Chapter Sixteen

8 3 0
                                    

Napakagat ako ng labi ng napatingin ito sa gawi ko. Then he winks.  Nakita ko rin sina Martius at Laxus na naiiling at natatawa nalang sa kaibigan.

Buong laro ay nasa kanya lang ang mga mata ko nakasunod. Whenever he shoots ay tumutingin muna ito sa akin. And my heart melts every time. Halos sabunutan ko na si Ally sa kilig kapag di nakatingin si Archer sakin.

Then the game ended. Of course they won . Nakita kong nag bro-hug sila ng mga kaibigan niya.

" Tara e- congratulate natin sila." Hila sakin ni Ally.

" Huwag na . Mamaya nalang. Magkikita din naman tayo." Pigil ko.

" Biruin mo? Nag-eye glass talaga sya dahil lang sabi mo your into nerdy type.  " kinikilig nitong sabi. Kung alam mo lang ally. " Here he is. "

Lumingon ako sa likod ko. Andun nga ito naglalakad papunta samin kasama ang barkada niya. Nakabihis na ang mga ito at nakaligo natin ata pruweba nito ang basa nitong mga buhok.

" Hey Freilla and Ally. " magkasabay na bati ng dalawang sina Martius at Laxus.

"Hello." Bati ko rin at napatingin sa likod nila kung nasaan si Archer na seryosong nakatitig lang sakin.

" Congrats pala! " " Congrats." Sabay din naming sabi ni Ally.

Ano problema ng lalaking ito?

Seryoso masyado. Di man lang ako binati?

" Buti nalang at dumating itong si Freilla. At mas ginanahan sa paglaro ang kaibigan namin. Nagpapapogi points. " ani Laxus at humalakhak na sinabayan naman ni Martius.

" Shut up guys. " salita niya sawakas.

" Bagay pala sayo mag eye glass Beau." Puna ng kaibigan ko. Napakagat ako saking labi I can feel his intense eyes.

" Hindi nga namin alam anong trip nito at nag eyeglasses bigla. Di naman sira mata niyan." Ani Laxus at tinignan ako ng may pag-aakusa.

" O'nga. Nga pala may gagawin pa ako. Una na kami sa inyo." Martius

Pagkaalis ng dalawa ay sumunod naman si Ally. Walangyang babae talaga yun. Nangiiwan bigla.

Binaba ko ang aking tingin. Di ko kayang makipagtitigan sa mabibigat at nakakawala ng wisyo niyang mga mata.

" Bakit ka naka-eyeglasses?" Tanong ko di parin makatingin sa kanya.

" Bakit? Sobrang gwapo ko ba? "

Hindi ko alam kung seryoso o nagbibiro ba ito.

" Ah...Tara dun tayo sa field.  Malamang andun si ally." Kasi andun rin crush sya. Isang football player pala crush nun. Tindi.

" Hmm. Okay."

" uhmm..tanggalin mo nga iyang glasses mo." Kitang kita ko kasi ang mga tingin ng mga babae sa kanya.  Mas lalo yata siyang gumwapo sa paningin ng madla.

" Why? Bakit, hindi ba bagay sakin?" Napahinto ito.

" Ha? Hindi-

" My Gad Frei. Ikaw yata ang kailangan mag eyeglasses.  Ano ba naman yang mata mo? Anlabo . Mas lamang na lamang pa ang hotness at kagwapohan ko dun kahit nga wala akong eyeglasses. Ano? Crush mo parin yon?
Bubugbugin ko iyon. Walangyang inagaw nya atensyon mo-

" Teka nga! You're overreacting. Crush lang naman. Paghanga. Makareact ka parang nililigawan ko siya."

" No. Hindi pwede. Ako lang dapat. Ako lang ang crush, idol at mahal mo. Ako lang dapat iniisip mo. Ako lang dapat anf gwapo sa paningin mo-

" Oo na. Ikaw lang. Demading mo masyado pakshet ka.Di pa nga tayo." Sabi ko nalang at kinakabahan ako sakanya. Parang mananapak na kasi ito. Hindi sakin kundi kay Sword. Madamay pa yung tao.

Nagliwanag ang mukha nito. " Talaga?"

Umirap ako. Bipolar talaga. " oo na nga. Akin na yang eyeglasses. " lahat ko sa kamay ko. Agad din naman nya itong binigay sakin.

Sinuot ko ito. Wala itong grado of course.

" Lets go." Aya ko.

" Wait."

Nilingon ko sya. " What?"

" Don't wear that." Tinggal nya ito sa mukha ko at tinapon sa malapit na basurahan.

" What the? "

" Better.   Mapagkamalan pa ng iba na couple eyeglass kayo ng sword nayun." Then he smile again." Lets go baby."

- - -

Huwebes ng gabi ay nasa sala lang kami at hinihintay na matapos magluto si Tita ng dinner namin. Nakauwi na ito kanina umaga at bago pauwiin sina Ally at Archer niyaya sila ni tita na dito na magdinner. Pasasalamat narin sa pagsama sakin.

Nakakalungkot nga isipin na uuwi na sila. Back to normal na naman. Sa three days na kasama ko sila sa bahay ay Nasanay na ako.

" Dinner is ready. Halina kayo." Tawag ni tita.

" Opo. " sagot ko.

" tara na . " aya ko sa dalawa.

" Salamat talaga sa pagsama sa pamangkin ko pansamantala. " ani tita.

" Naku tita. Wala po iyon . " Ally

" Tsaka ako po dapat magpasalamat. Salamat po at pinayagan niyo akong makasama si Frei sa iisang bahay. Salamat po sa tiwala." Archer.

" Ang drama mo Archer. " puna ko.

Tumaas ang kilay ni tita. " Archer? Kailan ka pa naging Archer?" Tanong nito kay Archer .

" Ah..Archer po second name ko." Paliwanag niya.

" Ah..ganun. May callsign na kayo ah? Kayo naba?"

" Sana nga po. Kaso pakipot po masyado itong pamangkin niyo." Abat-!

" Ano!?" Pinalo ko ito sa braso.

Tumawa ang dalawang babaeng kasama ko. " Sagotin mo na kasi Frei."

" O'nga. Dun rin naman punta natin, baby. " pagpapacute nito.

" Akala ko ba kaya mong maghintay? Ba't ngayon atat na atat ka na. Minamadali mo ako?" Pagtataray ko. " Di kita sagutin eh."

" To naman. Biro lang. Baka sakaling makalusot." Kamot nito sa batok.

Pabaling-baling ako sa higaan. Halos naikot ko na buong kama ko di parin ako makatulog. Naninibago ako sa kwarto ko. Parang hindi sakin. Pagkapasok ko palang kanina ay nalanghap ko na agad ang amoy ni Archer dito. Namiss ko tuloy sya pati si Ally.

Ganitong oras ay nanonood pa kami ng movie , naghaharutan at nagbibiruan ng parang mga bata.

I hugged my pillow tightly.  Parang yakap ko narin si Archer dahil pati sa unan ko dikit na dikit ang amoy nya. Hayss..Kailangan ko ng matulog at baka magka eyebags pa ako bukas. And thats a No No.  Dapat maganda ako bukas at Kailangan ko ng energy para sa paghahanda ng surprise ko sakanya bukas. Im ao excited.

Atsaka ajasfqtoojvghnsk sjjajajavahav ahuaab. Ajaj

ZZZZzzzzzzzzzz....

Hot Guy 1 : Beaumont Archer StonewellWhere stories live. Discover now