Chapter Seventeen

7 3 0
                                    

Halos buong klase ay nakalutang ang utak ako. Di ako mapakali sa upuan ko. Parang may sili ako sa pwer at gustong-gusto ko ng lumabas ng classroom.

" Frei. Relax lang. Para kang natatae dyan." Bulong ng katabi ko.

" Ally. Kinakabahan ako."

" kitang-kita ko nga."

" Pano pag di niya nagustuhan ang surprise ko? Di nya magustuhan na basta lang akong pumapasok sa condo nya?"

" Psh. Di yun no. Baka nga matae yun sa kanya. Relax ka lang. "

" Di panga ako nakapag-isip kung ano ireregalo ko sakanya " sabi ko. " Anhirap mag-isip. Nasa kanya na kasi ata lahat. Sa yaman ba naman nun." Dagdag ko.

" Kahit ano ibigay mo. Matutuwa yun. Dapat na sumaya talaga at masasapak ko sya paghindi. Halos simut ang pinagharapan mong savings para lang sakanya no." Tama sya. Buti nalang talaga at mahilig akong mag ipon. Laya may pambili ako ng ihahanda ko para sakanya at gift narin.

Nang magring na ang bell sign na lunch break na. Agad kaming nagtungo ni Ally sa mall at bumili ng mga Ingredients at balloons narin. Hihi..

" Ako na bahala nito. Maghanap ka na ng e-reregalo mo sa soon to be jowa mo. Text nalang okay?" Sabi ni Ally na nakapila pa sa cashier. Mahaba kasi ang pila at kung hihintayin ko pa ito e makakapos kami sa oras.

" sige. Salamat." Agad akong nagtungo sa isang kilalang shop ng mga damit. Napagpasyahan kong damit nalang ang ireregalo ko. Bahala na.

Tatlong piraso ng damit ang binili ko. Butas bulsa ko sa damit nayun. Pakshet. 2,890 isang damit?! Akin nga eh 50pesos lang. Pero alam ko namang di nagsusuot ng hindi branded na damit yung bofriend ko.At baka mangati oa yun pag binigyan ko ng mumurahing damit.

Dalawang V-neck shirt na kulay royal blue at gray and isang polo. Na naghahalaga ng halos 6,000 pesos higit pa. Mukhang hindi muna ako kakain ng snack sa mga susunod na araw nito.

Pagkatapos ko iyong maipabalot ay pinuntahan ko na si Ally na nasa baba na naghihintay sakin .

" Anong binili mo?"

" Damit lang." Sagot ko.

Tumaas kilay nito. " Magkano? Mukhang mamahalin ah?"

Umiwas ako ng tingin. " Hindi. Sale to. Tara na. Kailangan ko pang magluto."

Nagpahatid lang kami ng taxi papuntang Lexuria Condominium. Isa sa mamahaling Condominiums dito sa bansa. Nalula ako sa taas ng building na ito.

" floor? " tanong ni Ally pagkapasok namin sa elevator.

" 8th floor. " sagot ko.

Kinakabahang pinindot ko ang passcode ng unit. Baka hindi totoo ang sinabi ni Archer sakin. Birthdate ko?

Pero ng bumukas ang pinto ay halos mapasuntok ako sa hangin. Phew! Buti naman.

Namangha ako ng tignan ang paligid. Malinis ito at maganda, malaki at malawak ang espasyo. Pangmayaman talaga. May sala kung saan nadun ang isang couch na mataas at dalawang single couch , carpeted din ito. May malaking flat screen TV. Sa isang banda ay nandun ang mini kitchen . Malinis din ito at naka arrange ang mga gamit. Inilapag ko sa may kitchen counter ang mga groceries na binili namin. May nakita akong isang pinto malapit sa sala. Yun siguro ang kwarto niya.

" Ikaw na dito sa pagluluto ako na ang magsasabit ng mga balloons sa paligid. At baka kapag tumulong pa ako ay masunog pa ang kitchen ni Beau. " tumango ako natawa sa sinabi ni Ally.

Nung minsang sinubukan nya kasi magluto sa bahay nila ay muntik ng masunog ang kusina nila buti at naagapan. Mula noon hindi na sya hinahayaang palapitin ng mommy niya sa kusina para magluto.

Tawa nga ako ng tawa ng e kwento sakin yun ni Tita ang mommy niya. Di ko maintindihan paano nagkasunog e cupcake sana lulutuin nito. At syempre oven ang gagimitin. Yun pala hindi oven gamit ni Ally at sa mismong apoy sya nagluto. Sa isang kalan nya niluto ang kawawang cupcake na may oil. Shet lang. Ano yun? Pritong cupcake?

Anyway. After kung linisan ang shrimp at binalatan , pati narin ang manok ay inahanda ko na. Imamarinate ko pa ito. Aadobohin ko kasi ito. Tapos ang spaghetti naman ay inihanda ko narin.

" Frei. Tapos ko nang ilagay ang mga balloons. Sakit ng lalamunan ko kakablow nun ah? Nga pala. Una na ako at may hihingan pa ako ng tulong."

" Okay Sige. " sagot ko. Busy sa pagluluto.

2 and 1/2 hour passed and I'm done!
Inihanda ko na ang mga pagkain sa lamesa at naglagay ng rin ng mga plato para sa limang tao. Sayang nga di mamapunta si tita . Sinabihan ko ito pero busy daw kasi sa shop.

Napangiti ako ng makita ang mga balloons na nakalagay sa paligid. At letters ballons din doon sa may dingding na nakasulat na
'HAPPY BIRTHDAY ARCHER! '

Now, kailangan ko ng magpalit at pawis na pawis ako. Nakigamit ako ng C.R at dun nagbihis ng isang simpleng pink dress ko na hanggang tuhod.

-

Allison 'Ally' Pov

" Fxck. Anong kalukuhan ba ito? Kailangan ko ngang sunduin si Frei baka kanina pa naghihintay yun."

" Kidlat! Anghel! Pag ako nakawala dito lagot talaga kayo sakin! " sigaw ni Beaumont sa likod ng sasakyan. Katabi nya dun si Laxus at binabantayan baka makawala sa posas. Hindi rin niya alam na andito ako. Baka maghinala.

" Fxck karin dude. Kalma ka lang dyan. Pinasundo ko na si Frei ng driver namin." Ani Laxus.

" Damn! May dinner kami ni Frei ngayon. Yayayain ko pa yun eh! Panira kayo ng moment! Lagot talaga kayo salin kapag nakatakas ako dito Laxus Sancheix ! Martius Angel Montenegro! "

" Putang ina! Hwag mo nga akong tawagin sa buong pangalan ko! Nakakahiya sa isang dilag dito! " mura ni Martius na katabi ko.

Angel huh?

" well done Martius..well done! "

" dilag? What do you mean? May kasama pa tayong babae ? Si Frei ba yan?"

"Hindi-

" Frei? Baby? Ikaw ba yan?"

" But impossible. Hindi ko sya naamoy."

I bite my lips to keep my mouth shut.

" Ano ka aso? Naamoy mo sya? At wala si Freilla dito." Martius.

" Magrelax ka nalang dyan. Birthday boy. At para sayo din naman to. Regalo namin to sayo. " laxus

" Ano? Ano ba tong regalo niyo? Kailangan kidnappin nyo pa ako. " Beau

" sige..bibigyan ka namin ng clue. Sexy to dude! " Martius

" Maganda pa! Siguradong magugustuhan mo to." Laxus

" Ano? Babae? Hindi pwede. Lagot ako kay Freilla nito! Shit! Di pa nga kami ebe-break na niya ako dahil akala nya nagcheat ako. Fxck! " napangiti ako sa sinabi niya. Buti naman at talagang mahal niya ang kaibigan ko.

I'm happy for them. Aba swerte nitong Beau sa kaibigan ko no.

Natawa ang dalawa niyang kaibigan. " Don't worry bro. Di nya malalaman to." Laxus

" Last mo narin to bro. Bago ka matali, patitikimin ka muna ng ibang putahi." Biro pa ni Martius.

" Fxck! Ayaw ko ! Di ko kailangan ng regalo niyong yan. Pakawalan niyo ako. Damn. Fxck you! "

Hot Guy 1 : Beaumont Archer StonewellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon