Chapter 64

3.7K 152 27
                                    

*Christine POV*

Ngayong araw ang balik namin sa Academy, about what I've seen in my vision yesterday, I still can't remember anything except the first one which is 'She will die with a smile', but the reason why I cried, I still can't remember why.

"We should hurry." Sabi ni Heat sa'min.

"Before we go, we should pay our last visit to the Lord and the other Nobles. It's rude if we leave without telling them." Mahinahong sabi ko habang naglalagay ng gamit sa sasakyan naming eroplano, paalis sa isla.

"She's right, let's go."

Simula kahapon, tahimik ang paligid namin, siguro dahil sa nangyari sa'ki. Mas bumigat ang paligid namin dahil sa vision ko.

I wish, if my vision was right. Please let me be the one who's going to die in our Holy War, don't take my precious family and friends away from me.

I sigh when I think about that.

After ng ilang lakad namin ay nasa harap na kami ng Castle, I knocked before entering then I saw the Nobles and also the Lord.

"We're going back to Academy today. I'd like to thank you for taking a good care of us." Nakangiting sabi ko sa kanila, alam kong pilit ito dahil sa bigat na nararamdaman ko pero wala akong magagawa, mas gusto kong umalis ng may ngiti kahit papaano dahil nag enjoy naman talaga ako.

Napatingin ako sa Lord ng mga Nobles at nakita ko ang mga titig niya sa'kin na tila ba binabasa niya ang pagkatao ko.

"Even if you lose someone to you, Life Must Go On. If you need someone to talk, you can always visit Lukedonia, future queen of Cristal Kingdom." Malamig na sabi niya sa'kin, isang ngiti naman ang binalik ko sa mabuting paanyaya niya sa'kin.

Hindi ko alam kung bakit niya na sabi ang mga salitang 'yun pero sinuklian ko na lamang ulit ito ng isang pilit na ngiti.

"Thank you. We're leaving now." Paalam ko sa kaniya.

Isang tango lamang ang binigay niya kaya naman umalis na kami.

Sakay na kaming lahat ng eroplanong sinakyan din namin papunta dito, agad kaming umalis pabalik sa Pilipinas para naman makagawa ulit ng portal pabalik sa Academy.

Tahimik ang naging biyahe namin at ni isa ay walang nag balak na mag salita, habang ako naman ay inaalala pa rin ang huling naging vision ko.

Habang inaalala ko ito ay bigla akong napahawak sa sintido ko dahil sa sakit na nararamdaman ko, agad namang napansin ni Heat na nasa tabi ko ngayon.

"Are you okay?" Tanong niya na may halong pag aalala.

Isang pilit na ngiti lang din ang sinagot ko sa kaniya.

"I'm okay, I just felt dizzy." Mahinahong sabi ko sa kaniya. Hinaplos niya ang buhok ko at isinandig sa balikat niya.

"Magpahinga ka muna, malayo pa naman tayo. For now, don't stresa yourself too much, okay? I love you." Sabi niya sa'kin sabay halik sa ulo ko na ikina panatag ng loob ko.

Alam kong mahal na mahal ako ni Heat at gano'n din ako sa kaniya kaya naman ma swerte ako na siya ang naging nobyo ko.

Makakatulog na sana ako nang bigla kong maramdaman ang pag ring ng cellphone ko sa bulsa ko, kinuha ko ito at napatingin gano'n din si Heat.

Si Aizen ang tumatawag sa'kin, napansin ko ang pagkunot at pagbabago ng expression ni Heat kaya naman para mapanatag siya ay agad ko siyang hinalikan na ginantihan din naman niya.

Cristal Academy; The Long Lost Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon