Chapter One

18 6 0
                                    

Freilla's Pov

" Come on Ally , walk faster . Malalate na tayo sa P.E. natin. " sabi ko kay Allison o ' Ally ' ang best friend ko .

" sus! Ang sabihin mo excited ka lang kasi P.E. time rin ngayon ng Prince charming mo. "

" Eeh. Dali na kasi ! " ani ko at hinila na talaga ito.

Pagkatapos naming magbihis ng pang P.E. namin ay agad kaming nagtungo sa gym. Excited na akong makita ang crush ko.

Tuwing Wednesday at Friday kasi pareho ang aming time sa P.E. Kaya lagi kong nasisilayan ang kagwapuhan ng crush ko. Hihi..Secret lang natin yun ah?

" Okay , same group parin ang maglalaro ngayon. Kung sino yung natalo nung nakaraan. Siguraduhin niyong makakabawi kayo. " ani ni Ma'am Santos o ' coach ' . Siya ang coach ng Volleyball saaming university.

Dahil hindi naman ako kasali sa first six naupo muna ako sa bench at hinanap si Sword.

Napangiti ako ng makita siya. Sword Sy . Ang chinito ko.

Nagdridrible ito ng bola at pilit na nilalagpasan ang kalaban . Ang alam ko hindi ito mahilig sa mga sports at mas gusto niyang magbasa ng mga libro. Kaya ang talino nya eh .

Then he pass the ball to Beaumont na nasa unahan.

Beaumont Stonewell ' the Campus King Heartthrob ' . He is the MVP of our school. Kaya di na ako nagulat ng maishoot nito ang bola kahit nasa malayo.

" I love you baby Beaumont!! "

" Galing talaga ng future hubby ko!!"

Rinig kong tilian ng mga babaeng nandoon banda sa kanila . Napailing nalang ako sa mga babaeng yun. Bakit ba gustong-gusto nila ang mga bad boy type.

Umaaasa na sila ang makakapagbago ng bad boy na iyon. It's so obvious na paglalaruan lang sila pero sige parin ng sige. Ang resulta? Nganga. Flavor of the month lang ang beauty mo.

Mga lalaking tulad nya , papalit palit ng babae. Parang damit lang , pagkatapos magamit papalitan na.

Kaya ako? I will never fall Inlove with any guy like him. Sakit lang ng ulo dulot nila . Mabuti pa ang crush ko.

Good boy . Mukha palang mala anghel na. Silent type pero alam mong mabait. Matalino pa. Ang alam ko siya ang top sa klase nila. At kahit kailan di ko pa ito nakikitang nakikipaglandian.

Hays..bakit ba ang drama ko ngayon?
Atsaka nauuhaw ako. Ano namang ba yan di pa nga ako nakakapaglaro nauuhaw na ako.

Matagal tagal pa naman siguro akong tatawagin ni coach bibili muna ako ng mineral water sa canteen. Sininyasan ko si Ally na napatingin saakin na nauuhaw ko. I know na gets na nya iyon.

Nasa may gitna na ako ng gym ng napagtantong madadaanan ko ang grade 12 na nagbabasketball. Kung nasaan si Sword na nakaupo na sa bleachers. It means dadaan ako sa harap niya mismo!

Kinapa ko ang cellphone sa bulsa. Buti at nadala ko ito. Sa medyo gitna ako dumaan at nakayukong naglakad kunwari'y may tinitignan ang cellphone ko.

Nanginginig ata ako . Tae naman..

Just keep walking Freilla.

Isipin mo nalang na ordinaro g arae lang ito.

Yung naglalakad kang walang nakatingin sayo.

Hindi ka-

"Hey Miss! Watch out! "

Nangunot ang noo kong may sigawan akong naririnig. Bago paman mapaangat ang tingin ko ay may tumama na kung ano sa ulo ko.

Hot Guy 1 : Beaumont Archer StonewellWhere stories live. Discover now