15

1K 39 0
                                    


"KAYA PALA ang lakas niya sa pakikipaglaban sa mga lalaking goons last time, ang lakas din ng pakiramdam niya, ang bilis niyang kumilos, ang talas ng pang-amoy niya, nakita ko din na gamit niya ang bracelet na ibinigay ko no'n sa lobo at ang pagbabago ng kulay ng mga mata niya dahil... isa pala siyang lobo, taong-lobo." Amazed na konklusyon ni Jashael sa sarili saka niya binalikan sa alaala 'yong mga time na nagpapahiwatig ang binata sa pagiging kakaibang nilalang nito. Hindi pa rin talaga siya makapaniwala.

Nasa labas siya no'n ng bahay nina Jacobo para magpahangin, alam niyang mga taong-lobo ang nakatira sa paligid ngunit ang sabi nga ni Radius ay mababait ang mga ito kaya hindi niya kailangan matakot.

At kung gano'n, mga puting lobo ang umalipin sa ama nito na kailangan nitong tugisin para mailigtas ang ama, pero parang sa dami yata ng mga puting lobo sa pamumuno nang narinig niyang si Lycaon, mukhang mahihirapan sina Radius na mailigtas ang mga ito.

At paano kung ang mga alipin ang makakalaban nila? Mga kauri din nila ang makakaharap nila, na dapat ay inililigtas nila. Kailangan niyang mag-isip ng paraan dahil isa rin siya sa makikinabang dahil mukhang naroon din si Martin kung saan naroon ang ama nito—nakita niya kanina 'yon sa reaksyon ng matangkad na lalaki at ng matandang lalaking nagbabantay ng gate.

"Teka, may napanood na akong ganitong eksena, ah," saka niya inalala ang movie na napanood niya kung saan sa sobrang dami ng kalaban ay nakaisip ng paraan ang bida kung paano mababawasan ang dami ng kalaban; naglagay ito ng pampatulog at pampatae sa pagkain ng mga kalaban! "Tama! 'Yon na nga ang gagawin namin!" malakas na sabi niya na halos maglingunan pa ang mga nasa paligid kaya humingi siya ng paumanhin sa mga ito.

Dali-dali siyang tumayo sa kinauupuan niya para pumasok sa loob ng bahay, sa pagkakaalala niya ay may dala siyang mga gamot na makakatulong sa kanila, na laman ng medicine kit niya. Actually, hindi naman 'yon pampatulog pero may side effect na pampatulog; Antihistamines 'yon, na gamit niya para sa allergic rhinitis niya. Antiemetics, just in case mahilo lang siya sa biyahe. For colds medicine at laxatives dahil madalas siyang kino-constipate.

Ayos! Kumpletos rekados pala siya, e. Sana lang ay umepekto 'yong plano niyang 'yon, gayunpaman, kailangan pa rin nilang mag-isip ng Plan B at Plan C sakaling hindi umepekto ang Plan A niya.

Excited na siyang i-suggest kay Radius ang naisip niyang plano mula sa movie na napanood niya, pinihit niya pabukas ang pintuan ngunit napatigil siya sa pagpasok sa loob ng bahay nang makita niyang nakayakap si Semira mula sa likuran ni Radius. At sa pagkakakita sa eksena ng dalawa ay halos tumigil ang pag-ikot ng mundo niya at napako ang kanyang mga paa sa kinatatayuan niya. Nakatalikod ang dalawang ito mula sa pintuan kung nasaan siya.

"Mahal na kita, Radius, hindi kita kayang kalimutan at lalong hindi ko kayang balewalain ang nararamdaman ko para sa 'yo." Madamdaming sabi ni Semira sa binata.

Mabilis tinanggal ni Radius ang kamay ng dalaga saka ito bumaling kaya mabilis siyang nagtago sa likod ng pintuang no'n ay nakaawang lang nang kaunti.

"Pasensya na Semira, pero masyado kang bata para sa akin." Sagot ni Radius.

"Bata?" narinig niyang tumawa ng pagak si Semira. "Nasasabi mo 'yan sa akin dahil hindi mo ako gusto pero bakit hindi mo 'yan nasasabi sa sarili sa tuwing tinititigan mo nang kakaiba si Jashael? Sa tuwing nilalapitan at kinakausap mo siya na para bang siya lang ang taong nabubuhay sa mga mata mo?"

Kumabog ang puso niya sa narinig ngunit nanatili lang siya sa kinatatayuan niya habang nakikinig sa dalawa. "Ano'ng sinasabi mo, Semira?"

"Ayoko mang isipin at aminin pero kahit ano'ng lihim ang gawin mo, nahahalata pa rin, Radius, nahahalata na may damdamin ka para kay Jashael, na mahal mo siya kaya hindi mo mapagbigyan ang damdamin ko." Anito na ikinalaki ng kanyang mga mata at pagrambulan ng mga paru-paru sa kanyang sikmura.

Region of the Wolves (COMPLETED)Where stories live. Discover now