Chapter 4

16.8K 486 42
                                    

*Christine POV*

"Guys may transferee daw"

"Oo nga eh at sabi gwapo at magaganda"

"I saw the transferees and they're so hot as hell lalo na yung boys!"

"Nakita ko sila kanina na sa may garden grabe para silang mga greek gods and goddess"

"Maganda nga sila pero ang weird nila"

"Mas maganda pa din naman si Ms. Lopez"

"Dude ang s-sexy ng mga babaeng transferee"

"Ang swerte siguro ng magiging kaklase nila?"

Nag lalakad ako ngayon sa hallway at ang laman ng mga usapan ay about sa mga transferees, pero nakakapag taka naman, wala kase silang sinabi sakin about sa mga transferees na toh, but anyways wala din naman akong pakielam so why bother.

Nandito nako sa room pero laman parin ng usapan ay yung about sa transferees, tangina nakakaimbyerna na talaga, hindi ko na natiis pa at nag salita na dahil sobrang ingay talaga.

"All of you. Shut up" mariin na sabi ko, nakaka inis na talaga, puro transferee dito trasferee duon ang naririnig ko

Natahimik naman silang lahat at nagsi upo ng maayos, marunong naman pala silang makinig eh.

Dumating na yung teacher namin at pansin ko na may kasamang siyang 4 na babae at 5 lalake, Sila siguro yung transferees na pinag uusapan.

Aura pa lang mahahalata mo na agad na kakaiba din sila katulad ko. They're the royalties of the other kingdom, you're thinking kung pano ko nalaman? Easy as pie, their aura and they also have different colors of hair and eyes.

"Transferees come in and introduce yourselves" sabi ni Prof Ann.

Nakita ko namang ngumiti yung may Light blue na hair at nagpakilala.

"Hi everyone my name is Aquarine Wateria, 16 years old" pagpapakilala niya, based on her surname she's the Princess of water kingdom.

Tumingin naman siya sa lalaking katabi niya din na may light blue na buhok, he look so calm. Hmm.

"Good morning, My name is Walter Wateria 16 years old, twin brother of Aquarine" nakangiting pakilala niya, Prince of Water kingdom. Well di na masama, ang cute ng dimple niya, shit.

"My name is Rhian Castell, 16 years old" nakangiti ding pakilala niya, she has this light violet hair and also eyes, based naman sa surname niya, she's the princess of Witch Kingdom, ang iba siguro sa inyo ay iniisip na ang papangit nila at may kakaibang hitsura but all of you are wrong, mukha lang din silang normal na tao and heck this Rhian girl is so damn cute, she has this round big glasses in her eyes pero di siya mukhang nerd, may hawak din siyang black book maybe yun yung spell book niya.

"Ohayo! My name is Chloe Ice, 16 years old" jolly na pagpapakilala ng isang babaeng may white hair na may halong light blue, Ice eh? Halata naman siguro, Ice Princess siya, and Ohayo? Narinig ko na sa anime ng nanay ko yan meaning ata niyan good morning aba ewan.

Matapos niyang magpakilala, may lalaking kulay light yellow ang buhok na pa cool na naglakad sa harapan at nagpakilala.

"Yow guys" sabay kindat niya sa mga kaklase ko kaya para naman silang uod na binuhusan ng asin at nagtitili mga babae nga naman.

"My name is Kenzhin Thunder, 16 years old and i'm single" sabi niya at dahil sa sinabi niya na yun ay nag tititili na naman ang mga kaklase ko. The playboy Prince of thunder kingdom. Sakit sa ulo tangina.

Cristal Academy; The Long Lost Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon