4

1.2K 25 0
                                    


Pagkalabas ko sa bahay ay siyang paglaki ng mga mata ko dahil ando'n si Tres together with his Bike.

Napatingin ito sa akin atsaka umalis.

Eto na naman daw po ang puso walang sawang pagtibok ng mabilis.

Huminga muna ako bago sumakay sa bisikleta ko.

"Kailan mo kaya ako mapapansin? "Tanong ko sa sarili bago mapagpasyahang umalis na rin.

Tres Montefalco, is living near on our house so, definitely kapag papasok at uuwi madadaanan niya ang bahay namin but sad to say ako hindi.

"Tres, puwedeng akin ka na lang? " bulong ko sa sarili habang naglalakad at pinagmamasdan ang likuran nito.

Umiwas ako ng tingin nang makita kong lumapit si Mika sa kaniya.'Sila na ba? '

Na nagpakirot sa puso ko sa isipang iyon.

Pumasok ako sa klassroom at nadatnan silang abala sa pagbabasa librong hawak nila.

Umupo ako sa puwesto ko at kinalabit si Jane na nasa harapan ko,  tumingin ito sa akin habang may subo-subong lollipop sa bibig, "hmm? "Siya.

"Anong binabasa mo? "Tanong ko.

"Oral Communication" tugon niya atsaka niya itinaas ang hawak nitong libro.

"Magte-test ba tayo? "Tanong ko,  umiling lang 'to.

"Oh! " tanging nasambit ko atsaka tumango.

Napatingin ako sa likuran ko dahil hanggang ngayon ay wala pa rin si Nico kaya umayos na lang ako ng puwesto at kinuha ang libro ko  at aakmang bubuksan ko na ito ng may nag-blow sa tainga ko na naikinapitlag ko,  napatingin ako sa taong gumawa no'n at sinamaan ito ng tingin, siya naman ay ngisi-ngising umupo sa puwesto niya.

Tinignan ko ang inilagay ni Elton sa lamesa ko, "Sa'yo. Meron din siya" aniya. Napatango na lang ako.

Kinuha ko iyon at binuksan, "favorite mo 'yan? "Rinig kong tanong ng nasa likod tumango na lang ako habang 'di tumitingin sa kaniya sinimulan ko ng mag-scan sa libro na hawak ko habang iniinom ang Milk Tea na binigay ni Elton.

Elton Buenaventura is like my older brother to me and he treated me like his own little sister.

"Now I know, " ani nito na hindi na pinapansin.

Sa sobra naming tutok sa pagbabasa ay hindi na namin nalalaman ang pagdating Teacher namin kaya napaayos kami ng upo at nagsimula na siyang nagturo.
May kung anong kuwento ang binabasa nito na hindi ko mahinuha kung ano 'yon dahil sa sobrang lalim ang mga salita nito pero pag inintindi mo ay sobrang ganda ang meaning.

"Know it or Know it all" rinig kong sabi ng nasa likod, Si Nico.

'Know it or know it all'

"Ang lumikha ng makatagang kuwento na 'yan  ay ang sikat na manunulat na si Philip Felix IV. Na isinulat sa librong espanyol na isinalin sa wikang tagalog. "Paliwang ng Teacher namin.

'Woahh! ' may pagkamanghang batid ng mga kaklase ko.

"Ikaw Alejandro,  ipaliwanag mo ang kuwentong napakinggan mo sa sarili mong opinyon, " turo niya sa kaklase kong si Alejandro.

Alejandro Montig ay isa mga magugulo sa klase at pinaka-last sa ranking.

Tumingin muna ito sa mga kaklase ko bago mag-alinlangang tumayo,  nakita ko itong napapalunok at kinakabahan.

"Sir, ano.. a... Oo,  yon nga... Ang kuwento ay patungkol sa mga taong hindi muna nila inaalam ang buong kuwento batay sa pamagat pa lang ay Know it—aalamin mo lang pero hindi ang buong kuwento,  know it all—ibig sabihin ay papakinggan ang lahat. "Proud nitong batid na ikinapalakpak ng lahat at yumuko yuko ito na ikinatawa ko na rin.

Bumaling ako sa Teacher namin at tumango tango ito na tila tama ang sinagot ng kaklase ko.

"Hanggang diyan muna ang klase natin, see you tomorrow students" huling sambit ng teacher namin bago lumabas ng klassroom.

Napa-inat ako at napababa agad ako ng mga braso dahil may inilagay si Nico sa table ko na pabagsak na ikinatingin nila Jane.

"Sa'yo" ani nito nang mapataas ako ng tingin sa kaniya at sa pagkain na ibinigay niya.

"Tutal naman vacant ang next subject natin, " aniya atsaka naghila ng upuan at inilagay sa tabi ko.

Tumingin ako sakaniya at ngumiti, "Salamat, "

Tumango lang siya at kinuha ang libro niya at nagsimulang magbasa.

"Hati tayo"ani ko kay Jane. Ngumiti naman napakalawak si Jane at aakmang kukuha ito ng tapikin ni Nico ang kamay ni Jane.

"Maghugas ka muna ng kamay, " ani nito.
Napanguso naman si Jane, "Sabi ko nga"atsaka ito tumayo.

Tumayo din si Elton at lumabas.

Inilibot ko ang paningin ko at napangiti ako dahil sa nakikita kong pursigido talaga silang maipasa ang Exam.

"Kainan na, "sambit ni Jane ng makarating ito. Kaya binuksan ko na ang isang box na pagkain at pinagsaluhan namin ni Jane habang walang sawang kakabasa ng mga lecture namin.
Dahil ilang araw na lang ay Final Exam na namin kailangan na namin magsunog ng kilay para rito.

"May narinig ako kanina.. "Rinig kong sabi ni Jane na ikinaangat ko ng ulo at tingin sakaniya. "Tungkol saan? "Tanong ko.

"Si Mika at Tres na, " ani nito na nagpatigil sa akin. "Si-sigurado ka ba? " paninigurado ko pero nagkibit balikat lang ito.

"Baka Fake News lang. Huwag mo ng pansinin 'yon, "Sabi nito kaya kahit pilit ay tumango na lang ako.

Natapos ang buong klase na tahimik lang ako buti at hindi napapansin nila Jane iyon.

Pumunta kami lahat sa Apartment ng kaklase ko at doon ginawa ang dapat gawin tinapos na namin lahat ng lessons tutal naman ay sobrang dali lang naman ang mga previous lessons na itinuro sa amin.

Dahil sa naging okupa ng isip ko ang sinabi ni Jane ay nakalimutan kong i-text si Mama kaya pagkauwi ko ay walang sawang sermon ang nadatnan ko sa bahay.

He Is From My Rivalry Class (#Watty2018)Where stories live. Discover now