Chapter Fifteen

12 3 0
                                    

Wednesday morning maaga kaming nagising. Maaga din kasi kami natulog pagkauwi namin kagabi.

So , We went to school early. And  buti narin at busy din kasi kami whole morning. Groupworks , quiz , reporting ,ahhh..being a student sucks. Nakakadrain hindi lang energy pati utak tuyong-tuyo na.

Kaya naman ng magbell na para sa lunch break agad kaming nagtungo ni Ally sa cafeteria. Napatigil kami saglit ng makita si Archer sa kinasanayan na naming table at may kasama itong dalawang lalaki. His friends i assume.

Ally faked a cough kaya napalingon sila samin. " Hey baby. " Archer greeted and kissed my forehead. Pinamulahan ako ng pisngi.

" oooOOOhh...kaya pala  . Ito pala ang dahilan bakit di ka na samin sumasabay ng lunch." 

" May chicks pala. "

" Shut up guys. This is Freilla my soon to be girlfriend and her friend Allison. Frei Ally this are my friends. Laxus and Martius my friends." pagpapakilala ni Archer.

" Hi. " bati ko.

" Hello Bab-este Freilla. You're beautiful,no wonder baliw na baliw tong kaibigan namin sayo. " said the Laxus guy. Ngumiti lang ako ng tipid. I know pulang pula na ang buong mukha ko ngayon. " Hey to pretty girl."baling nito kay ally.

" Ikaw pala ang umagaw sa atensyon at oras ni Beaumont samin. " sabi ni Martius.

Umiling ako." Ha?Hindi naman."

"Naku eh hindi na nga namin mahagilap tong si Beau eh. Bigla nalang nawawala pagka lunch time at uwian. Di na sumasabay sa mga lakad namin." Martius said.

" Kung tatawagan naman namin. Sasabihin na busy daw at may ginagawang importante. " dagdag ni Laxus na nakangisi.

"Kung hindi pa namin sinundan ngayon eh di namin malalaman na may kinahuhumalingan na pala itong kaibigan namin." Martius

" Dalaga na bro namin! " sabi ng dalawa.Natawa lang ako sa kanila.

" Stop it bro's pinapahiya niyo na ako eh. Tsaka gutom na ang baby ko." angil ng katabi ko.

"Sus.. sige na. Alis na kami . Nice to finally meet you Freilla and Ally. " Laxus

"Pumunta lang talaga kami dito para makilala ka. See yah next time girls. " paalam din ni Martius.

" Let's eat now baby, Ally . Malamig na yung pagkain natin. " pinaghila niya ako ng upuan. Ally seated in front of us too.

May pagkain na palang binili si Archer. Pati rin para kay Ally na tuwang-tuwa at di na daw sya gagasto pa.Kuripot talaga nito kala mo naman di mayaman.

".Andami naman nito Archer. Di natin to mauubos. " sabi ko.

".Mauubos yan . Ikaw pa . "

" Ano? " sinasabi ba nitong matakaw ako? Tumawa lang si Ally sa harap ko.

"Wala. Sabi ko kaya yang ubusin ni Ally. Mukhang gutom na gutom eh." turo nito kay Ally na kumakain na pala. PG lang?

" Ang gagwapo ng mga friends mo Beaumont huh?" Saad ng kaibigan ko.

" Oo nga. Ngayon ko lang napansin. "  sabi ko.

" Malamang kasi ako lang ang napansin mo. Nasa akin lahat ng atensyon mo eh. Pano mo sila mapapansin?"

" Hangin mo talaga no? " makakain na nga lang.

" Just telling the truth baby. By the way flowers for you." lahad nito sa isang red rose na di ko alam kong saan nanggaling.

" Thank you."

" Ako meron din? " singit ni Ally.

Tinaasan ko ng kilay. " Bakit? Nililigawan ka? "

" Joke lang. To naman masyadong hot."

" May game kami mamaya. Manood ka baby huh? "

" Hmmm..nagpapasikat ka lang eh. Pero sige. Kayong lahat ng classmates mo ba? " tanong ko.

" Oo. Yung dalawang section ng Grade 12 ang maglalaban. For sure naman kami ang mananalo. "

" Oo na. Ikaw na MVP . " irap ko.

" At talagang manonood yan Beau. Maglalaro din crush niya eh. " singit ni Ally.

" Ano? Sino yan at ng magulpi ko. " di ko alam kung galit na talaga ito o ano.

" Sige subukan mo. At ikaw ang gugulpihin ko. " hamon ko.

Ngumuso ito. " Baby naman. Hindi ka pwedeng magka-crush ng hindi ako! " paang bata itong nagtatadyak. Natawa lang kami ni Ally sa kanya.

I never imagined he can be this childish. Ang kyut-kyut nya! Hayss..

" Eh sa crush ko si Sword. Wala ka ng magagawa dun. " irap ko. Huli ko ng matanto kung ano ang sinabi ko. Bad mouth!

" Sword? You mean si Sword Ty ang crush mo? Baby naman. Mas gwapo pa ako dun. Mas hot , mas-

" Kala mo sakin? Gwapo lang ang hanap sa lalaki? Di naman ako hayuk sa gwapo no. " putol ko sakanya

" Eh ano naman nagustuhan mo dun? Baby, kailangan na ata nating magpa-check up ng mata. "

" Hmm..gwapo naman sya ah. Tsaka ang cool nya tignan ng naka-eye glass. Handsome nerd. Atsaka may pagka serious-

Natigil ako ng mapansing bumilis at lumalalim na ata ang paghinga nito. Namumula narin leeg hanggang mukha nya.

" Huy-

" Damn. This can't be. You can't be attracted to anyone. I have to do something about this. Your mine. Only." Sabi nito more like sa sarili nya. Bago paman ako makapagsalita eh mabilis pa sa alas kwatrong umalis ito.

" Hala, nagalit ata. " ani Ally.  Napalunok ako.  Nagalit ko ba? Malay ko namang ganun pala ang magifing reaction nya.

Pagkatapos naming kumain ay agad na kaming nagtungo sa basketball court. Wala daw si coach o yung Mapeh teacher namin ngayon kaya di na namin kailangan magbihis ng P.E. uniform. Manonood lang kami ng laro grade 12. Hindi maalis sa isip ko ang nangyati kanina. Nagalit nga ata ito. Di pa naman ito tapos kumain at nagwalk out na.

" Mukhang nagsisimula na ang laro, Frei . Dali dun tayo sa taas. " turo nya sa upuan sa itaas. Sumunod nalang ako. Mas okay rin dito at kitang kita mo ang nasa ibaba.

" Oh my Gosh!!!! Fre!!"

Naguguluhan kong tinignan ang kaibigan kong humahagikhik na tumatawa na hindi ko maintindihan.

" What's funny ?" Tanong ko tumutingin-tingin rin sa laro at hinanap kung ano ang pinagtatawanan nito.

Namilog ang mga mata ko at nalaglag ang panga ng may nakitang lalaking nagdridrible ng bola na naka eye-glass. I'm sure as hell na hindi si Sword iyon! Dahil nakita ko si Sword na nakaupo lang sa gilid.

Hindi ko alam kung tatawa ba ako o ano. Pakshet ang hot nya lalo pagnaka-eyeglasses!

Beaumont Archer Stonewell You're Impossible and Cute. Oh well,  handsome and hot too. ;)

Hot Guy 1 : Beaumont Archer StonewellWhere stories live. Discover now