik na naman sa akin ang mga masasakit na ala-ala na dinala samin ni Tatay. Hanggang ngayon hindi ko pa rin napapatawad ang mga taong sumira sa pamilya namin dahil alam kong hindi na ulit kami pwedeng mabuo. Sila ang pumatay kay Tatay. Para sakin, dapat silang parusahan.

Pinantakip ko agad ang likod ng palad ko sa tapat ng mata ko para pigilan ang mga nagbabadyang luha. I hope this nightmare would finally stop hunting me.

“Migo.” I suddenly flinch when I heard a knock on my door. Naging sunod-sunod ang mga katok nito na para bang gigibain na ang pintuan ko.

Nalasing ba talaga ang kumag na ‘to kagabi? Bakit para yatang wala lang sa kanya ang hangover? Naalala pa kaya niya lahat ng mga pinagsasabi niya sa akin?

“Gising na ako!” sigaw ko pabalik sa kanya. Kasabay non ang pag tigil ng mga katok kaya ang akala ko ay umalis na siya pero maya-maya lang ay narinig ko ulit ang boses niya.

“I have other plans for today so I will not be able to go to school with you. Is it okay if you go alone?”

Huminga ako ng malalim bago tinungo ang pintuan para pag buksan siya. “Paano pag sinabi kong hindi ako pumapayag na hindi ka makasabay pumasok ngayon? pwede mo bang i-cancel yung lakad mo?” seryosong tugon ko.

“Ah...” umiwas siya ng tingin bago tumikhim. “Pwede bang bumawi na lang ako sa susunod? Importante kasi yung lakad ko.” lihim na sumingkit ang mata ko sa inasta niya. Hindi ko inasahan ‘yong naging sagot niya.

Umismid ako at tinapik ng mahina ang balikat niya. “Di na kailangan. Sige, mag-iingat ka sa lakad mo.” tumango siya bago tumalikod at nag lakad pabalik sa kwarto niya.

Bigla ata akong tinamad pumasok...

Karma Isaac Galvez

Hah. I’m regretting it.

I let out a depressing sigh before closing the door behind me.

Gusto kong bumalik sa harap ng pintuan ni Migo para bawiin ‘yong sinabi ko pero mag mu-mukha naman akong tanga non.

Iniiwasan ko na ngang guluhin siya matapos kong malaman ang tungkol sa lagay ng kapatid ni Chua. Kahit mahirap, ayoko muna makadagdag sa bigat ng problemang dinadala niya ngayon.

Hinablot ko ang cellphone ko sa bulsa at agad tinawagan ang numero ni Kim. Sa ngayon, sariling problema ko na muna ang iisipin ko.

“Hi, babe! What took you so long to call me? Anyway, nandito na ako sa meeting place natin. What time will you fetch me?”

“I’m on my way.” yes, I lied. I can’t tell her that I’m still on my pajamas.

“Sweet, oorder muna ako habang hinihintay ka. See you later, babe!” she said before I press the end button. I tosses my phone back to the side table before throwing myself back to the bed. Damn this hangover...

I woke up from my quick nap after thirty minutes. My head are a little bit better now. Pwede na siguro akong kumilos para mapuntahan si Kim.

Pagkalipas ng isang oras ng paghahanda... dumaan muna ako sa kwarto ni Migo para tignan kung pumasok na siya. Nang wala na akong nadatnang Migo doon, tumuloy na ako sa kotse ko at nag drive papunta sa meeting place namin ni Kim.

“I really hate you to the core, babe!” nagtatampong sigaw sa akin ni Kim. Magkasama na kami ngayon habang tinatahak ko ang daan pabalik sa mansion. Hindi ko pinansin ang pagdadabog at pagtatampo niya mula pa kaninang sinundo ko siya sa coffee shop pero malapit niya na akong masaid.

She really know how to get on my nerves.

“Stop whining like a child, earsore.” I retorted that made her sulking even more worst. This is seriously annoying.

Mabuti na lang mabilis naming narating ang bahay kaya nakaipon pa ako ng kapirangot na pasensya para sa paghaharap namin ni Dad mamaya.

“This place is becoming more and more lavishing every time I’m coming over to pay a visit.” kumento agad ni Kim habang pinagmamasdan ang mga bagong pigura at disenyo na nakasabit sa mga dingding ng bahay.

“Aww! this is your Mom, right, babe? She’s really gorgeous! How I wished she was my mother.” umiwas ako ng tingin sa litrato na tinuturo niya bago ito nilapitan at tinago sa loob ng cabinet. Ang akala ko pinatapon ko na ang mga litrato niya bago ako umalis? Anong ginagawa ng isang ‘yon dito?

“Babe why–”

“It’s really amusing to see you hating the things that would remind you of your prodigal mother when in fact, you're the one who resembles her the most.” I automatically clenches my hand into fists to contain my fury towards the owner of that arrogant voice.

“Hindi ako nag punta dito para makipagtalo sayo, Dad. Hindi mo naman siguro ako pinatawag dito para insultuhin lang ng buong araw.” umasta siyang nagulat na mas lalong ikina-badtrip ko.

“You’re getting smart, kid. By the way, I heard that–”

“Stop beating around the bush, Dad. You know how it will get bad if you keep on wasting my time like this.” I said in a threating tone. I saw on my peripheral view how Kim step back from my rough-and-tumble statement. Wala na akong pakialam kung makita niya lahat ng 'to. Yan ang mapapala niya pag pinilit pa niyang pumasok sa pamilyang ‘to.

Pero kalaunan ay napaismid bigla si Dad, “Fine. Let’s get to the point. I actually decided to finally introduce you to my business circles at the up coming pre-wedding of your Brother. So, I am highly expecting your presence to be there. Of course, you can always turn it down. However, if you don’t show up, I’d be really force to use my last resort. Let me see...” napaangat ang tingin nya na para bang inaalala niya ang isang bagay.

What the hell is it? Why do I have a bad feeling about this?

“Wait, what is his name again? correct me if I am wrong. Is it... Migo Lazaro?”

...?!

His Obsession [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon