Chapter Six

10 4 0
                                    

Freilla's Pov

That smile of yours is the most beautiful smile I've ever seen. You got me in just a second.

-S.T.

S.T. ?

Sword Ty!?

" OH MY GEE!!! OH MY FREI !? IS THAT REAL!? "

" Shhh!! Kalma ally kalma. Okay? Makatulak to parang ikaw pinadal an ng sulat. "

" hihi..sorry kasi naman. S.T. as in Sword Ty!? " yugyog na naman nito sakin.

" Aray ko ha! " binatukan ko sya. " Wa'g kang mapapel . Ako dapat ang kiligin. Agaw eksena ka eh! " irap ko.

" atsaka porke't S.T. Sword Ty na agad? Masakit mag-aasume sa wala. " dagdag ko pa.

" Napaka-nega mo talaga! Sabi mo nga kanina diba na nagkatitigan kayo at nagngitian. Bukod kay Sword Ty sino pa ba ang ibang nginitian mo? "

Napatango naman ako. " May punto ka Ally. Pero-

" Ms. Beautiful! "

" Haba ng hair mo ngayon girl. Nagrejoice ka ba girl?"

Inirapan ko si Ally at tumayo agad. " Tara na. Pwede na tayong makalabas. "

" Ms. Beautiful wait! "

Wala..wala kang naririnig Frei.

Wala...

" Hinay-hinay lang ang lakad frei. Para ka namang hinahabo- ay hinahabol ka nga pala..hihi.."

" Ano ba!? " sabi ko ng may humila sakin kaya napalingon ako pabalik.

" Ms. Beautiful kanina pa kita tinatawag. " aniya nakangiti.

Oo alam ko. " Sorry di ko narinig. Nagmamadali kasi kami. " I lied.

" I thought your avoiding me. "

Buti alam mo. " Ha? Hindi ah. Ba't naman kit iiwasan. "

" kasi- yung nangyari kagabi. May problema ba tayo? " aniya seryoso.

Nag-iwas ako ng tingin. " Wala. Wala naman. Nagmamadali lang talaga kami. " kunwaring tinignan ko ang relos ko. " sige ha..kailangan na naming umalis. Bye. "

" Per-

" tara na Ally. Kanina pa yun naghihintay ang sundo mo." Hinila ko na si Ally na parang natuod ata sa kinatatayuan .

" Nagmamadali pala tayo? Di ako nainform. " ani Ally.

" Shatap Ally. Bilisan mo baka sumunod pa 'yon. "

" Alam mo Frei. Ang gulo mo. " ani Ally pagkapasok nakin sa sasakyan nila.

" Saan tayo Ms. Allison? " tanong manong Rey . Ang driver nila Ally.

" Mall parin tayo? " tanong ni Ally sakin.

" Bukas nalang tayo gala. Wala na ako sa mood. Sa bahay na lang tayo. " sabi ko. Napag-usapan kasi naming mags-sleep over sya sa bahay. Noong nakaraan ako ang natulog sa kanila.

" Sige...movie marathon tayo. " aniya at bumaling kay manong Rey. " Kina Freilla na po tayo manong. "

" Pero Frei ang gulo mo talaga. "

Umirap ako. " Oo. Sinabi mo na yan like a minute ago. "

" Kasi-

" Hindi ko tinatanong. " putol ko sa sinabi nya.

" Kasi nga diba the Sword Ty na crush na crush mo sa ay binigyan ka ng love letter! Dream come true yun. Pero parang wala ka namang reaksyon. Di man lang kinilig? . At! at ang God's gift to woman 'Beaumont Stonewell ' na himalang napansin ka. I mean your pretty . Yes. Pero sa dinami-daming babae dito sa campus natin ikaw , IKAW ang hinahabol niya. At anong tawag nya sayo? Miss. Beautiful . My geeh! Frei andaming naghahangad dyang babae na mapunta sa posisyon mo. At! Diba sabi mo you feel something sakanya? Pero natatakot ka at tingin mo malabong mapansin ka ni Mr. Campus Heartthrob. Pero ngayong hinahabol at nagpapakita na sya ng motibo sayo dini-deadma mo. Iniiwasan mo. Really Frei? Really. Yung totoo. Umamin ka nga nagpapabebe ka ba? Ano to high school? Ay high school pa pala tayo. Pero you know what I mean? " aniya na hinihingal na .

" Ewan. "

" EWAN!? sa taas ng speech ko. Yan lang ang sasabihin mo? EWAN!? " pagsu-supersayan nito.

"Ewan ko. "

" Wow! Salamat ha? Two words nayon. Dinagdagan mo lang ng isa. Galing mo! "

" EWAN KO. Wala akong maintidihan sa pinagsasabi mo. Ang bilis mong magsalita. Pwede rewind? "

" Aray! " daing ko ng batukan niya ako. " Ano? Ang taas na ng sinagot ko galit ka parin!? " baliw ba to?!

- - - -

Sa awa ng Maykapal ay nakarating naman kami sa bahay. Buti nga di nahigh blood si Manong Rey samin. Nabingi lang. Itong si Ally naman kasi parang nakalunok ng megaphone makapagsalita akala mo nasa kabilang bundok ako.

" Salamat po manong. Magtetext lang po ako bukas kapag papasundo na ako." Paalam ni Ally kay Manong Rey bago kami bumaba sa sasakyan.

" bye manong. " paalam ko rin.

" Oh ang mga diyosa andito na pala." Ani tita . Hindi na ito nagulat na andito si Ally at may dalang malaking bag. Akala mo naman naglayas. Sanay na kasi ito.

" Hi po tita! "

" Tita. " I kissed her cheeks sumunod naman si Ally.

" Magbihis na kayo at magluluto muna ako ng paborito niyong ulam. "

"Talaga tita! Yey. Thank you po. " masayang sabi ni Ally at nagtungo na sa kwarto ko.

Feel at home na feel at home talaga ang babaeng to.

" Sa kwarto po muna kami tita. " paalam ko.

Pagpasok ko sa kwarto ay nakita ko si Ally na hinahalungkat ang bag nya.

" Mauna na akong maligo. " sabi ko sakanya. Nilalagkit na kasi ako dahil sa pawis kanina.

" Sige sige..." sagot niya nakakunot ang noo at busy sa paghahanap ng kung ano sa bag nya. Ipinagkibit-balikat ko lang ito at kinuha ang tuwalya ko bago pumasok sa banyo.

" Oh, problema mo? Hindi mo parin nahanap yung hinahanap mo?" Tanong ko pagkalabas ng banyo at nakita syang nakasalampak sa sahig kung saan nagkalat ang mga damit nya galing sa bag.

" May extra underwear ka? " tanong nya na nagoakunot sa noo ko.

" Bakit? " tanong ko rin at nagbihis na ng pyjamas at t-shirt.

" Hindi ako nakadala. "

" What? Pinagloloko mo ba ako?"

" I'm serious. " nalaglag ang panga ko.

" Sa laki ng bag mo wala kang naisuksok na underwear dyan?" Di makapaniwalang sabi ko.

" Hihi..ewan ko nga eh. Pano ko ba yun Nakalimutan? " aniya sarili.

" Buti nalang may extra unused undies ako. But wala akong extra bra. " sabi ko at binigay sa kaniya ang tatlong undies.

" It's fine. Undies lang talaga nalimutan ko. Hihi. " sabi nito at agad nagtungo sa banyo.

After we happily ate our dinner ay nagbonding muna kaming tatlo sa sala at nanood ng Kdrama na My Secret Romance.

*beep beep*

Nilingon ko ang cellphone kong nasa table ng tumunog ito. Sino namang magtetext sakin ng halos hating-gabi na?

I reach out my phone and read the message.

From : unknown number

Ms. Beautiful

I stiffened . Isa lang naman ang taong tumatawag sakin ng pangalan nayun.

Siya lang di naman ang nakakapag hurmentado ng buong katawan ko.

- -

Pssh.. I know po lame ng chappy na ito.huhu.. sensya na sabaw ako ngayon. Bawi ako next time pramis.

★_★

Hot Guy 1 : Beaumont Archer StonewellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon