Teaser

3.6K 83 0
                                    


Dahil sa malubhang karamdaman ng ina ni Jashael ay nagpasya siyang hanapin ang lalaking matagal na nitong gustong makita-ang una at totoong lalaking minahal nito na si Martin Dorshner. Ngunit sa kanyang paglalakbay para hanapin ang lalaki ay muntik na siyang malagay sa panganib, mabuti na lang at agad siyang nailigtas ng isang makisig na binata.

Nakilala niya si Radius, ang lalaking nagsalba sa kanya mula sa panganib. Napag-alaman niya na katulad nito ay naglalakbay din ito para harapin ang tribong dahilan kung bakit nawala ang pamilya nito.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay pareho din sila ng lugar na tatahakin kaya nakiusap siyang sumama na lang dito. Naging magkaibigan sila ni Radius at doon din niya natuklasan ang umuusbong niyang damdamin para sa guwapong binata ngunit hindi niya 'yon maaaring pagtuunan ng pansin dahil may misyon pa siyang hanapin si Martin.

Ngunit nang malagay uli ang buhay niya sa panganib ay muli siyang iniligtas ni Radius-pero nagulat siya nang bigla na lang itong nagpalit-anyo. At mas napatunayan niya na sa mundong ito, bukod sa kanilang mga tao ay may iba pang mga nilalang ang naninirahan dito.

Region of the Wolves (COMPLETED)Where stories live. Discover now