Chapter 49: Train The Ace

8K 247 30
                                    

*Christine POV*

Gaya ng pinangako ko kila Jefferson ni train ko sila at tinuruan kung paano lumaban ng maayos at maliksi ang galaw, nakikita ko naman na ang laki ng pagbabgo nola tuwing tinuturuan ko sila ng iba't ibang techniques sa pakikipaglaban pero minsan di ko maiwasan na basahin ang nasa isip nila and ang laging nasa isip nila ay takot dahil kapag wala na daw kami tiyak na sila ang pupuntiryahin ng mga ibang gang, tama naman sila pero habang tinuturuan ko sila gusto kong matutunan nilang magkaroon ng tiwala sa sarili na kaya nila.

Kaharap ko ngayon sa one-on-one training si Harvie at pansin ko na lagi siyang may open na area kaya naman ito siya ngayon parang binugbog sa kalye.

"Harvie maging alisto ka sa paligid mo, huwag mong hahayaan na magkaroon ka ng open area kundi yan ang pupuntiryahin ng kaharap mo" malamig na sabi ko sa kaniya.

Seryosong tumango naman siya at inayos ang Stance niya, natuwa naman ako dahil talagang naging mas alisto siya pero may kaunting area pa din naman na open pero di na ganun kalala katulad nung una.

Si Harvie ang pinaka magaling sa kanila kapag hand-to-hand ang pinag uusapan, si Kairus naman ay magaling sa mga maliliit na patalim like daggers, knife, short sword at kung ano ano pang mga malilit na patalim, si Marvin naman magaling siya sa mga martial arts and kaya niyang sabayan si Stephanie sa mga kilos niya, masasabi kong magaling si Marvin at si Jefferson naman siya ang utak sa grupo nila, napansin ko kase na habang nakikipaglaban kami siya lagi ang panay ang bigay ng instruction sa mga ka grupo niya, siya din ang magsasabi kung saan niya nakita ang weak point ng kalaban, maganda ang mata niya dahil alisto siya sa lahat ng bagay kaya naman napahanga niya talaga ako.

"Okay that's enough, fuckers. Stacey kailangan kitang makausap" biglang sabi ni Stephanie.

Napatingin naman ako sa kaniya at nakita kong seryoso siya.

Ano na naman bang problema?

Kumuha ako ng dalawang bote ng tubug at inabot ko yun jay Harvie at kumuha naman ako ng towel para pamunas ng pawis ko at pagkatapos nun ay agad akong lumapit kay Stephanie.

"What is it?" Seryosong sabi ko sa kaniya sabay inom ng tubig.

Tumingin naman siya sa paligid kaya ginaya ko siya, nakita kong nakatingin sa amin sila Jefferson kaya nilakihan ko sila ng mata at ayun nagsipag iwas ng tingin.

"Stacey kanina pa ko ginugulo ni Zyrel, tangina nasa Mortal World na yung gago na yun" sabi ni Stephanie.

Napalaki naman ang mata ko sa sinabi niya at dahil nag panic ako nabuksan ko na agad yung parang projector at nakita kong nagulat din ang mga kasama namin.

"What the fuck, Stacey!" Sigaw ni Stephanie sakin.

Napailing naman ako at nakita kong nasa harap na ng Projector si Heat.

"Tangina mo Init nasa Mortal World ka na daw!?" Sigaw ko sa kaniya.

Napatawa naman siya ng mahina kaya tiningnan ko siya ng matalim

"Yeah yeah, i told you hahanapin kita kaso masyadong malaki ang Mundo pero alam ko naman na nasa Pilipinas ka dahil may nagsalitang lalaki sa gilid mo at nag tagalog pa" sabi ni Heat.

"Bumalik ka na sa Academy punyeta pag nalaman nila na wala tayo dun lagot tayo kila HM!" Sigaw ko sa kaniya.

May kasama na nga akong isa dadagdagan ko pa ba? Puta ang sakit nila sa ulo!.

"Baby calm down, gaya ng ginawa mo may Clone akong ginawa, di naman ako bobo para bigla na lang mawala dun" sabi niya.

Napaface palm naman ako at napatingin sa paligid ko.

Nakita kong nakatulala sila Jefferson sa Projector na gawa ko at nung napansin nilang nakatingin ako sa kanila ay nanlaki ang mata nila.

Punyeta mukha silang Tarsier sa ginagawa nila.

"Don't freak out or else i'll kill you all" malamig na sabi ko sa kanila.

Napatango naman sila at napa ayos ng Posture pero halata pa din ang gulat sa kanila na may kasamang takot.

"As you can see i'm not Mortal like all of you here. It's true that i'm here because of my Self Proclaimed Vacation and may isang asungot na sumunod which is si Stephanie at meron pang isang napakabwiset na asungot na parating, ang asungot na tinuturo ko ay ang lalaki sa projector na toh" paliwanag ko sa kanila.

Wala sa sariling tumango sila at napatingin ako kay Heat ng nakita kong nakakunot ang noo niya.

"Sino kausap mo?" Kunot noong tanong niya.

"Ah yung mga Mortal Friends ko" malamig na sabi ko sa kaniya.

Lalo naman siyang napakunot ng noo.

"Nasisiraan ka na ba Christine Stacey Lopez? Bakit ka gumamit ng kapangyarihan at hinayaan mo pang makita ng Mortal!?" Sigaw niya sakin.

Aba gago toh sinisigawan ako.

"Sinisigawan mo ba ko Mr. Zyrel Heat Fireo?" Malamig na tanong ko sa kaniya sabay pakita ng Fice ball ko.

Nakarinig ako ng pagbagsak at nakita kong napaupo si Harvie at Kairus habang si Jefferson naman ay nakatayo nga pero feeling ko anytime babagsak na din.

"Again fuckers, don't freak out kundi ibabato ko sa inyo tong hawak ko" malamig na sabi ko

Tiningnan ko naman si Stephanie at iiling iling na lumapit siya kila Jefferson siguro naintindihan niya na yung sinabi ko, buti na lang kahit papaano may utak tong babae na toh.

"Ako na ang magsasabi sa inyo. Please keep it as our secret. Alam na ni Marvin and gaya ng sinabi namin sa kaniya, once na lumabas anh issue about sa totoo naming katauhan na hindi kami normal ay papatayin kayo ng babaeng nasa harap ng projector na yun, nakita niyo yung hawak niya? Pag yun tinamaan kayo magiging abo kayo sa hangin kaya better shut your mouth" sabi ni Stephanie sa kanila.

Tumango naman ako at humarap sa punyetang lalaki na toh.

"Fuckers huh? Mga lalaki ba mga yan?" Kunot noong tanong ni Heat.

"Oo mga lalaki, dalawa lang kaming babae dito ni Stephanie" sabi ko sa kaniya.

Mas lalo naman siyang napakunot ang noo at nagulat na lang ako kase bigla niyang pinatay ang connection naming dalawa.

"Tangina anong problema nun?" Bulong ko sa sarili ko.

Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Stephanie.

"Selos lang yun hahahaha" natatawang pahayag ni Stephanie.

Selos? Kanino naman?

Umiling na lang ako sa naisip ko at napatingin na lang ulit ako sa mga gunggong na tulala.

"Kamusta puso buo pa ba? Baka sa sobrang gulat niyo tumigil na tibok niyan" malamig na sabi ko.

Napatingin naman sila sa amin ni Stephanie.

"C-can you explain w-what the hell is that?" Sabay sabay na tanong nila at dahil sobrang sipag ko tinulak ko si Marvin at Stephanie sa harap.

"Sa kanilang dalawa kayo mag tanong, basta ako matutulog na muna" sabi ko sabay lakad paalis

Napakasaya talaga ng Self Proclaimed Vacation ko, sa sovrang saya parang gusto ko tuloy sumuka. Tangina.

-TO BE CONTINUED-

✒️Author's Note:

Sorry uf lame ang story sinubukan ko lang talaga mag update para naman wag na magalit yung iba kase mabagal ako mag update.

Happy reading everyone iloveyou all muaaah <3

✒️Vote
💭Comment
»Follow me here in Wattpad«

Cristal Academy; The Long Lost Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon