19

990 34 0
                                    


"'TAY!" sigaw ni Radius sa malakas na pagbagsak ng kanyang ama. Akmang sasakluluhan niya ito ay may dalawa pang mga puting lobo ang sumugod sa kanya dahilan para hindi niya matulungan ang ama.

Siguro ay nasa daan na para tumakas sina Jashael at David, sinabi niya sa mga ito na magkita na lang sa lungsod kung saan sila unang nagkita ng babae dahil kailangan pa niyang iligtas ang kanyang ama at ang iba nilang kasamahan. Saka na lamang nila pag-uusapan ang tungkol sa totoo niyang pagkatao at pinagmulan.

Mabilis siyang nagpalit-anyo bilang taong-lobo saka sinugod ang dalawang puting lobo. Bumagsak ang isa kaya binalingan niya agad ang isa para patumbahin. Sa buong buhay niya ay hindi pa siya nakakapatay nang mababangis na kauri niya pero baka hindi niya mapigil ang sarili ngayon?

Napabagsak niya ang isa pa niyang kaharap kaya mabilis siyang bumaling sa ama, pagod na pagod na ang histura nito, masyado yatang malakas ang kinaharap nitong lobo. Akmang tutulungan niya ang ama nang muling may dumating na isa pang malaking puting lobo. Napamura siya bago binalingan ito.

Bumagsak siya sa unang pagtutuos nila ng kadarating na puting lobo, malakas ito kumpara sa naunang dalawa. Mabilis siyang tumayo para sumugod ngunit napatigil ito nang makita ang puting marka sa kanyang noo. Mabilis itong nagbagong-anyo bilang tao saka ito lumuhod sa kanya. Nagtataka siyang napahinto bago unti-unting nagbagong-anyo.

"Ano'ng nangyayari sa 'yo?" tanong niya sa nakaluhod na lobo.

"Isa ka sa kanila." anito. Saka ito tumayo. "Kung maaari ay sumama po kayo sa akin."

"Ano?" naguguluhang sabi niya.

Naagaw ang atensyon niya nang may malakas na umangil sa likuran ng lobong kausap niya at nanlaki ang kanyang mga mata nang susugurin ng malakas na lobo ang ama niyang nakahandusay sa sahig. Akmang tatakbo siya para tumulong nang bigla na lang may sumigaw at agad na nakalapit sa kanyang ama—at nalamayan na lang niyang si Jashael 'yon na hawak ang isang pilak na punyal na noon ay nakatarak na sa dibdib ng kalaban ng kanyang ama.

"Sa daang ito..." agaw atensyon ng lalaking lumuhod sa kanya kanina.

"Ano'ng pinagsasasabi mo?" naguguluhang tanong niya.

"Ang puting hugis diyamanteng nakaguhit sa ulo mo ay hindi pangkaraniwan at dalawang taong lobo lamang ang kilala kong nagtataglay ng ganyang simbolo; si Lycaon at David, kaya sumama ka sa akin para makilala si Lycaon."

"Hindi ako sa sasama sa 'yo, nasa panganib ang tatay at kaibigan ko!" sigaw niya at akmang dadaluhan ang dalawang mahal sa buhay nang mabilis siyang sinikmuraan ng lalaki kaya nanghina siya saka siyang mabilis binuhat.

Dahan-dahan siyang bumaling sa dalaga. "A-Ano pang ginagawa mo dito, Jash?" nanghihina niyang tanong sa dalaga.

"R-Radius!" sigaw nito at akmang susunod sa kanya para iligtas siya ay nakabangon na uli ang mga lobong nakasagupa niya kanina.

Bago pa siya nawalan nang malay ay nakita niyang nakikipaglaban na din si David sa mga puting lobo na kauri nito.

NAGISING si Radius sa malumanay na paghaplos sa kanyang pinsgi, kapagdaka'y namulatan niya ang isang matandang lalaki na marahil nasa lagpas saisinta ang edad, na nasa kanyang harapan. Marahil ay ito na ang pinuno ng mga puting lobo na si Lycaon, na ngayon lamang niya nakita nang personal.

"Balita ko ay may puting hugis diyamante ka sa ulo mo," bungad nito. "Sabihin mo sa akin, saang lahi ka nagmula?" anito.

Mabilis siyang napaupo sa kinahihigaan. "Pakawalan mo ako ngayon din, pati ang tatay ko at iba pang inalipin n'yo dito!" matapang na utos niya.

Region of the Wolves (COMPLETED)Where stories live. Discover now