17

928 40 0
                                    

"NAKAHANDA na ang nadurog na mga gamot pampatulog at pampatae na ihahalo nila sa pagkaing lulutuin para sa mga puting lobo. Sana ay gumana ang Plan A natin dahil kung hindi ay kailangan nating gamitin ang Plan B; na masyadong mapanganib at pisikal." Ani Radius sa kanila.

Ayon daw sa isang source nina Jacobo, na isang abong lobo na mandirigma sa kampo ni Lycaon, may aliping tagapagluto ang mga puting lobo, at mamaya habang magluluto ito ay dadalhin nina Jacobo ang gamot na 'yon sa nakausap na alipin para ihalo sa pagkain at pagkatapos umepekto ang mga gamot ay saka sila palihim na papasok sa loob. May mga kakilala sina Radius na mga alipin sa loob na tutulong sa kanilang magligtas ng ibang mga kasamahan lalo na ang mga babaeng alipin at pagkatapos ay magpapakalayo na sa lugar na 'yon.

May balita na sila tungkol sa kinaroroonan ng ama ni Radius pero nakakalungkot lang dahil wala pa ring balita tungkol sa taong hinahanap ni Jashael. Naisip tuloy niya, paano kung patay na pala ito?

"Palihim tayong papasok sa kampo pagkatapos umepekto ang gamot na inilaho sa kanilang panghapunan. Siguro sa dalawang malalaking kaldero ay aabot ng mahigit limampung katao ang makakakain, at madami na rin 'yon na mawawala sa puting lobo, ang kaso kailangan pa rin nating mag-ingat sa iba." Ani Radius saka ito bumaling sa dalawang lalaking kaibigan. "Kayo nang bahala sa iba pa nating mga makakasama."

Sa pagkakaalam niya ay ininsayo ng mga kaibigan ni Radius ang mahigit dalawampung abong lobo na makakasama sa pagsalakay sa lugar ni Lycaon para magligtas ng mga kasamahan.

Bumaling sa kanya si Radius. "At dito ka lang sa bahay."

"Alam kong ayaw mo akong mapahamak pero gusto ko din sumama. Promise hindi na ako gagawa ng kapalpakan." Nagsusumamong sabi niya.

Hindi ito agad nakasagot sa kanya kapagdaka'y napabuga ito ng hangin at napailing. "Basta lagi ka sa tabi ko." Anito. Ngumiti naman siya at agad na tumango-tango sa lalaki.

"Asus! 'Yon lang pala ang kailangan, lalanggamin yata tayo sa ka-sweet-an ni Rad," natatawang sabi ni Jacobo. Napailing na lang si Radius dito.

AYON SA isang source nina Radius sa forbidden forest ay naipamigay na daw ang mga pagkain sa animnapu't isang mga tauhan ni Lycaon at hinihintay na lang ang pag-epekto ng mga gamot. Magbibigay na lang daw nang hudyat ang isa sa mga kakilala nina Radius sa loob para makapasok sila. Nakahanda na rin ang mga magagamit nilang armas kung sakali mang magkagulo pero hangga't maaari ay hindi sila pahuhuli.

Gumuhit din sila sa kanilang mga braso ng simbolo ng pagkakaalipin para hindi mahalata nang sinuman na hindi sila alipin at makagala sila sa loob. Huwag daw siyang hihiwalay kay Radius dahil malakas ang pang-amoy at pakiramdam ng mga lobo sa mga hindi kauri.

Pagsapit ng alas siyete ng gabi ay narinig na ang napakalakas na alulong na palantandaan na maaari na silang pumasok sa loob. Maingat silang pumasok sa kampo ni Lycaon, at nakita nilang nagkakagulo na sa loob; may mga masakit ang tiyan na pumaparoon at parito, at ang iba naman ay knockdown na! Sinamantala na nila agad ang pagkakataon 'yon.

Nagkahiwa-hiwalay ang magkakaibigan at siya ay kasama si Radius para magpatakas ng mga abong alipin lalo na ng mga kababaihan, nag-iingat naman sila para sa mga puting lobo na hindi nabahagian ng pagkaing nahaluan ng gamot. Abala din si Jashael no'n sa pagtingin ng mga mukha ng naroon dahil baka isa sa mga ito ay si Martin.

Nagulat siya nang biglang may malaking lalaki ang humarang sa kanilang daraanan kaya mabilis siyang hinila ni Radius sa tabi nito. Nakita niyang sinusuri sila ng lalaki hanggang sa madako ang mga mata nito sa simbolo sa kanilang braso.

Region of the Wolves (COMPLETED)Where stories live. Discover now