11

1.3K 27 0
                                    


Andito kami ngayon sa school canteen at sabay-sabay na kumakain.

"Psh!  Lumapit kayo may sasabihin ako, " ani ni Jane kaya nagtataka kaming lumapit sa kaniya.

"Kahapon kasi papunta sana ako sa water dispenser sa hindi sinasadya ay nakita ko si Tres na parang nakikinig sa isang pasilyo malapit sa Clinic dahil na-curios ako naki eavesdropping na rin ako and guess what si Mika pala ang pasimuno ng lahat nangyari sa atin, siya ang dahilan kung bakit tayo magre-take ng Exam, " ani nito. Lumayo ako at ipinagpatuloy ang kinakain.

Nagtataka naman ang mga ito dahil sa naging reaksyon ko kaya tinasaan ko sila ng kilay, "oh? "

"Anong reaksiyon 'yan te? Hindi ka 'man lang ba magugulat sa nalaman ko?" tanong nito. Uminom muna ako bago ko sila tinugunan.

"Alam ko na si Mika ang dahilan, " tugon ko na ikinalaki ng mga mata nila.

"Pa-paano? "Tanong ni Nico.

"Kay Tres, "walang emosyong saad ni Elton.

"Eh! " tanging nasambit ko.

"Tsk!  He told me no'ng nagkita kami sa Seven Eleven kagabi," he said.

Napatingin sa akin si Jane na nanlalaki ang mga mata, "Don't—" napatakip na rin ako ng bibig at nanlaki na rin ang mga mata sabay napatingin kami kay Elton, napa-angat naman ito ng tingin habang may nginunguya.

"What? "Tanong nito sa pagitan ng pagnguya niya. Napatingin ako sa taong tumawag kay Tres at nanliit ang mga mata ko,

'Subukan mong tumabi kay Mika! '

"Uy! Tres, Join with us, "sigaw ni Nico na ikinagulat ko at pagpalo naman ni Jane sa kaniya.

"Masakit yon ah," ani nito habang hinihimas himas nito ang napalo niyang braso.

"Bakit mo siya tinawag? "Tanong ko.

"E bukambibig ni'yo siya" tugon nito,  nailipat ko ang paningin ko kay Tres ng maglakad ito papunta sa puwesto namin at umupo sa kaharapan ko.

Napapikit ako at pasikretong kinurot si Jane sa braso, "Aw! " ani nito.

"Napano kayo? "Tanong ni Nico na nagpatigil sa kanila sa pagkain. Umiling ako bilang sagot.

"Kain na, "nakangiti kong saad habang nakatingin kay Tres.

"Tres, Welcome to the family, "biglang wika ni Nico na ikina-angat ng tingin namin sa kaniya.

"From now on,  Tres, will be part on our team dahil sumama siyang kumain kasama tayo, " wika nito habang nakangiti napatingin naman ako kay Tres na napapailing na lang habang pinagpapatuloy ang pagkain nito.

---

"For last announcement dahil ito na ang last two weeks niyo sa pagpasok ay napagpasyahan namin ng mga Teachers ni'yo  na magme -merge kayo together with the Class 3," anunsyo nito na halos ikinagulat namin.

"This is gonna be a WORLD WAR IV, " dinig kong sambit ni Gion.

Nagtaas ng kamay si Elton, "Teacher Lu,  hindi ba puwedeng kami kami na lang? " tanonh nito.

"Sad to say No, " sagot nito na ikinatigil namin at ang pag-upo ni Elton.

"Ano po ba ang gagawin Teacher Lu? Bakit kailangan pang mag-merge ang mag-rival na Section? "Tanong ng Class Monitor namin.

"Para maipasa ang isang requirements ni'yo ay kailangan niyong makagawa ng isang play—a theatre play, " ani ni Teacher Lu.

Na nakireact ng lahat.

He Is From My Rivalry Class (#Watty2018)Where stories live. Discover now