5

1.2K 25 0
                                    

"Tres" pagtawag ko sa kaniya huminto naman ito sa paglakad kaya naabutan ko ito.

"Balita ko kayo na ni Mika... "Sabi ko sa mahinang boses tinignan ko naman ito ngunit wala man lang akong nakitang kahit isang gulat man lang.

Nagsimula itong naglakad kaya dali-dali akong humabol, "kung sabagay bagay kayo isang matalinong babae at maganda, " papuri ko sa kaniya.

"Kanino mo nalaman 'yan? "Tanong niya na diretso pa rin ang tingin sa hallway.

"Naririnig ko lang atsaka kitang kita ko naman na kayo na, Congrats ah! " ani ko sa masayang tono kahit sa loob looban ko gusto ko ng bumigay sa pag-iyak.

"Hindi lahat ng naririnig at nakikita mo ay Totoo kung hindi naman nagmula sa akin, "wika nito bago pumasok sa klassroom nito pinagmasdan ko lang ito hanggang sa mawala sa paningin ko.

Tumunog na ang bell kaya nagmadali akong tumakbo patungo sa klassroom ko.

Hingal na hingal akong napaupo sa puwesto ko dahil sa pagtakbo .

Kinuha ko ang water bottled ko atsaka ako lumagok ng tubig.

"Uyy! Anyare saiyo? "Tanong na kakarating na si Jane. Ibinaba nito ang bag niya atsaka humarap sa akin.

Lumapit ako ng bahagya sa kaniya at kinuwento ang nangyari kanina between me and Tres.

"Sinabi niya 'yon? "Tanong niya na may gulat,  tumango naman ako bilang tugon.

"So, ang lahat ng bali-balita tungkol sa kaniya ay hindi totoo, may pag-asa ka pa" masayang batid nito na ikinangiti at pagtango ko.

Napatigil lang kami ng umakbay sa amin si Nico, "Anong pinag-uusapan ni'yo? " tanong nito.

"Wala ka na do'n, " maangas na batid ni Jane atsaka niya kinuha ang libro niya.

"Ano 'yon? "Baling niya sa akin. "Girls talk" tanging sagot ko bago ko itinabi ang bottle ko sa bag.

Nakita kong bumalik na 'to sa place niya na saktong pagdating ni Elton.
"Good morning, Elton. "Bati ko kay Elton ngumiti ito sa akin atsaka tumabi kay Jane na nakipag-apir pa.

Napatingin kami sa harapan ng may magsalita, " Guys, tatlong subjects ang vacant,"

"Bakit na naman? "Tanong ng isa kong kaklase sa harapan. "Iyon ang hindi ko alam. "

"Alam na! "Sigaw ng kaklase ko kaya dating gawi kami, ang pag-aaral ng sama-sama.

Iniwan muna namin sila at pumunta kami sa kalapit na Grocery store sa School.

"Boss,  eto. "Abot ni Elton sa akin ng D'tata. Ngumiti ako, "Salamat" atsaka ako kumapit sa kaniyang braso.

"Oh! "Padabog na pagbigay ni Nico sa akin ng isang balot na Yakult.

Napatingin ako kay Jane ng tumikhim ito.

"Sakto na siguro sa ating lahat 'to. "Ani ni Elton na sabay naming ikinatango ni Jane.

Mag-aabot na sana si Elton ng bayad sa Cashier ng may isang kamay ang nauna nang tignan ko ito ay si Nico lang pala, "Here's my Card. "

Kaya wala ng magawa si Elton kung di ibalik ang pera sa bulsa niya.

Hinila ako ni Jane kaya napabitiw ang sa pagkakapit kay Elton.
"Bakit? "Tanong ko.

"Wala" aniya habang nakatingin sa Cashier.

Nang mabayaran na ang lahat ay tumungo na kami pabalik sa klassroom at ng makabalik kami ay gano'n pa rin namin sila nadatnan no'ng iniwan namin sila.

"Huwag masyadong dibdibin. "Ani ni Jane ng makapasok kami.

"Oh!" sambit ni Nico ng ilapag niya sa lamesa ang dalawang plastic na pagkain na binili namin kanina.

Kaya umupo na rin kami at nagsimula ng mag study habang kumakain.

Tatlong oras ang ginugol namin sa pag-aaral at halos lahat ay nakikipag-cooperate. Enjoy ang lahat lalo na nakalibre sila ng pagkain.

Hindi 'man ako nahirapan sa pagturo dahil andito naman sila Elton at Nico na matatalino din,  ang ginawa namin ay nag groupings kami, para maging fair sa lahat ay layo layo kaming apat para hindi kami mahirapan sa mga taong nahihirapan sa mga ibang subjects.

Sa mga sumunod na mga oras ay hindi na pumasok ang mga Teacher sa ibang subjects namin dahil daw gagawin na nila ang mga Test paper namin na naging dahilan para kabahan kami pero napawi ang lahat ng iyon dahil sa sinabi ni Nico.

Kaya sa mga sandaling oras na 'yon ay halos ay naging madali sa amin ang mga lessons naging matagumpay ang lahat dahil may natutunan sila sa mga walang kuwentang pinage example ni Nico.

Kaya halos kami lahat ay kulang na lang ay sumakit ang tiyan sa kakatawa.

Napagpasiyahan namin na pabayaan na lang ang mga taong walang sawang kung ano-anu ang sinasabi ukol sa amin dahil kami lang ang nakakaalam ng buong kami at hindi sila.

Natapos ang buong klase na enjoy ang lahat at may ngiti sa mga labi.

Napainat kaming apat sa pagod kaya nagpahuli kaming lumabas ng klassroom.

Sa hindi kalayuan ay nakita ko si Tres na ikinasiko naman ni Jane sa akin, "Guys, una na kami ah" sigaw ni Jane atsaka na niya ako hinila.

"Tres! "Biglang sigaw ni Jane na ikinabahala ko.

Huminto naman ito atsaka siya tumingin sa amin, "Sabay mo na si Jian tutal naman magkalapit lang naman bahay ni'yo" ani nito n ikinagulat kong tumingin sa kaniya.

"Ano—"naputol ang sasabihin ko ng bumulong uto sa akin, "eto na ang pagkakataon mo kaya huwag ka ng maarte" ani nito atsaka ako tinulak papalapit kay Tres buti na lang at naging alerto ako.

"Ingatan mo ang kaibigan ko, "paalala ni Jane bago lumiko.

Napatingin ako kay Tres na nasa iba ang paningin. Nauna itong lumakad kaya dali-dali akong humabol.

Narating namin ang Bicycle site namin atsaka sabay naming kinuha ang mga bike namin.

"Sino ang mga lalaking kasama mo? " napatingin ako sa kaniya ng itanong niya iyon kaya hindi ko alam kung saan ko kukunin ang isasagot ko.

"M-mga kaibigan ko, "tanging naisambit ko. Habang naglalakad kami habang hawak hawak ang mga bike namin.

Bahagya lang itong tumango at hindi na muling nagsalita hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay. "Salamat, " ani ko.

Bago pumasok sa loob ng bahay.

He Is From My Rivalry Class (#Watty2018)Kde žijí příběhy. Začni objevovat