Chapter 57

4.8K 185 6
                                    

*Christine POV*

"Christine is my Fianceè."

"What!?" Kaniya kaniyang reaksyon nila, sinong hindi magugulat eh bago lang ako dito tapos merong isang Noble ang mag a-announce na Fiancèe na niya ako.

Nakaka stress!

"Wow, Christine you're unbelievable, you haven't told them yet? Grabe ka naman sa'kin baby." Nakangising pang aasar sa'kin ng walang hiyang Noble na 'to.

"You know what, nag sisimula ka ng galitin ako." Malamig na sabi ko sa kaniya gamit ang Telepathy ko, gaya nung nauna ay tinawanan niya lang ako.

"Sorry but you're being a Jerk now. I don't care if you're a Noble. I will say whatever I want because you're a jerk! A certified jerk!" Inis na sabi ko sa kaniya na tinawanan niya lang din, tanginang lalaki 'to pahirap!

Tiningnan ko si Heat na nasa harap namin, malamig siyang nakatingin sa kamay ni Keifer na naka hawak pa din sa'kin. Pumalag ako ng pumalag sa hawak sa'kin ni Keifer kaso sobrang lakas niya.

"Pa'nong naging Fiancèe mo si Christine?" Gulat na tanong pa din ni Aqua.

Lumihis ako ng tingin at mahinang sumipol.

"Well narinig niyo na siguro 'yung about sa pag abduct sa'kin, ang nag i-isang Heir ng Sylvia Family ay na abduct sa harap pa mismo ng Lord ng mga Nobles." Nakangising sabi niya, para naman akong natuod sa balak niyang sabihin, tumahimik kaa!

"And?" Curious na tanong ni Ken.

Tiningnan ko ng masama si Keifer sa tabi ko, tinawanan lang niya ako at nag patuloy sa pag k-kwento, ganito na ba kadaldal mga lalaki ngayon? Ang sarap busalan ng mga bibig nila!

"Pagkatapos akong ma abduct nung araw na 'yun, nakalabas na ako sa Lukedonia at napunta ako sa isang paaralan na naka locate sa Pilipinas. Itutuloy ko pa ba?" Nang aasar na tanong sa'kin ni Keifer matapos niyang ituloy ang pag k-kwento niya.

Hinawi ko ang kamay niyang naka hawak sa'kin at patuloy siyang tiningnan ng masama.

"Nakakatakot ka talaga kapag tinitingnan mo ko ng ganiyan." Natatawang pahayag niya.

"Wait lang, i kwento niyo muna sa'min kung pa'no mo naging Fiancèe ang kaibigan namin." Kunot noong sabi ni Walter, ang magkapatid na 'to masyadong curious tangina.

"Hmm well, si Christine kase ang dumukot sa'kin nung araw na 'yun." Diretsong sabi niya na nakapag palaki ng mga mata namin, oo pati ako, tangina talaga!

"Ano!?" Sigaw nilang lahat kasama na si Mr. Lazern.

Tiningnan nila akong lahat kaya umiwas ako ng tingin.

"Teka lang! Imposibleng si Christine 'yun dahil kasama namin si Christine sa Academy, wala siya sa mortal world at lalong wala siya sa Pilipinas nung mangyari 'yun!" Gulat na sabi ni Gabriel.

Tiningnan naman ako ni Keifer ng may naguguluhang mata, bumuntong hininga ako at nag salita.

"Nasa Pilipinas ako. Wala ako sa Academy nitong mga nakaraang linggo, clone ko ang kasama niyo at hindi ako." Malamig na sabi ko na nakapag panganga sa kanilang lahat.

Cristal Academy; The Long Lost Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon