9

1.1K 27 0
                                    

Pagkalabas ko ng bahay ay siyang pagbungad ni Tres sakay sakay ng kaniyang bisikleta.

Yumuko na lang ako at tinungo ang bike ko atsaka nauna ng umalis.

Wala akong gana ngayon makipag-usap lalo na sa nangyari nakaraang araw.At naging sariwa pa rin sa akin ang narinig kong pag-uusap ng mga faculties sa nangyari.

'They don't want us to enter next school year. '

That's horrible!  For the Pete sake, naniniwala lang sila sa sabi-sabi lang.

Dumeretso agad ako sa klassroom  at umupo.

Buhat no'ng nangyari ang araw na iyon ay nawalan na ng buhay ang klassroom namin at makikita mo halos sa mga hitsura nila ang katamlayan dahil nakarating na rin sa kanila ang balitang iyon.

Kaya papasok lang kami para sa attendance,  hindi na kami pinapasukan ng mga Teachers para magturo.

Xianghe Middle School- isang striktong paaralan na kailangan maipasa mo ang entrance exam nila bago ka nila tanggapin. Hindi ordinaryong paaralan ang Xianghe.

----

Tres POV.

'Narinig ni'yo ba ang bali-balita na hindi na daw maaaring makapag-enroll ang mga taga Class 8'

'grabe naman kasi ginawa nila at ang masaklap papasok na lang sila ngayon para mag-attendance. '

Nagpatuloy na lang ako sa pagbabasa ng tawagin ang pangalan ko, "Tres"

"Hmm.. " I only said bago ko itinaas ang paningin ko.

"Puwede mo ba akong samahan bumili mamaya sa National Bookstore? " tanong ni Mika.
Tumango na lang ako ng bahagya bago pinagpatuloy ang ginagawa ko. Tumayo ako at kinuha ang water bottle ko atsaka lumabas,  napahinto ako sa isang gilid nang makarinig ako na nag-uusap malapit sa Clinic.

Her voiced sounds familiar, 'Oo nga, I've told to the Principal that they are cheating and guess what they're not entering next school year, '

Pagsilip ko ay laking gulat ko dahil kay Mika nangga galing ang boses na iyon.

"So,  you're the one who cause all of this? "I said coldly.

Nagulat ito ng makita ako, "T-tres.. "

"Did you even know the effects of what you've done to them?  Nag-aral sila ng maigi para lang maipasa ang Final Exam and you've been messed up with it. " I said.

Lumapit ito sa akin na mangiyak -iyak. "No,  that's not—I mean I can't do that" ani nito. Napayukom ko ang dalawa kong kamao dahil sa inis.

"Karma is a bitch, " tinig ng isang tono kaya napatingin ako sa side ko. And I saw the friend of Jian.

"Alam mo ba ang ginawa mo,  sinira mo ang reputasyon namin bilang isang anak at mag-aaral,  they all avoiding on us,  kinasusuklaman na nila kami sa ginawa mo,  nag-aral kami halos late na kaming umuwing lahat para lang maipasa ang test tapos eto ang magiging kinalabasan ng lahat. Hindi lang grade ang sinira mo pati buhay namin, " singhal nito sa galit. Hinila nito si Mika kaya napasunod ako sa kanila.

Huminto kami sa tapat ng klassroom nila.

"Nakikita mo ba 'yan?  Nakikita mo ba!  Ang dating masiyahin na Section ay parang namatayan na ngayon. "

Kapansin-pansin nga ang pagkawalan nang gana ng lahat napatingin ako sa taong siyang mas lalong naapektuhan.

Napatingin ako sa kaibigan nito na maiyak-iyak na. "Tama na 'yan. "
I told.

"Tama na.. Paano kami tatama na kung lahat kami ay naapektuhan sa nangyari lalo na si Jian na nagpagod para lang maturuan kami tapos mawawala na lang bigla ang lahat ng pinagpaguran namin... "Mangiyak iyak na nitong batid sabay tingin ng masama kay Mika at dinuro ito, "Dahil sa'yo... Kasalanan mo, "

Napatingin ako kay Mika na umiiyak na rin ngayon, "Tres,  sorry... Sorry"

Tumalikod ako at itinungo ang office.

Nagulat ang lahat sa pagdating ko, "Anong ginagawa mo rito Tres?  May klase ka ah" ani ni Teacher Lu.

"I'm here to say something about cheating happen in Class 8-F" I said directly to the point.

Pumunta sa harapan ko ang Principal habang nakapamewang ito, "There's no sense at all,  dahil napag-usapan na namin na hindi sila makakapag enroll sa darating na next school year, "

Napayukom ako ng mga kamao, "There's no cheating happen during the Examination and if will be why don't you look on the CCTV. If we know there's a camera in every classroom that are connected, " I said without hesitation.

Napatingin naman sa isa't-isa sila Teacher Lu at ang Principal.

Lumapit si Mr.Kim sa amin, "I agree for what Mr.Tres told,  why don't we look para magkaalaman,  impossible na nagcheat sila dahil bago pa 'man nagsimula ang Examination ay nasa labas ng klassroom nila ang lahat ng gamit nila tanging ballpen lang ang dala nila sa loob. I think pinag-usapan nila 'yon before the Examination"mahabang paliwanag ni Mr. Kim na ikinagulat nila,  pati na rin ako.

"Is that true? "Hindi makapaniwalang tanong ng Principal.

Tumango bilang tugon si Mr.Kim. "It's totally unfair kung hindi sila makakapag-enroll sa susunod na school year without an any evidences na nagpapatunay na nag-cheat sila, " Mr. Kim told.

Napatingin kami sa pumasok, "Excuse po,  hindi sa nakikialam ho ako pero hindi naman dapat parusahan ng gano'n ang mga bata, " panimula ng guwardiya.

Na naging dahilan para magkasalubong ang mga kilay ng Principal, "May kinalaman ka ba dito? O may alam ka dito? "

"Maaga ho akong pumasok at napansin ko ang maagang pagdating ng mga batang iyon, at kapansin-pansin ang pangunguna ng magandang dilag na iyon sa pagtuturo sa mga kaklase niya,  naki-upo ako sa tabi nila at narinig ko ang sinabi ng dalagang iyon na kung maari ay iiwan nila ang mga gamit nila sa labas ng kanilang klassroom upang mapanatili na walang magche-cheat, " paliwanag nito na ikinatahimik namimg naririto hanggang sa may pumasok na nasa middle aged na babae.

"Ako ang magpapatunay na ang mga batang iyon ay walang kasalanan dahil tuwing natatapos ang kanilang klase ay dumederetso sila sa Apartment namin ng anak ko upang doon mag-aral ng leksiyon lahat sila ay tahimik at seryosong nakikinig kay Jian eto ang isang video na kinuhanan ko, " sabi nito atsaka pinakita ang pag-play ng isang video sa cellphone nito, "Halos araw-araw silang ganiyan at halos nagagabihan na sa pag-uwi ang mga batang iyan, " tuloy nito sa kanina nitong sinasabi.

Narinig kong napabuntong hininga ang principal, " Call an urgent meeting, " tanging nasambit nito bago kami iwanan.

"And you Tres, bumalik ka na sa klassroom mo, " utos ni Mr. Kim.

Tumango ako at yumuko bago lisanin ang opisina.

He Is From My Rivalry Class (#Watty2018)Where stories live. Discover now