3

1.3K 33 0
                                    


"Ma, baka ho magabihan akong umuwi sa pag-uwi araw araw, "saad ko habang kumakain kami ng Umagahan.

Napatingin naman sa akin si Mama, "Bakit? "Tanong nito.

Pinunasan ko muna ang bibig ko bago sagutin si Mama, "May group study po kami pagkatapos po ng klase namin para mapaghandaan ang Final Exam. "Paliwanag ko na ikinatango nito.

"Basta't huwag mong kakalimutan na mag-text sa Mama mo, " pagsingit ni Papa sa usapan na kakalabas lang galing sa kuwarto.

"I will,"tugon ko. "Kumain ka na," ani nito kaya ipinagpatuloy ko na ang pagtapos ko sa umagahan ko.

"Ate? "Rinig kong pagtawag sa akin ni Jolo kaya napataas ang isang kilay ko sakaniya.

"Sabihin mong may assignment ka pa ring about sa Crush? "Ani ko sa pabulong na paraan na ikinanguso nito kaya napatawa na lamang ako na ikinatingin nila Mama, tumikhim na lang ako bago tinapos ang isang kutsara na lang na kanin.

Uminon na ako bago tumayo, "Ma,  Pa una ho ako, "paaalam ko atsaka ko sila hinalikan sa tig-isang pisngi nila,  tumayo na rin si Jolo gano'n din ang ginawa, "Mag-aral ng mabuti,"paalala ni Papa na ikinangiti ko lang.

Sabay kaming lumabas ng bahay ni Jolo atsaka ako sumakay sa bisikleta ko at siya naman ay sakaniyang sariling bisikleta.

"Kuya Tres,"rinig kong sabi ni Jolo na ikinaangat ko ng tingin at laking gulat ko na nasa katabi na ni Jolo si Tres sa tingin ko ay papasok na rin ito.

"Sabay-sabay na tayo, " ani ng kapatid ko na lalo kong ikinalaki ng mata. Napakagat tuloy ako sa ibabang labi ko sa isasagot nito.

Tumingin ako sakaniya nakita ko itong napatingin sa akin bago sa kapatid ko atsaka ito tumango,  ngumiti naman nang napakalapad ang kapatid ko bago sumakay sa bisikleta niya.

"Let's go, "masayang sambit ng kapatid ko kaya sumunod na rin kami.

Nagpahuli ako dahil ayokong magka isyu sa loob ng eskwela dahil lang sa pagsabay namin ni Tres.

Nakikita kong tila enjoy na enjoy si Jolo na kasama si Tres gano'n din si Tres dahil siguro wala ang kapatid niya dahil nasa ibang bansa ito.

Huminto kami sa harapan ng eskwela ni Jolo, "Bye ate,  bye kuya Tres,"paalam niya bago tumuloy sa pagpasok sa loob ng eskwela napatingin ako kay Tres na hanggang ngayon ay nakahinto pa rin.

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita, "Mauna ka na Tres, "ani ko dahil hindi ako sanay na kasama siya lalo na ganito kalakas ang dating niya sa akin na kulang na lang lumabas ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito.

Tumango lang ito atsaka umalis at doon pa lang ako nakahinga ng maluwag ng makalayo layo ito atsaka naman ako ang sumunod na umalis.

Sa bawat pagpasok at pagtuturo ng mga aming guro ay siyang kapansin-pansin ang mga kaklase ko na aktibong nakikinig hanggang sa mag-ring ang bell.

"Class Dismissed,"Ani ni Teacher Lu bago lumabas ng klassroom.

Dali-dali naman silang nagsipuntahan sa puwesto ko, may nagsarado ng bintana at ng pinto na ikinatawa namin ni Jane.

Nakapabilog kaming lahat na tila may kababalaghan na gagawin. Haha.

"Ssh!  Lang tayo ah!"paalala ni Elton na ikinatango ng lahat.

"Ilabas ni'yo na ang activity note natin, " ani ko atsaka nagsimulang mag-scan sa libro ko.

Natapos ang Isang oras na Vacant na nakakadalawang lessons kami na napag-aralan at thanks God lahat sila ay tumatama sa'twing magtatanong ako.

He Is From My Rivalry Class (#Watty2018)Where stories live. Discover now