Chapter Twenty-Three

7 2 0
                                    

Hello ^.^   

Hope you enjoy! :*

- - -

Napagpasyahan naming magdate sa beach ngayong araw at alam naming maraming tao ngayon sa mall kasi weekends.  Para maiba narin.

Picnic in the beach. Diba? Ang sweet..hihi. Of course naman nagselfie kami no at ni-post ko ito agad sa Facebook ko. Haha..siguradong marami na naman akong likes nito. Joke..mga angry at sad emoticons pala. Harhar.

Caption :

   Picnic date in the beach with boyfie Beaumont Archer Stonewell .

#happygirlfriend

Bwahaha..mainggit kayo. FY sa grupo ni Ma-kathy. FY!!

Talagang in-addfriend ko sila sa facebook ko para inisin. Hehe..ang bad ko ba?

" Aaayyy!!! Hahahah-st-hahah..s-st-too-op !! Haaha..hihi..ti-hahagil! " shit sakit ng tyan ko sa kiliti nya sakin.

" Yan bagay sayo. Kanina ka pa dyan sa phone mo. Ano? Kayo ba ang magboyfriend? "

" Sorry na . Saglit lang naman eh."

" Sus..hala kayo nalang ang magdate dyan. Maghananap din ako ng akin. Hmp! " pagtatampo parin nito at umalis papunta malapit sa dagat.

Nangingiting pinuntahan ko ito. Nakaupo ito sa buhangin nakaharap sa dagat

" ....ganda mo . Tapos ang cute mo pa. Tayo nalang ah? Tayo nalang magdate."

Nangunot ang noo ko. Sino kausap nito? 

Galit akong pumunta sa harapan nya. Ang Kapal nitong iwan ako doon at makipag-usap sa pho- Starfish!?

Laglag panga kong tinignan ang starfish na kinakausap nya at sakanya.
Kumain naman kami kaninang umaga ah!?

" Oh. Anong gawa mo dito. Alis ka . Nagda-date kami dito.  Dun ka sa cellphone mo. " sabi nito sakin bago bumaling sa starfish . " Buti pa ikaw sakin lang nakatingin. Nasa sakin lang atensyon mo. Lab na lab mo ako talaga- " kausap nito dito.

Hindi ko alam kong matatawa ba ako o magagalit sa inaasta nya. And I choose the latter.

" So ganun? Sige dyan ka makipagdate. Tignan natin kung mabibigyan ka ng kiss nyan." Inirapan ko ito at nag-walk out.

Ano bang pinuputok ng butse ng lalaking iyon eh halos 30seconds lang naman akong napahawak sa phone ko eh.

Yakap nya galing sa likod ang nagpatigil sakin. " To naman.Biro lang eh."

" Hmp! Mukhang mas enjoy ka kadate yung starfish eh dun ka na " pilit akong kumakawala sa bisig niya ngunit mas hinigpitan lang nya ang yakap sakin.

" Alam niyo ang unfair niyong mga babae. "

" Paano ? " mataray kong tanong.

" Kasi kapag kayo ang nagagalit nilalambing nakin kayo. Pero pag kaming lalaki ang nagalit eh magagalit din kayo? Asan hustesya!? "

" Eh talagang ganun.  Sorry ka na lang at lalaki ka. Atsaka sinisigawan mo ba ako!?"

"Ah-? H-hindi ah..mabuti pa maligo ka na. Init ng ulo mo baby. " bago pa man ako makareact ay kinarga na ako nito na parang sako sa balikat nya at tinapon sa dagat!

" aaaahhh!! Asfasgjs..watdahel!? " gigil kong sigaw ngunit ang damuho tinawanan lang ako!?

Ah ganun ah!? Lumapit ako sakanya ngunit madali itong tumakbo palayo sakin.

" Come here." Seryoso kong sabi.

" No. I know what you're planning to do. Na-uh. " ngisi nito.

" Ayaw mo talaga? "

" Ayaw."

" Talaga?"

" Talaga. "

" Ayaw mo talagang lumapit? "

" Ayaw."

" Huwag kang lumapit sakin."

" Okay. Hindi."

" Lumapit ka."

" Hindi ako lalapit."

" edi wag! Dyan ka lang. "

" okay. Dito lang ako. Madali akong kausap "

" Break na tayo."

"Break- wait- WHAT!? "

Tinaasan ko sya ng kilay. " lalapit ka o lalapit ka? "

" To naman di mabiro . Kanina ko oa gustong lumangoy eh. Ito na ko!! "

SPLASSSHHH!!!!! (Tunog po iyan ng paglangoy sa dagat. ^-^ )

Halos isang oras kaming lumangoy , nagharutan, nagsabuyan at naghabulan sa dagat. Nang ginutom ay kinain na namin ang binili naming pagkain at di namalayang nakatulog pala kami sa buhangin.

" Tawag ako mamaya okay? " aniya pagkarating namin sa bahay ko.

" Okay. Bye ingat sa pagdadrive." I kissed him on the cheecks before going out on his car.

" Tita? " tawag ko kay tita ngunit walang sumagot.  Asan ba iyon. Pumunta akong kusina at baka andun sya. Pero wala imbis ay may nakita akong mga gamot doon. Kanino naman ito?

Kay tita ba to? Hindi naman ito vitamins ah.

" Andyan ka na pala Frei. Musta lakad niyo? "

" Oh..tita. Ah okay lang po. Sobra akong nag-enjoy sa private beach nila Archer. " kwento ko.

Parang namutla ito ng makitang hawak ko ang mga gamot na nakita ko." Sayo po ba to tita? Para-

" H-hindi! Sa kakilala ko ito. P-pinapabili lang sakin. " dali niyang hinablot iyon sa aking hawak.

Ohkay? Ako lang na o parang may kakaiba....

Hot Guy 1 : Beaumont Archer StonewellWhere stories live. Discover now