Chapter Four

8 3 0
                                    

Freilla's Pov

" Hindi nga ako okay? Harap-harapan nya mismong sinabi sakin na HINDI AKO yun. Okay? HINDI AKO! "

Napatingin ako sa paligid . Napalakas ata boses ko. " Sorry! Nagpapraktis kasi ako. Mag-o audition ako sa theatre club. "

" Bakit parang apektadong-apektado ka ? " nanlalaking matang sabi ni Ally.

" Ha? Anong apektado? Hindi ah? Asa. " irap ko.

" Talaga? Bakit kung makareact ka kanina eh parang feel na feel mo ang kabiguan mo. May pa ' HINDI AKO, OKAY? ' ka pa. " tumataas babang kilay na sabi nito.

" Hay. Ewan ko sayo Ally. Kumain ka na lang dyan! " padabog akong kumain.

" Oy si Beaumont oh? "

Natigilan ako at agad na lumingon sa likod.

" Haha..yan ba ang hindi affected? Narinig mo lang pangalan nya rinig na rinig ko na ang dugdug ng puso mo dito! " tatawa-tawa pa Ito.

" Ah basta! Hindi! Hindi ko sya gusto! Si Sword lang ang crush ko. Period! " madiin kong sabi.

" Hala, wala naman akong sinasabing gusto mo sya. Defensive eh? " aniya ana tumatawa. " Naku , iba na yan friend! "

---

" Bye Frei ! Sigurado ka bang ayaw mong sumabay? Okay lang naman talaga na ihatid ka namin sa inyo eh." Ani Allison. Dumating na kasi sundo nito.

" Di na. Nakakahiya lagi nalang akong sumasabay sa inyo. Mamaya singilin mo ako ng pang gasolina. " iba kasi ang way patungo sa kanila at saamin. Minsan hinahatid nya ako saamin. Ngayon , magje-jeep lang ako . Ayaw ko namang maging abusado no?

" baliw. Hmmm..baka naman ayaw mo sumama dahil si Beaumont ang maghahatid sayo? " nagdududa nitong sabi.

" Hindi no. Loka ka. Sige na . Bye! " kawaykaway ko.

" Fine. Bye! Ingat! " aniya at sumakay na sa sasakyan nila.

Swerte talaga ng mga rich kids eh. Hatid sundo. Ako lang yata ang walang sasakyan dito sa school na ito. Si Tita kasi sinabi ko namang sa public school na ako ipasok , ayaw nya . Gusto niya daw maranasan kong mag-aral sa mga sosyalin.

Kung nagtataka pala kayo bakit si Tita lang ang kasama ko sa bahay. Kasi siya nalang ang natitirang kapamilya ko. My parents died when I was eight years old. Car accident. Tita is my moms sister. Kaya mula noon si Tita na ang kumupkop sakin.

Biyuda na rin kasi si tita. At walang anak. I'm so blessed to have her in my life. She's like my second mom. Itinuring nya akong parang tunay na anak.

Kaya ako nag-aaral ng mabuti para makabawi ako sakanya. Sa lahat ng sakripisyo nya. Promise ko pa sa sarili ko na hindi ako papasok sa mga boyfriend-boyfriend na iyan. Kasi distraction lang ang dulot nyan sa pag-aaral.

Tsaka crush lang sapat na sakin. Masilayan ko lang si Sword ko. Nga pala, miss ko na si crush . Di ko na sya nakita. Yaan na nga makikita ko naman na sya bukas. Friday bukas , meaning P.E. time ! Hihi..

Tumayo na ako sa upuan ng waiting shed ng makitang may jeep nang paparating. Papara na sana ako nang may itim na sports car ang pumarada sa harap ko.

Pakshet naman ito. Ngayon pa talaga titigil sa harao ko ng may jeep na!

Dahan-dahang bumaba ang windshield ng drivers seat.

" Beaumont? " gulat kong sabi.

Hanep lang. Nashades pa ang gagu..anong natira nito?

Hot Guy 1 : Beaumont Archer StonewellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon