9

1K 39 0
                                    

NAPALUNOK nang mariin si Jashael habang paatras siya nang paatras sa mga malalaking puting lobo, na dahan-dahan ding lumalapit sa kanya. Nanginginig ang buong kalamnan niya at halos manlambot ang mga tuhod niya dahil sa labis na kaba ngunit hindi ito ang panahon para maglupasay na lang siya sa tabi dahil sa takot, naroon siya para sa isang misyon at kailangan niyang magpakatatag.

Nakatutok pa rin ang matulis na kahoy sa dalawang malalaking puting lobo habang nakatitig siya sa nakakatakot na mata ng mga ito. Bukas pa ang full moon, excited naman yatang magsilabasan ang mga nakakatakot na lobong ito.

"H-Hindi ko naman balak mang-istorbo talaga e, promise, may kakausapin lang akong tao tapos aalis din ako." aniya, saka siya nagtaas ng kanang kamay na may hawak na matulis na kahoy para pangako, ngunit mabilis na umangil ang dalawang malalaking lobo dahil marahil akala ng mga ito ay gagawa siya nang hindi maganda. "H-Hindi ko kayo sasaktan, kaya huwag n'yo rin akong saktan." Pakiusap niya.

Ngunit dinig na dinig pa rin niya sa kabilang bahagi niya ang angil at salpukan ng dalawang malalaking lobo na naglalaban. Hindi na rin niya kailangang isipin kung sino ang kakampi ng dalawang malalaking lobo sa kanyang harapan, dahil halata naman sa kulay ng mga balahibo at galit ng mga ito sa pagte-trespass niya. Mukhang hindi siya matutulungan ng malaking kulay abong lobo dahil hirap din ito sa kalaban nito, pero paano na lang siya kontra sa dalawang kaharap niyang mababangis na lobo?

Muling lumapit ang dalawang malalaking puting lobo sa kanya at akmang aatras uli siya nang maramdaman niyang lumapat na ang likuran niya sa isang malaking puno—na-korner na siya ng mga ito. Katapusan na ba niya agad? Masyado ba talaga siyang nagpadalus-dalos kung bakit nalagay ang buhay niya sa ganitong sitwasyon?

Saglit siyang napapikit at napailing. Ngayon lang niya napagtanto na masyado pala siyang atat sunggaban agad ang mga bagay-bagay, kaya sa huli ay nagiging epic fail lang ang lahat.

Padalus-dalos na ang ugali niya, eversince, mabuti na lang at hindi siya palasukong tao. Pero ginagawa niya ang lahat ng ito para sa mommy niya—dahil wala na itong sapat na panahon para maghintay sa lalaking gusto nitong makita, kaya hindi na siya nagpapigil kanina kay Radius.

Radius, nasaan ka ba? Tulungan mo ako! Anang isip niya. Pero may magagawa din ba ang lalaki sa dalawang malalaki at mababangis na lobong ito? Eh, pangil pa lang ng mga ito ay halos himatayin na siya. She needs silver bullet—'yon 'yong nabasa niyang makakatalo sa mga taong-lobo, pero paano naman siya magkaroon ng baril na may silver bullet?

Silver bullet—teka, puwede kaya 'yong silver knife na dala niya?

Inipit niya ang matulis na kahoy sa pagkabilang hita niya at saka mabilis na kinapa sa bulsa ng bag niya ang silver na punyal at agad namang nakuha 'yon. Muli niyang hinawakan ang matulis na kahoy kasama ng silver na punyal at itinutok sa dalawang malalaking lobo na no'n ay parang hindi na makatiis para lapain siya, panay ang angil ng mga ito sa kanya.

Nanlaki ang mga mata niya nang biglang tumalon ang isang lobo para sugurin siya kaya napasigaw siya at napapikit sa labis na kaba—pero agad din siyang napamulat nang makarinig siya nang malakas na pagbagsak. Nakaibabaw ang malaking kulay abong lobo sa lobo na susugod sana sa kanya, nakaangil naman ang isa pang lobo sa kanya.

"S-Sige, lumapit ka pa, hindi ako mangingiming sasaksakin ka nitong silver na punyal na hawak ko, magaling din ako sa fencing kung hindi mo alam." Aniya, na natutunan lang niya dahil sa panunood n'yon sa youtube. Mas lumakas na ang loob niya dahil sa kulay abong lobo na nand'yan para protektahan siya, pero mukhang pagod na pagod na ito at nanghihina.

Region of the Wolves (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora