Chapter 45: We Meet Again

8K 267 15
                                    

*Christine POV*

Akalain mo nga naman. Napakaliit talaga ng mundo.

Tiningnan ako ni Jefferson na may kasamang gulat sa mata.

Si Jefferson ay childhood friend ko, lumipat siya nung 8 years old pa lang kami for some reasons daw.

And kung nagtataka kayo kung bakit nakilala niya ko, simple lang naman.

Syempre tinanggal ko ang disguise ko nung nakausap ko si Heat.

Alam ko na kapag nalaman niyang nandito ako at nasundan makikita niya agad ang disguise ko edi nakita niya na agad ako.

"Ang tagal na din nung huli kitang nakausap ah?" Nakangiti ngunit bahid ang gulat na sabi niya.

Tumango naman ako.

"Oo nga tapos malalaman ko na lang na nandito ka na pala sa Pinas pero di lang nagpaparamdam" malamig na sabi ko sa kaniya.

Napaiwas naman siya ng tingin at napa kamot sa batok niya

"Stacey may kailangan kang malaman" nakaiwas tingin na sabi niya.

Napakunot naman ang noo ko.

"Ano yun?" Kunot noong tanong ko

"Si Dad. Patay na siya" nakayukong sabi niya.

Nagulat naman ako.

Ano? Si Tito Vier? Patay na?

"P-panong?" Gulat na tanong ko.

Humarap naman siya sakin.

"Nag crash ang eroplanong sinasakyan namin nung papauwi na kami dito sa Pinas. Isa si Dad sa namatay habang kami naman ni Mom nailigtas agad" naiiyak na kwento niya.

Napaiwas naman ako ng tingin sa kwento niya.

Naiiyak na din ako ngunit tinatagan ko ang loob ko.

Nilapitan ko si Jefferson at niyakap siya ng mahigpit.

"Okay lang yan Jeff alam kong masaya na si Tito Vier kung nasaan na siya" sabi ko sa kaniya habang tinatakip ang likod niya.

Maya maya pa ay tumuwid na siya ng tayo at tumingin sakin at ngumiti.

"Walang pagbabago Christine Stacey Lopez maganda ka pa din" nakangiting sabi ni Jeff.

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Alam ko. Ikaw naman Jefferson Reyes walang pagbabago mambobola pa din" sabi ko.

Natawa naman siya at hinawakan ang buhok ko sabay gulo.

Dahil sa ginawa niya ay tiningnan ko siya ng masama.

Hindi naman niya yun pinansin at tumawa na lang.

"Teka teka. Christine Stacey Lopez? Yung sikat na model?" Nagulat ako nang may biglang nag salita sa likod niya.

Tiningnan ko naman sila at ang masasabi ko lang.

Mga mukha silang gunggong.

"Sino naman tong mga kasama mong mukhang gunggong?" Malamig na tanong ko.

Cristal Academy; The Long Lost Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon