Chapter 59

4.9K 193 10
                                    

*Christine POV*

Ilang oras din kaming nakatayo at nag uusap uusap tungkol sa mga bagong balita mula sa Mundo ng mga Mortal, hindi ko aakalaing ang daming mali at bali na gawain ang mga Mortal na tao, mas nagulat pa ako dahil may organisasyon pa silang ginawa para labanan ang mga Nobles, Wolves at mga Mages, gano'n na ba kataas ang tingin nila sa sarili nila upang mag hamon ng gyera sa mga Nobles na kinilala noong sinaunang panahon bilang panginoon nila?

"Ang kanilang organisasyon ay nagkalat sa buong mundo, hindi pa namin alam ang tunay na motibo nila at kung ano ang mga plano nila pero paniguradong dadating din ang araw na tayo na ang kakalabanin nila." Seryosong sabi ng pinakamatandang Noble nila.

Hindi pa din ako makapaniwala sa nangyayari, ang mga Mortal? Sila mismo? Sumasakit ang ulo ko sa nangyayari!

"Lord narinig din namin na dumadami na ang mga nagiging biktima ng mga Modified, may isang paaralaan silang sinugod at madami ang sugatan, kritikal at marami din na namatay." Pagbibigay balita ulit ng pinakamatandang noble, siya ata ang pinaka Spoke Person ng Nobles.

"Send two Nobles to investigate the case in Mortal World." Seryoso at malamig na utos sa kanila ng Lord nila.

"I'll go, Lord." Napatingin kami sa mag salita at nakita namin si Ms. Qeira na nakaluhod at nakayuko sa pwesto niya.

G-gano'n ba kalala ang problema at maging ang Family Leaders at pakikilusin na?

"Okay. Calion Rihtwis accompany the Family Leader of Qeira Family." Maotoridad na utos ng Lord nila, nakita ko naman ang pagluhod ng isang matangkad at maputing binata. I don't know if he's a Family Leader or a Heir.

Lumuhod siya sa harap ng Lord at nag salita.

"Yes Lord." Magalang at seryosong sabi niya, tumango naman ang Lord sa kaniya.

"Okat then, Meeting dismissed." Seryosong sabi ng Lord, nagsi yukuan naman ang mga Nobles na nandito kaya ginaya namin sila.

"Bakit nga pala tayo kasama dito?" Bulong ni Ken. Hindi naman namin inaasahan na maririnig pala kami ng mga Nobles kaya kumunot ang noo nila.

"This problem is not only ours, your world is in danger too." Seryosong sabi ng Lord, hindi ko alam pero nagsi balikan ang mga Nobles na parang may pag uusapan pa.

"But we live in parallel World, Lord." Sabi ni Rhian, natawa naman ang Lord na parang isang malaking biro ang sinabi niya.

"Ilang libong taon na kaming nagtatago sa protekta bg Schiell Family, yet they found us. There's a possibility that they find a way to go to your world even if it's in Parallel World." Seryoso at malamig na sabi ng Lord ng mga Nobles.

Magtatanong pa sana ulit sila ng magsalita na ako.

"Stop questioning the Lord. Be thankful that they let us join their private meeting." Malamig at maotoridad na sabi ko, natahimik naman sila at hindi na nag tanong.

"I'm so sorry about our actions, Lord of the Noble, and I also want to say sorry about my previous action." Seryosong sabi ko habang nakayuko. Napansin ko naman ang pagkunot ng noo niya.

Cristal Academy; The Long Lost Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon