Chapter Two

7 4 0
                                    

Freilla's Pov

" Diyan lang sa may puting gate. " turo ko sa tinitirhan ko. Our house is not big as a mansion . Two storey ito na napapalibutan ng bulaklak. My tita loves flowers kasi . May flower shop suya dito sa village namin.

" Salamat ulit sa paghatid. " sabi ko bago bumaba sa kotse niya.

" Ms. Beautiful wait-! "

" Bakit? " lingon ko sakanya. Bumaba pala ito sa sasakyan niya.

" Uh-ano so-

" Freilla buti at nakauwi kana. Nagkuto ako ng paborito mong-" ani tita na natigil ng makitang may kasama ako.

" -may kasama ka pala." Nakataas kilay nitong sabi.

" Ah, tita si Beaumont po . School mate ko. " sabi ko.

" Magandang hapon po. Inihatid ko lang po si Ms.Be- Freilla. " paliwanag ni Beaumont.

" Salamat kung ganoon hijo. Ang mabuti pa ay sumabay ka na saming kumain ng hapunan. " nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Tita.

" Si-

" Ay naku tita! Mukhang may lakad pa itong si Beaumont. Atsaka maaga pa po para kumain. " pigil ko agad. " Diba? Sabi mo nagmamadali ka?" Baling ko kay Beaumont at pinanlakihan siya ng mata .

" Uh..actually po . Nagugutom na ako. Okay lang po bang makikain?" Kumakamot sa batok nitong sabi sa tita ko.

" Oh sige sige...halika at pumasok na kayo. "

Nalaglag ang panga kong makitang magahawak kamay silang nagtungo sa bahay. Parang close na close ah?

" Freilla! Halika na. Ihanda mo ang ma kubyertos . Nakakahiya sa bisita ang bagal mo. "

Wow ha!

" Opo Tita . Andiyan na. " nakakahiya naman sa bwisita mo.

" Hala. Kain ka lang ng kain hijo. "

" Tita. Nakakahiya. Boyfriend mo? Maka alaga ka. " mahinang bulong ko kay tita. Kulang nalang subuan nya si Beaumont.

" Asuuss..ito naman si Frei. Selos agad. "

Halos mabilaukan ako sa sinabi ni Tita. " Ha? Anong selos? Kug ano ano pinagsasabi mo tita. "

" Oo nga po tita. Baka po gusto nya subuan ko. " Beaumont smirk.

" Hoy! Kapal mo ah? " I glare at him.

" Nga pala Frei. Anong nangyari dyan sa noo mo? "

Nakita kong napatigil si Beaumont sa peripheral vision ko. " Naku tita! May baliw lang na bumato sakin ng bola. "

" Ah..sinong baliw ba Iyan at ng maputulan ko ng ari. Aba, kahit lamok di kita pinadadapuan."

Halos mapatawa akong malakas na napalunok si Beaumont sa harao ko. Tinaasan ko siya ng kilay . Binigyan naman ako nito ng nagmamakaawang tingin. Akala mo madadala mo ako diyan?

" Haha..si Tita talaga. Biro lang po. Nadapa lang po kasi ako sa school. " Oo nadali mo ako sa cute mong mukha! Pakshet.

" Ah..Akala ko nahulog ka at di sinalo nitong gwapo mong...hihihi.." bingisngis ni tita.

" Huwag po kayong mag-alala Ma'am. Pagnahulog man po si Frei. Siguradong sasaluhin ko siya. " bakit parang may ibang kahulugan ang pinagsasabi nito?

" Tita nalang hijo. Pormal mo naman masyado. "

" Okay po Tita. " ngiti ni Beaumont.

" Maraming salamat po sa dinner. Busog na busog po ako. Ang sarap niyo pong magluto. "

Psssh..binobola pa talaga tita ko. Pero totoo namang masarao takaga magluto si tita. Di nga lang ako nagmana .

" Ay naku. Wala yun. Balik ka ulit dito ha? You are always welcome dito samin. "

Ay naku tita... asa pa kayong babalik yan. Mas gugustuhin niyang sa mamahaling restaurant kumain.

" Salamat po. Sige po aalis na ako. " anito at sumulyao sakin.

" Freilla ihatid mo si Beaumont sa labas. " tulak ni tita sakin. Napairao lang ako.

" So..bye? " aniya pagkarating namin sa sasakyan niya.

" Bye. "

" See you tomorrow ,Ms Beautiful. " nagulat akong hinalikan ako nito bigla sa pisngi. At bago pa man ako makareact ay nakaalis na ang sasakyan nito.

Watdahel just happened!?

Hot Guy 1 : Beaumont Archer StonewellWhere stories live. Discover now