Chapter 1

27K 695 20
                                    

*Her POV*

Nasa kwarto ako ngayon at natutulog ng bigla kong narinig ang isang sobrang nakakainis na tunog na siyang nakasira agad ng umaga ko.

Dinampot ko ito at agad na tinapon sa dingding ng kwarto ko kaya ayun, sira. Bagay lang sa kaniya yan.

Dahil di na din ako inaantok wala na akong nagawa kundi bumangon sa kama ko at agad ginawa ang mga Morning Routines ko, ng matapos kong gawin ang morning routines ko agad akong bumaba at nakita ko agad si Mom na nagluluto ng agahan namin.

Oh i haven't introduce my self, right? By the way my name is Christine Stacey Alveia Cristal well my mom said that this name is my real name in our Kingdom but here in Mortal World they know me as Christine Stacey Lopez. They know me as a Model and and Actress here. Enough with this introduction, i'm already hungry.

"Good morning Mom" tamad kong bati kay Mom.

Nakita ko naman na napatalon siya dahil sa gulat kaya naman patagong napatawa ako sa isip ko, napakahina ng puso ni mom.

"Ikaw talagang bata ka! Huwag mo nga akong gugulatin ng ganun!" Sigaw ni Mom.

Tumango naman ako at lumapit sa pwesto niya at agad na niyakap siya.

"Mom i'm already hungry" malamig ngunit malambing na sabi ko.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni mom kaya naman napatingin ako sa kaniya

"Why are you laughing Mom?" Tanong ko sa kaniya.

Natatawang umiling naman siya at hinarap ako.

"Prepare the table, princess. Ihahain ko na yung niluluto ko mabilis na lang toh" sabi ni mom.

Inaklas ko naman ang yakap ko sa kaniya at inayos na ang pagkakainan naming dalawa, ilang minuto pa ay nakita ko si Mom na dala ang niluto niya which is Pancake, Hotdog, Egg and also rice.

Habang kumakain kami ay di ko sinasadyang mapatingin sa calendar namin ng may mapansin ako

"Malapit na pala ang pasukan Mom?" Tanong ko sa kaniya.

Napatingin naman siya sa kalendaryo at tumango.

"Oo nga noh? Kailan ka bibili ng mga school supplies mo?" Taning ni mom sabay inom ng kape niya.

Napaisip naman ako kung kailan ako free at ngayong araw naman ay pwede ako.

"Maybe Later?" Malamig na sabi ko.

Tumango naman siya sakin.

"Okay then, kailangan mo ba ng perang pang gastos?" Tanong ulit ni mom.

Umiling naman ako sa kaniya at kumuha ng pancake at nilagyan ito ng chocolate syrup.

"No need Mom i have my money, keep it na lang for your shopping" sabi ko sa kaniya sabay subo ng pancake na ginawa ko.

Tumango naman siya sakin at kumain na.

Ilang oras pa matapos kaming kumain at mag asikaso ni Mom ay naligo ulit ako at nagbihis na pang alis, bibili kase ako ng mga school supplies ko para sa pasukan.

Bumaba ako at nakita ko si Mom sa favorite spot niya at nakita ko siyang nanonood ng paborito niyang drama.

"Mom aalis na muna po ako" malamig na paalam ko sa kaniya

Napalingon naman siya sakin at tumango.

"Okay princess be careful okay? Iloveyou!" Sigaw ni mom.

Tumango naman ako kay Mom at kinuha ang susi ng kotse ko. Yeah i already have a car at age of 16, student license.

I have my own mall kaya naisip ko na duon na lang pumunta tutal mas malapit naman ito sa bahay namin.

Ilang minuto lang ay nandito na ako sa mall ko. Ang CSA Mall initials ng true name ko yan Christine Stacey Alveia.

Pumasok ako sa loob ng mall kahit wala akong suot na oang disguise, wala ako dito para sa business kaya wala din akong pakielam kung makita ako ng nga tao dito.

"Hey girl is that Christine?"

"Oh gosh girl siya nga! Get your phone bilis picturan mo siya!"

"Shit she's so beautiful"

"Boys si Christine! Gago ang ganda niya mga pre!"

"OMG! Christine Notice me!"

"Christine baby look here!"

"Christine! You look so beautiful!"

"Bagay na bagay sa kaniya ang kulay ng buhok niya"

Rinig kong mga bulungan at sigawan sa paligid ko, gaya nga ng bulong ng isang babae sa gilid ko kanina, iba ang kulay ng buhok at mata ko. Ang alam lang nila ay pinakulayan at contact lense ko toh but they're wrong. Ang kulay ng buhok ko ay White na may mga highlight na Gold, Violet, Red, Sky Blue, Light Green, at Light Brown habang ang mata ko naman ay kulay Violet na may lining na gold sa gilid, kinda weird right? Hindi ko masuotan toh ng wig or makulayan ang buhok ko dahil hindi naman tumatalab, ganun din ang mata ko na hindi ko masuotan ng contact lense kaya pinabayaan ko na lang.

Pumunta ako sa National Bookstore at gaya ng tao sa labas nagkagulo sila at nagingay pero dahil ayoko ng gulo hindi na lamang ako nagsalita at lumapit na lang sa mga stall at pumili ng mga kailangan kong bilhin.

Nagtingin tingin din ako sa book stall at kinuha lahat ng naka agaw ng pansin kong mga libro. Most of them are mysteries, horror, or minsan pa nga ay yung pang Detective na meron talagang mga crime scene na detalyado kung paano ginawa ang isang krimen. Ito talaga ang mga style ko sa libro.

Matapos kong kunin lahat ng kailangan kong bilhin ay agad akong pumunta sa Counter at binili lahat ng nakuha ko.

"Ma'am ang babayaran niyo lang po ay 5,456 pesos kasama na po ang mga librong nakuha ninyo" sabi ng kahera, agad ko namang kinuha ang ATM ko at inabot sa kaniya.

"Here use this" sabi ko.

Kinuha niya naman ito at ni slide na sa counter.

"Bayad na po Ma'am, thank you po sa pag shop dito" masayang sabi ng kahera.

Tumango lamang ako dito at umalis na.

Nang makauwi ako sa bahay ay nakita ko si Mom na napatingin sakin, ako naman ay napatingin sa orasan at napansin ko na ang tagal ko na palang namili at hindi man lang ako nakapag lunch.

Madami din kaseng tao sa Mall kanina dahil magpapasukan na naman nga.

"I'm home" sabi ko kay Mom at binaba ko na ang mga pinamili ko.

Napatingin naman siya sakin at ngumiti.

"Ginabi ka ata? Oh siya siya sakto tapos na ko magluto, kumain na tayo ng makapagpahinga ka na" sabi ni Mom.

Tumango naman ako tinulungan siyang mag ayos ng pagkakainan namin, pagtapos maayos nito ay sabay na kaming kumaing dalawa.

Matapos naming kumain ni mom ay agad kong kinuha ang mga pinamili ko at umakyat sa kwarto ko para matulog na.

-TO BE CONTINUED-

✒️Vote
💭Comment
»Follow me here in Wattpad«

Cristal Academy; The Long Lost Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon