Chapter 18

11.5K 392 52
                                    

*Christine POV*

"Tangina naman oh! Sabi ko matutulog ako hindi makikipag laban sa mga punyetang toh!"

Wow just wow, ang buong akala ko makakapag pahinga na ako pero dahil sa mga walang hiya na 'to na udlot pa, sige nga ano pa at sino pa ang u-udlot ng pahinga ko!? Sige magsilabasan na lahat mga bwiset!

Nagulat ang lahat ng may biglang pumasok, pero syempre di ako kasama di ko naman kilala 'tong mga 'to at wala akong pake sa kanila.

Sa sobrang inis ko dahil para silang pagong na rumarampa sa BLACK Carpet eh sumigaw na ko.

"Hoy mga Ulupong! Kung balak n'yong pumasok, pumasok na kayo hindi yung para kayong mga pagong na rumarampa! Konting bilis mga tanga!" inis na sabi ko sa kanila.

Nakita ko naman ang pagkainis sa mukha nung pinaka leader nila.

"Lapastangan sino ka para mag salita samin ng ganyan!" galit na tanong niya sakin. "At kayo naman bilis bilisan nyong mag lakad dyan mga walang kwenta!" dagdag nya pa.

Kita mo 'to nagalit pa sakin samantalang sinunod din yung utos ko, bobo ang putangina.

Nang maka pasok sila umakyat naman ako sa upuan ng Royalties at tinanong si Heat..

"Uyy Init sino sila?" malamig na bulong ko sa kanya

Tiningnan niya muna ako ng malamig at bumalik ulit ang tingin niya sa harapan.

"Sya si Ruisham Vilsue ang hari ng Dark Kingdom at yung babae dun sa likod nya ay si Shaneree Vilsue ang asawa nya." Malamig na paliwanag niya.

"Ahh okay"sabi ko na lang at tiningnan ang mga lapastangan sa panget na pumapasok.

Nang buo na ang grupo ng mga sumugod ay biglang tumawa yung hari nila.

"Puta baliw toh" sabi ko pero sa di inaasahan napalakas pala yung sabi ko kaya na pa tawa ang iba, Bigla namang napahinto ang hari at umitim ang aura, para siyang natatae guys.

"Sinong nag sabi nun!?" galit na sigaw niya, at dahil honest ako, nag taas ako ng kamay.

"Ako bakit?" malamig na tanong ko sa kaniua, sinamaan niya naman ako ng tingin.

"At sino ka namang lapastangan ka!?" tanong nya sakin. Question and Answer portion ata kami eh.

"Ah ako? Christine na lang ang itawag mo sa'kin, Ulupong ka." sabi ko na nag patawa sa ibang Royal Couple.

Cristal Academy; The Long Lost Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon