Rawr 5

1.1K 45 0
                                    

FLASHLIGHT, first aid kit, powerbank, toiletries, cellphone, ipod and headset, compass, pagkain, tubig, mga damit at undies, katamtamang laki na tent, maliit at silver na punyal na ibinigay no'n ng daddy niya sa kanya para sa kanyang self-defense at sympre pa ay ang crucifix na iniregalo sa kanya nang namayapa niyang paternal grandparents, just in case lang na totoo ngang may makasalubong siyang mga maligno sa daan o kung lobo man ay mayroon din siyang matulis na kahoy na nasa loob ng bag niya. Inihanda niya ang lahat ng mga kakailanganin niya kagabi para ngayong araw.

Inihatid siya ng tita at ni Quinn hanggang bus terminal ng mag-aalas diyes nang umaga at sumakay siya agad ng bus pa-Norte, sa bayan ng Calanga at mula doon ay sasakay muli siya patungo sitio Don Juan, wala kasing sasakyan na dumidiretso sa lugar na 'yon dahil magubat at bulubundukin.

Sa bandang likuran na lang ang bakanteng upuan sa bus kaya mabilis na siyang pumuwesto sa second to the last na row. Ang weird pero nakaramdam siya ng excitement sa gagawin niyang ito, mahilig naman siya sa adventure kaya hindi dinadaga ang dibdib niya, though kailangan talaga niyang patatagin pa lalo ang loob niya dahil medyo risky ang gagawin niya at hindi niya alam kung ano'ng panganib ang naghihintay para sa kanya—pero para sa kanyang mommy ay gagawin niya ang lahat mahanap lamang si Martin, umaasa siyang sana ay makita niya ito kaagad.

At habang inaayos niya ang malaking back pack ay bigla na lang napigtas ang crucifix na suot niya kaya bigla siyang pinangambahan, hindi kaya nagbabadya 'yon nang panganib? Mapagpaniwala din kasi siya sa sabi-sabi, pero napailing-iling siya. Mabilis niyang inayos ang bag saka isa-isang pinulot ang mga beads na gumulong sa aisle ng bus na sinasakyan.

Akmang kukunin niya ang isang bead ng may agad na pumulot n'yon at inabot sa kanya. "Salamat." Aniya, saka siya bumaling sa taong nag-abot n'yon. Isang lalaki. Isang pamilyar na lalaking may maamo at guwapong mukha na parang nakita na niya dati sa kung saan.

Tinulungan pa siya ng lalaki para pulutin ang iba pang mga beads na nagkalat sa aisle. Nang mapulot na nila lahat ay bumalik na siya sa kanyang upuan samantalang ang lalaki namang tumulong sa kanya na may suot ring malaking back pack ay pumuwesto sa likurang bahagi niya.

Pagkatapos niyang isiksik sa bulsa ng kanyang bag ang napigtas na crucifix ay muli niyang binalingan ang lalaki, seryoso pa rin ang mukha nito at wala siyang anumang mabasang emosyon dito. Pero pamilyar talaga ang mukha nito sa kanya.

Nang balingan siya nang lalaki dahil naramdaman nitong nakatitig siya ay mabilis siyang nag-iwas ng tingin at agad na isinuot ang headset na kunwari ay nakikinig ng music. Pero ayaw pa rin lubayan ng lalaking 'yon ang isipan niya dahil sobrang malapit na niya itong maalala. Napapikit na lamang siya at inabala ang sarili sa kanta sa ipod niya.

Ilang sandali pa ay tuluyan na ring umandar ang bus. Habang abala siya sa pagsabay sa kanta mula sa kanyang ipod ay sumisingit pa rin ang lalaki sa isipan niya hanggang sa napapitik siya sa ere dahil natatandaan na niya kung saan niya ito nakita at kung paano ito naging pamilyar sa kanya.

Hinding-hindi siya maaaring magkamali, natatandaan na niya ang maamo at guwapo nitong mukha—ang lalaking ito ay walang iba kundi ang lalaking tumulong sa kanya last time sa mga snatchers-slash-goons!

Muli siyang bumaling sa lalaking nasa likurang bahagi niya na no'n ay nakapikit habang nakatakip ang mukha nito ng suot nitong sombrero. Hindi pa siya nakakapagpasalamat dito nang mas maayos.

Mabilis siyang tumayo sa kinauupuan niya at nakiusap sa lalaking katabi ng knight and shining armour niya na kung maaari ay magpalit sila ng puwesto, na mabilis namang sinang-ayunan ng lalaki.

Region of the Wolves (COMPLETED)Where stories live. Discover now