18

916 43 0
                                    


"Sige na!" sigaw nito saka ito may mabilis na ibinigay sa anak. "Kuwintas 'yan na simbolo ng lakas at kapangyarihan, kayo lang ng totoo mong ama ang nagmamay-ari n'yan, bigay 'yan sa akin ng totoo mong ina, na itinago ko nang matagal para ibigay sa 'yo kapag lumaki at nagkaisip ka na." Parang sapphire stone ang pendant ng kuwentas.

"T-Totoong ama? Naguguluhan po ako, 'tay!" ani Radius na napapakunot-noo sa pagtataka.

"Mamaya na ako magpapaliwanag sa 'yo, pagkatapos ko sa isang 'to." Sigaw nito saka ito mabilis na nag-transform sa abong lobo na may pulang mga mata. Nakarinig siya nang malakas na pag-angil ng dalawang mababangis na lobo.

"Sumunod ka sa amin agad, 'tay!" sigaw ni Radius saka nito mabilis na isinuot ang kunwintas, pero halata sa mukha nito at kalituhan at gulat sa nalamang rebelasyon. Hindi ito totoong anak ng mga nakilala nitong magulang!

Patakbo nilang tinungo ang kuwartong sinabi ng tatay ni Radius. At doon nga ay natagpuan nila ang kuwartong sinabi ng tatay nito; may bakal na nakalagay sa unahan ng pintuan na nakadandado ngunit may katamtamang butas sa gitna ng bakal at pintuan para maglagay ng pagkain doon.

Nang makalapit sila doon ay mabilis silang kumatok sa loob. "Martin, nand'yan ka ba sa loob?" aniya, saka niya naalala na iba nga pala ang pangalan nito. "David!" sabay katok niya sa kuwarto. Walang sumagot kaya sumilip sila sa butas at nakita nila ang lalaki na nakasilip sa bintana na wari niya'y napapalibutan din ng rehas na bakal. Napakasama ng nagkulong sa lalaking ito!

"David!" malakas na sigaw ni Radius at doon nga tuminag ang lalaki at mabilis na bumaling sa kanila. Nakita nila ito agad; maamo ang hitsura nito, matangkad at kahit siguro nasa late forties na rin ito tulad ng kanyang ina ay napakatikas pa rin ng tindig at guwapo, parang may kahawig...

"Sino kayo?" tanong ni David na buong-buo ang boses. Nasiyahan siya dahil nasa hararapan na niya ngayon ang one great love ng kanyang ina.

"Ako si Radius at kasama ko si Jashael," sagot ni Radius.

"Anak ako ni Annie Lou Salonga, 'yong babaeng nakilala mo twenty years ago—"

"A-Anak ka ni Annie?" putol nito sa sinasabi niya. Tumango-tango siya sa lalaki at napangiti, tulad ng mommy niya ay mukhang hindi pa rin nito nakakalimutan ang babaeng minahal nito. "B-Bakit ka nandirito? Paano mo ako nahanap? Si Annie?" sunod-sunod na tanong nito.

"Nandito ako ngayon sa harapan mo dahil hinahanap kita, malubha na ang karamdaman ni mommy at ang huling kahilingan niya ay ang makita kang muli."

"A-Annie..." malungkot itong yumuko.

"Kaso paano ka makakatakas dito?" sabay tingin sa malaking kandado. Nagpaalam saglit sa kanila si Radius. "Gusto kang makita ni mommy, at alam mo bang kailanman ay hindi ka niya nakalimutan."

Nalungkot ang hitsura ng matandang lalaki. "Ako man ay hindi ko siya kailanman nakalimutan," sagot nito. "Kinailangan kong umalis no'n at iwan siya dahil natatakot akong malaman niya ang totoong pagkatao ko, na baka katakutan niya ako at masaktan lamang ako sa huli. Saka hindi rin nababagay ang katulad ko sa kanya, magkaiba kami ng lahi."

Nasaktan siya sa sinabi nito. Parang sinasabi nito na hindi rin sila nababagay ni Radius sa isa't isa dahil sa mga lahing pinagmulan nila. Hindi siya nakaimik sa sinabi nito. Nagulat siya nang pagbalik ni Radius ay may dala na itong palakol.

Kitang-kita niya ang determinasyon ng binata na masira ang kandado at labis siyang nagpapasalamat sa tulong nito at ng ama nito. Hanggang sa ilang minuto din ay nasira nito ang pintuan. Mabilis nitong binuksan ang bakal na pintuan at malakas na sinipa ang sunod na pintuan hanggang sa mabuksan 'yon.

"Tumakas na kayo habang wala pa ang mga bantay dito, kung maaari ay sa ligtas kayo dumaan, sige na! Babalikan ko si Tatay." ani Radius sa kanila ni David. Akmang tatalikod na ito nang mabilis itong naharang ni David at napatingin sa suot na kuwentas ng kaibigan.

"S-Saan mo 'yan nakuha?" tanong ni David kay Radius.

Hindi agad na nakaimik si Radius bago sumagot. "Ang sabi ni Tatay ay ibinigay daw ang kuwentas na ito nang totoo kong ina sa mga taong umaruga ang nagpalaki sa akin."

"Sino ang 'yong totoong ina?" tanong ng matandang lalaki.

"Hindi ko po kilala, kabibigay lang po ito ng aking ama."

"Sino ang 'yong ama?"

"Si Rufus Alicante."

"Dalawang tao lamang ang nagmamay-ari ng ganitong uri kuwentas; ang isa ay sa namayapa kong kasintahan at ang isa naman ay nasa akin," inilabas nito ang suot na kuwentas na ikinagulat nila. "At ang kuwentas na 'yan ang ibinigay ko kay Serena, ang babaeng tumulong sa akin para alisin ang aking kalungkutan mula sa babaeng una at totoo kong minahal. Isang abong lobo si Serena at dahil doon ay agad kaming pinaghiwalay ng aking ama dahil hindi kami magka-uri ay ibinigay ko 'yan sa kanya." Paliwanag nito. "Hindi kaya..." napahinto ito sa pagsasalita at parang may biglang naalala... "A-Anak kita?" tanong ni David kay Radius.

Region of the Wolves (COMPLETED)Where stories live. Discover now